Chapter Break (Another POV) Part 2

405 8 0
                                    

Chapter Break (Another POV) Part 2

(Zethe's POV):

"Ayokong mag-attend ng next class, Ven." Paalam ko kay Ven.

"Lul! May plus points yung perfect attendance! Sayang!" Sagot niya habang naglalakad kami. Kasama namin yung mga kaklase namin. Ewan ko ba kung bakit lagi kaming sabay-sabay na nagma-migrate from one room to the next.

"Hi Zethe! Bakit di mo'ko tinext?? Yan tuloy di ako nakagawa ng homework!" Ngumuso si Monami.

"La'kong load." Hindi ko siya nilingon.

"Weh? Anung kwenta ng phone mo?" Hinawakan niya braso ko. -___- Hay nakung babae ka wag mo na akong landiin dahil wala kang makukuha sa'kin. Nung first month pa lang ng class namin nahahalata ko na itong si Monami na panay yung lapit niya sa'kin tapos tanong nang tanong o di kaya nagpapapansin. Tss. Asa naman.

"Paki mo naman?" Inis kong sagot.

"Bakla ka ba, Zethe?!" Bigla niyang sigaw. Napalingon lahat ng kaklase namin! Yung iba tumawa yung iba naman nabigla. 

Shhhh*t.    *-___-*  Askal 'tong babaeng 'to sarap ihulog sa bangin ang lakas ng boses!

"May bakla bang may girlfriend na?!" Asar kong sagot sa kanya nang hindi iniisip yung sinabi ko. Bahala na. Kesa naman isipin ng ibang tama yung sinabi niya! Bwisit na babaeng 'to anlandi na ang ingay pa. 

"G-Girlfriend?!" They all asked in chorus. Ay wow, saang choir sumali yung mga 'to? Praktisado ah.

"Oo, bakit? Wag niyo nga kasi akong pakialaman." Iniwas ko na titig ko sa kanila at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Si Monami ewan ko kung saang pader sumiksik kasi hindi ko na siya katabi. Haha. Buti nga sa kanya nang tigilan na niya ako.

"Hoy?? Sinong girlfriend??" Nagtatakang tanong ni Ven. Hindi ako nakasagot...

S-Sino nga ba...? Ewan! Palusot ko lang naman yun--or let's call it self-defense. Hehe. Sabihin ko na lang sa kanila taga Paranaque.

Nakikita ko na yung pinto ng room namin. Naglalakad pa rin ako habang inaayos ko yung butones ng uniform ko sa malapit sa sinturon ko. Sana naman wag matanggal. -___- After kong ayusin, humarap na ako sa daan at--

Yung babaeng nakatalikod... Si Eve yun diba..? 

Oo, kabisado ko na yata pati likod niya. Haha... -__- Tinitigan ko si Ven at Krestan bago ako tumitig ulit sa kanya... Hmm... Si Krestan ba o si Ven yung mas babagay sa kanya? Tingin ko... 

AKO.

HAHAHA, syempre biro lang. Nakatitig pa rin ako sa kanya nang biglang--

*Freeze!*

Ay, tang'na!

Zethe! Alisin mo na titig mo sa kanya! (AYOKO!) Umiwas ka na! (AYOKO NGA SABI!)

O____O I stared at her blankly at siya rin, mukhang nabigla siya sa pag-a-eye to eye contact namin. Mga tatlong segundo matapos yung tensyonado naming titigan, she tilted her head forward quickly. Bullsh*t. She snobbed me! Hinawakan niya yung braso nung kasama niya and they took big steps palayo. @__@ Natakot din yata siya sa'kin?? Bwisit kang mukha ka, bakit kasi di ka na lang ngumiti kahit kinakabahan ka! Tae naman eh!

Ansakit naman nun! 

Hindi ko na maipaliwanag kung ano yung nabasa ko sa mukha ni Eve. Kung pagkabigla ba, inis, galit, takot, o tuwa. Ang singkit ng mga mata niya kaya hindi ko talaga masyadong ma-figure out yung emotions niya...

Pero--TAKTE! Nahuli na naman niya akong nakatitig sa kanya! -______- How uncool!

The whole discussion sa class namin, spaced out ako. Ang gulo ng isip ko. Andaming pumapasok tapos nauudlot lang naman kasi may bago na namang pumapasok. Hindi ko na nga rin maalala lahat ng naisip ko--maliban sa isa. :)

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon