QUADRAGINTA QUATTOUR

Magsimula sa umpisa
                                    

'And the rest is history,' sinilip ni Snow ang repleksyon sa salamin at nakitang apat na lang ang beads na naroon sa itaas ng tattoo. If they can't find anything in the next four days, mukhang mas malaking problema pa ang kakaharapin nila. Napapailing na lang ang dalaga. Nandito naman na si Pride. Magiging ayos naman na ang lahat, 'di ba?

"Hindi kaya may kinalaman ang magaling kong ina sa sumpa na 'to?"

Nabigla si Snow sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Kung anu-ano na lang talaga ang naiisip niya. Maging si Chandresh ay parang napaisip dito. He sat on the edge of her bed and tapped his chin, "Patay na siya, 'di ba? At kung may alam man siya sa nangyayari sa'yo ngayon, bakit hindi niya pinigilan si Boswell?"

Pagak na natawa si Snow at naupo sa tabi niya. "Malamang dahil wala siyang pakialam sa'kin. For all I care, sana itinapon na lang niya ako sa basurahan noong sanggol ako. Kahit kailan naman, hindi ako tinanggap ng mundo."

"Stop saying that."

Tumaas ang kilay ng dalaga. "Stop saying what?"

"Tsk. Stop talking as if you're the only one with problems.. Naisip mo na bang may iba pang mas malala ang sitwasyon sa'yo? Hindi lang ikaw ang minalas sa buhay, Snow. Don't depress yourself thinking that the world hates you."

Snow White stared at him. Mukhang may pinanghuhugutan rin ang lalaking 'to. In that brief moment, she wondered if being a prince is also a burden for him. Ano nga bang buhay ni Chandresh bago siya nakulong ng ilang siglo sa salamin? Huminga na lang siya nang malalim at isinantabi ang mga naiisip niya. Alam ni Snow na may tamang panahon para alamin ang lahat. Sana lang ay dumating ang tamang panahon na 'yon bago pa mahuli ang lahat.

"Look, just forget about what I said. Wala na rin namang kwenta kung iisipin pa natin 'to dahil patay na si Christina," pagtatangka ni Snow na tapusin ang usapan. Pero mukhang hindi papatinag si Chandresh. Snow could almost see the gears in his head working.

"Snow, can't you see? Kung may alam ang nanay mo sa sumpa, baka alam rin niya kung paano 'to mapawala!" Nakangiting sabi ni Chandresh na para bang nabuhayan ng pag-asa. 'Kung may alam man siya sa sumpa ko ngayon, atleast naiintindihan ko na kung bakit ipinamigay na lang niya ako kay Boswell noon.'

"She's dead. Hindi natin siya makakausap, pwera na lang kung may ouija board ka sa bulsa."

"Your Majesty," nabigla na lang si Snow nang hawakan ni Chandresh ang kanyang mga kamay. His hands felt warm. Chandresh smiled, an attempt to reassure her, "you can't run away from your mother forever."

"H-Hindi mo ako naiintindihan!"

"Snow, baka ito ang---!"

"Ayoko!"

Marahas na binawi ni Snow ang kanyang mga kamay. Napabuntong-hininga na lang si Chandresh at tumango. Alam nitong hindi na niya mapipilit pa ang dalaga, "Fine. We'll search things up in the Library of Lost Souls. Pero kapag wala talaga tayong mahanap, kailangan mo nang harapin ang takot mo. Christina might be the missing piece we need..unless you want your seven sins to die."

Natigilan si Snow nang marining 'yon.

'There's got to be another way!'

Pero paano nga kaya kung wala nang ibang paraan? Paano kung wala silang mahanap na ibang lunas? Napipilitang tumango si Snow. Bahala na. Imposible naman nilang makausap ang patay, 'di ba?

Ganoon pa man, alam ni Snow na hindi niya maaatim na makaharap ang babaeng 'yon. Kung galit man siya rito dahil sa pagpapabaya nito sa kanya, mas dumoble pa ang galit niya ngayon dahil sa nalamang nakaraan nito.

Tinitigan ni Chandresh ang dalaga. Mukhang malalim na naman ang iniisip nito. Base sa ekspresyong ipinapakita ni Snow, alam niyang naguguluhan na rin ito sa mga nangyayari. Still, he can see a veil of fear concealing the girl inside. Pilit niyang tinatakasan ang nakaraan, kahit pa alam nilang dalawa na konektado pa rin ito sa kanilang kasalukuyan. Minsan, hindi na alam ni Chandresh kung bakit niya gustong protektahan ang babaeng 'to.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon