Napatiim-bagang na lang si Hades sa ugali ng lalaki. Oh, no. He won't take any orders from anyone! Sawang-sawa na rito si Hades at sa pagkakataong ito, ipapaalala niya sa hamak na clockmaker ang kapangyarihan niya. "She's living with them! Paano kung masira ang plano mo? Tandaan mong itinaya ko ang karangalan ko bilang hari para lang makipag-alyansa sa'yong tapusin ang mga bubwit na 'yon! My whole kingdom with be at stake if you fucking fail!"

"Karangalan?" Natawa nang mahina ang lalaki at isang madilim na ekspresyon ang gumuhit sa kanyang mukha, "Anong karangalan ang pinagsasasabi mo? You've been Lucifer's puppet since birth. Isa ka lang anino, at ni hindi mo pagmamay-ari ang kahariang ito.. Wala kang kwenta, at alam mo 'yan."

Sa mga salitang ito, naitikom na ni Hades ang kanyang bibig--nakakuyom ang mga kamao, at halatang nagpipigil ng galit. Mr. Boswell smirked and took this as an opportunity to proceed, "Masakit ba ang katotohanan, kamahalan? Masakit bang mabuhay sa kasinungalingan? If you help me and my army, you won't have to rule as 'pretend' king anymore. Kapag nagawa nating tapusin ang Seven Deadly Sins, everyone will recognize your power.."

Iminuwestra ni Mr. Boswell ang kampon niyang mga halimaw, "Everyone will bow down to to you! Lahat sila ay kikilalanin ka bilang nag-iisang hari ng impyerno!" Kasabay ng mga salitang ito ay ang sabay-sabay na pagluhod ng mga clockwork monsters sa harapan ni Hades.

"Kahit si Lucifer mismo ay luluhod sa harapan mo, Hades." Pag-uudyok pa nito sa nilalang na mukhang malalim ang iniisip. Alam ni Boswell ang kanyang mga pinakatatagong mithiin, at higit sa lahat, alam niyang manipulahin ang mga ito. Hades' eyes glimmered in delight at the thought of everyone worshipping him. Nangako si Boswell na tutulungan siya nitong patayin si Wrath at paluhurin ang sinumang nilalang na magdududa sa kanyang kakayahan bilang hari. Ang kailangan lang na gawin ni Hades ay ang tulungan ang clockmaker para maging matagumpay ito. He'll finally overpower Lucifer himself!

Pero isang tanong pa rin ang gumugulo sa isipan ng hari.

"You haven't told me your personal reasons yet for hating the sins.. Ano ba talagang motibo mo?"

Binalot ng tensyon ang paligid sa tanong ni Hades. Sa likod ng mga kurtina, pinapakinggang maigi nina Wrath at Envy ang isasagot ng kaaway.

Mr. Jeremy Hans Boswell sighed. "Let's just say, they took my ambition away from me and trapped me in a damn mirror, several centuries ago. Sabihin mo, sino bang hindi kasusuklaman ang mga demonyong iyon sa ginawa nila?" Nahihibang na natawa ang lalaki, malalim at mala-demonyo ang timbre nito, "Babawiin ko lang ang buhay na kinuha nila sa'kin.. I'll make those devils pay."

Napanganga sina Envy at Wrath sa narining. They turned to each other with horrified faces. Alam nilang dalawa ang sinasabi ng clockmaker. How could they forget? Lubhang mapanganib nga ang nilalang na 'to! "Wrath, kailangan na nating bumalik sa mansyon!" Bulong ni Envy kahit pa binabagabag pa rin siya ng kung sino ang kaninang tinutukoy ni Boswell. Who the heck is "she" in Boswell's plans? Naalala bigla ni Envy ang gabing nawalan sila ng koleksyon. Hindi kaya...

"Well, it looks like we have some visitors."

Mabilis na natuod sina Wrath at Envy sa kanilang pinagtataguan nang sumulpot bigla si Boswell mula sa likod. His eyes screamed madness, endless dark pits that can rival the despair of hell. Bago pa man sila makakilos, namalayan na lang ng dalawa ang pagpulupot ng mga kadena mula sa kanilang mga gilid. Hades stood nearby, using his powers to control the chains.

"SHIT! I'LL FUCKING SKIN YOU ALIVE FOR THIS!"

Pagwawala ni Wrath nang malaglag ang kanyang patalim.

Natawa si Hades sa reaksyon nito at mapang-asar na ngumisi, "Your temper won't do you any good, Wrath. Ayan ang napala mo sa pagnanakaw sa tuta ko." At sa isang kisapmata, pumalibot na sa kanila ang batalyon ng mga halimaw. Envy can feel Wrath unleashing his hellfire, but the chains are somehow restricting them. Nagliyab ang buong silid, kasabay ng pagpupumiglas ng magkapatid. Hindi nila pwedeng iwanan ang iba pang mga kasalanan, lalo pa't masama ang kalagayan ni Pride!

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now