"K-Kailangan kong makausap ang magkakapatid!"

But fate had other plans for her.

Biglang nagliwanag ang salamin, isang nakakasilaw na ilaw ang pumuno sa kanyang silid. Chandresh replaced her reflection and glared at her. "Hindi mo sinabi sa'kin ang tungkol diyan! What the heck is going on, Snow?!" Well, mukhang narinig nito ang pinagsasasabi niya mula pa kanina. His violet eyes were worried, but they was soon masked by anger. Alam niyang galit ang binata dahil hindi nito agad nasabi sa kanya. Pero paano ba makakahanap ng tiyempo si Snow kung puro pangangaral at panlalait sa Seven Sins ang ginagawa ni Chandresh kada mag-uusap sila? It was toxic, indeed.

"C-Chandresh.."

"Snow, you are in grave danger. Siguro naman alam mo na 'yon! But if you continue to keep things under lock and key, mas lalong lalala ang sitwasyon!"

"Sa tingin mo ba, hindi sumagi sa isip ko 'yan?!"

"I want to help you, darn it! Pero paano naman kita tutulungan kung ni hindi mo matulungan ang sarili mo?!"

Snow gritted her teeth in annoyance. Naglakad siya papalapit sa salamin at tiningnan nang masama ang binatang nakakulong dito.

"Akala mo ba, madali lang sa'kin ang lahat?! I'm turning into a monster, Chandresh and I'm not happy about that! Ngayon, kung sisigawan mo lang ako at wala kang planong tumulong sa kalagayan ko, then I guess you're worse than Boswell!"

Natigilan si Chandresh sa sinabi nito. Matagal nilang hinamon ang tingin ng isa't isa bago umiwas ng tingin ang lalaking nasa salamin. Mas mahinahon na ito ngayon at napabuntong-hininga, "I'm sorry." Kitang-kita ni Snow ang pagsisisi nito sa kanyang ekspresyon. Napapailing na lang ang dalaga at sabay hawak sa salamin. Her hand only felt cold glass, mukhang walang paraan para mailabas si Chandresh doon.

"Natatakot ako sa mga posibleng mangyari, Chandresh. T-This curse.. Boswell marked me with it. Now I'm bound to transform into a monster every night." Kapag naiisip niya ang bagay na 'yon, para siyang binabalikan ng mga bangungot ng nakaraan. Kailan ba siya makakahanap ng kapayapaan? It seems that the world loves making Snow White suffer in agony.

"Pitong gabi. Then, it's over for the Seven Sins," she closed her eyes and forced her emotions back, "I know that you don't like them.. Pero kung may alam ka lang na paraan para mailigtas natin sila mula sa halimaw na nasa loob ko, I'd exchange my soul for it. P-Please." At hindi na nagawang kontrolin pa ni Snow ang mga luhang lumandas sa pisngi niya. Iniisip pa lang niyang siya ang magiging dahilan ng pagkawala ng magkakapatid, pinapatay na siya ng kanyang konsensya.

Silence followed.

'She's having an emotional breakdown.' Isip-isip ni Chandresh at tiningnan ang kamay ni Snow na nakalapat pa rin sa salamin. He sighed and raised his hand. Sa kabilang bahagi ng salamin, inilapat ni Chandresh ang kanyang palad sa kamay ni Snow. The glass separating them felt solid enough to keep them away. Isang salaming nagsisilbing hadlang sa pagitan nila.

Ngumiti si Chandresh kay Snow.

"Don't cry, Your Majesty. Tutulungan kitang makahanap ng paraan. Magpakatatag ka lang, Snow White."

Snow White's eyes met his. Pinilit nitong ngumiti sa kanya. Ramdam ni Chandresh ang bigat ng pasanin ni Snow. Hindi niya lubos akalain na natagalan pa nito ang mansyon ng ilang buwan, pero ngayon, mukhang nalalapit na ang hangganan ng pananatili ng dalaga dito.

Still, something bothered Chandresh. Tiningnan niya ang marka sa leeg ni Snow. Parang nakita na niya ito dati? 'Pero saan?', pilit niyang inaalala.

Masama ang kutob ni Chandresh sa mga pangyayaring ito.

*
Matapos niyang magligpit ng pinagkainan, Snow White immediately went straight to the hall that led to Pride's private study. Hanggang sa mga oras na ito, pakiramdam niya ay sinusundan siya ng tingin ng mga estatwa at paintings na naka-display. Sa bawat hakbang niya papalapit sa silid, nararamdaman ni Snow ang pagdoble ng kanya kaba. 'Mangangamusta lang naman ako.. Wala namang masama doon.' And hopefully, if Pride is feeling better, she'll tell him everything. Kahit pa kumikirot pa rin ang mga sugat na nakuha niya mula sa nabasag na salamin. It was a miracle that her magical cabinet supplied her with first aid necessities. Ayaw na niya masyadong dumepende sa kambal para pagalingin ang mga sugat niya.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora