Chapter 24: Tatlong magagandang nilalang

ابدأ من البداية
                                    

Jjjjkkkk4: Hahahaha serve her right?

Lollypops: Hindi ata marunong maligo yan! 55555

Jasmeou: That's a form of bullying! Hindi na kayo naawa!

Honymey: I kinda pity her. But as a Princess of Nobu, buti nga sa'yo! How dare you make our Prince carry your bag!

Hindi ko na binasa yung ibang comments at ibinigay ko na kay Lin Xia yung cellphone niya.

"May laptop ka ba?" Bigla kong tanong sa kanya.

"Huh? W-wala akong dala ngayon." Tumayo na ako. "Pa saan ka?"

"Sa library."

(Ah Nou POV)
Hindi ko alam ang totoong nangyari kay Hao Mei dahil dumating na lang siya sa room kanina na basang basa at biglang nawalan ng malay. Kaya naman ay isinugod agad siya ni Yu Shu sa clinic. Hindi na ako nakasunod agad sa kanila kasi si Yu Shu lang ang pinayagan ng Prof. namin na magdala kay Hao Mei sa clinic kaya ito. Mag-isa kong tinapos yung klase.

Sino kaya ang may gawa nun sa kanya?

Natapos ang klase namin kaya naman ay agad akong pumunta sa clinic dala ang bag nila Yu Shu at Hao Mei. Gayunpaman, natagalan ako sa pagpunta sa clinic dahil bigla akong dinumog ng mga kababaihan at tinatanong kung totoong girlfriend ko yung babae, at kung bakit ko raw ipinagdala ng bag. Si Hao Mei ba ang tinutukoy nila. Wala akong maisagot sa kanila kaya naman ay tumakbo na ako papuntang clinic.

"Sh*t! Ano bang problema nila?" Hingal kong sabi pagkapasok na pagkapasok ko sa clinic. Nagulat naman yung Nurse on duty.

"Hinahanap mo ba yung girlfriend mo?" Agad niyang tanong sa akin.

"Huh? Sinong girlfriend?"

Hindi ko na hinintay na magsalita siya at naglakad na ako papunta sa pinakang loob ng clinic. Hinawi ko yung kurtina at nakita ko na nakaupo si Yu Shu sa may tabi ni Hao Mei habang hawak hawak niya ang kamay nito.

"Oh." Ibinigay ko na sa kanya yung bag nila.

"Salamat. Tapos na yung klase?"

"Oo. Wala namang masyadong diniscuss si Ma'am. Kumusta na si Hao Mei?"

"Ito, nakatulog siya dahil sa sobrang lamig. Nagkaroon din siya ng kaunting lagnat."

Umupo ako sa kabilang kama at nagulat ako dahil biglang tumunog ang cellphone ko.

Little Assistant calling...

Si Jun Ya tumatawag? Napatingin sa akin si Yu Shu kaya naman ay agad ko ng sinagot yung tawag niya.

"Hoy!!! Wala akong pakialam sa trip mo sa buhay. Okay na sa akin na ako na lang ang ibully mo! Huwag mong idamay si Ate Hao Mei!!!" Tapos bigla niyang ibinaba yung tawag. Huh? Ano raw?

"Sino yun?" Agad na tanong ni Yu Shu.

"Ah... ewan. Prank call ata."

Problema ba ng batang iyon? Wala nga akong ginagawang masama kay Hao Mei. Pinagbuhat ko lang naman ng bag kanina. Eyy... bakit pakiramdam ko may kakaibang nangyayari? Tapos biglang tumunog ulit yung cellphone ko.

Manager calling...

Si Manager?

"Hello... diba sabi ko, kapag nasa scho-"

"I have send you a link. Care to explain it to me."

Hindi na ako nagsalita at binuksan ko yung link na sinend niya sa akin at nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko yung picture namin ni Hao Mei habang kinukuha ko sa kanya yung bag niya kanina.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن