"D-Damn it.. Pinag-alala mo 'ko!"

To say that she felt relieved was an understatement! Dala ng emosyon, agad na kinarga ni Snow ang maliit na Gluttony at hinalikan sa pisngi. Halatang nagulat ang bata sa ginawa ni Snow at kapansin-pansin ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Gluttony's blushing as red as a tomato but Snow didn't mind. She's glad he's safe.

"Ehem! Ehem!"

Sabay silang lumingon sa anim na batang nakamasid sa kanila. Nakita ni Snow ang pag-irap ni Wrath, "No need to worwy 'bout that idiwot! We'we immowtals!" Masungit nitong sabi. Nang balingan niya ang kambal, pareho silang naka-pout kay Snow. Nagising si Sloth at humikab muna bago pinasadahan ng tingin ang paligid, nakatakip pa ang kanyang bangs sa kanyang mga mata. Humikab lang ito ulit at kumuha ng unan. 'Lazy ass,' Snow thought.

"Wrath's wight. Kahit pa ihagis natin sa Jupitew ang matakaw na 'yan, he'll survive. Tsk."

(wight=right)

Ngayon ay naiinis na si Snow. "Your brother could've been injured, pero parang wala lang sa inyo?! This is bullshit! And don't act like jealous bastards, dahil kahit sino naman sa inyong pito ang mahulog sa chandelier, I'll still be worried!" Agad nang naitikom ni Snow ang kanyang bibig. Did she just said that out loud? Bigla siyang nahiya. Sana lang ay hindi nila maalala paglipas ng bente-kwatro oras.

Sana.

Nabiglat si Snow nang yumakap sa kanya ang kargang bata. His small arms around her neck while he cuddled into her. Napabuntong-hininga na lang ang magkakapatid, umiwas ng tingin si Pride. Noon lang napansin ni Snow ang paglalakad papalayo ni Lust. Iyon nga lang ay halos hindi pa ito nakakalayo dahil sa liit ng mga binti nito.

"Hoy, Lust! Saan ang punta?"

Baby Lust just waved a hand, not turning around. "Aakyat din ako sa chandeliew, babes!"

Napanganga si Snow sa sinabi nito.

*
Kasalukuyang kinakalkal ni Snow ang mahiwagang kabinet sa private study ni Pride. 'Sabi niya may makikita raw akong diapers at baby bottles with milk dito!' Mahinang reklamo ng dalaga sa utak. Ayaw niya itong sabihin nang malakas, mahirap na at baka marinig pa siya ng baliw na 'yon. Sometimes it irritates her that Pride has a way of knowing things. "Tsk. Manipulative bastard.." Mula sa kabinet, inalis niya ang ilang folding chairs at estatwa. Napamura pa siya sa gulat nang may malaking ahas na lumabas mula sa kabinet.

"Damn it!"

Fortunately, the albino boa constrictor just passed her by. Mabuti na lang at ipinanganak na hindi kapansin-pansin si Snow, she smiled bitterly at the thought. 'Kahit ahas, ayaw sa'kin.' Well, it has its advantages.

Ilang oras pa lang ang nakakalipas magmula nang naging bata ang magkakapatid pero pakiramdam ni Snow ay ilang siglo na ang lumipas. Hindi kaya may topak na naman ang mga orasan nila sa mansyon? Kanina lang ay napapansin niyang balisa na ang mga bata, nagrereklamo ng gutom. She tried feeding them with normal food (Italian pasta, croissants, buttered shrimps, and glazed chicken) pero para bang ayaw nila itong kainin. That's when Pride scowled at her, "We'we just three yeaw olds, stupid!" Pagmamaktol nito. Nakipagbangayan pa siya rito kanina dahil ang sa pagkakaalam niya, even three-year-olds can eat soft foods! Pero mukhang nag-iinarte talaga ang pito at gusto ng gatas.

'Aren't they too old for milk bottles?! Grabe naman ang pagpapa-baby ng pitong 'yon!'

Alas! Sinabi ni Pride sa kanya na mayroon ring "magical cabinet" ang kanyang private study, like the one in Snow White's bathroom upstairs (where she also got her napkin; speaking of which, she needs to change). Ang mahiwagang kabinet na nagbibigay sa manggagamit ng kung ano man ang kinakailangan niya. Pero ang hindi talaga maintindihan ni Snow ay kung bakit may ahas kanina? 'Baka kailangan ko yung ahas para sakalin si Lust kapag sinubukan niya ulit umakyat ng chandelier!' Inis nitong isip.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon