22nd Chapter of Destiny

Start from the beginning
                                    

"Eh mga bobo pala kayo eh! Sa tingin niyo ba ganun lang kadali magkacrush yung bestfriend ko, ha?! At ano akala niyang si Ven, laruan lang si Eve? P*tang *na niya sabihin mo sa kanya!" -__- Ganito pala kakitid yung utak nitong lalaking 'to? Sarap batukan eh.

"You didn't get the point." I sighed. "Labas si Ven sa panliligaw ko kay Eve."

"Paanong labas?? Eh siya nga yung umutos sa'yo--!"

"Hindi nga eh." Bobo ka lang kasi. "Challenge nga yun. Sinabi lang niya yun para mapaamin niya akong gusto ko nga si Eve. Ayaw ko pa kasing umamin nung una. Natakot kasi akong baka siya nga yung gusto ni Eve at hindi ako--"

"Duwag ka pala eh!"

"Hindi na ngayon." Hindi ako natatakot. Hindi ako ninenerbiyos. Hindi ako nanginginig. Siguro kanina, medyo. Pero ngayon kahit konti wala na.

Tae kasi.

Pwede naman pala akong maging ganito ka kalma at tapang. Ba't ngayon lang?

"Kaya nga sabi ko kay Ven, hindi ko paglalaruan si Eve. Oo, liligawan ko siya. Pero di dahil sa sinabi ni Ven. Liligawan ko siya hindi para paglaruan. Liligawan ko siya dahil gusto ko siya, mahal ko siya, at dahil seryoso ako sa kanya. At seseryosohin ko talaga siya." I sighed. "Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkalakas ng loob para ligawan ang isang taong gusto at mahal ko." Nakita ko naman yung pagkabigla sa mga mata nila. Dapat lang.

"Ba't ngayon lang?" Curious na tanong ni Aisis.

"Ngayon lang din naman kasi ako nagkagusto sa isang tao. At nagkataong ang taong yun ay ang kaibigan niyo."

*SILENCE*

"Teka nga, yung about kay Ven. Plano ba talaga niyang paglaruan si--"

"No. Humingi siya ng sorry sa'kin after niyang sabihin yun. Nagalit kasi ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya. So yun, ipinaliwanag niyang hindi naman totoo yung sinabi niya. Gusto lang daw niya akong umamin. At sabi pa nga niya ligawan ko na daw si Eve bago pa ako maunahan ng iba. Tutulungan pa daw niya ako." Tae. Ang haba ng kuwento ko. Kelangan ko lang din kasing ipaliwanag side ni Ven. Ayoko namang mali yung isipin ng iba sa kanya dahil sa maling akala.

"Ahhh. Yun naman pallaaa..." Biglang imik ni Jaira sabay hampas ng mahina kay Layne. "So? Okay na?"

"Pssss. Ayus na yun. Mabuti't malinaw." Sagot ni Layne. Buti naman.

"Sabi ni Ryen mahiyain ka daw. Sabi din niya halos di ka nagsasalita." Medyo nakangusong pahayag ni Aisis. Sinabi niya yun? Tss. Haha.

"Totoo yun. Kaso kung magiging ganun ako ngayon, paano ko kayo makakausap nang maayos?" 

"Hindi ka nahihirapan?" Tanong naman ni Jaira.

"Hindi. Hinding-hindi ako mahihirapan as long as para kay Eve yung ginagawa ko."

"Awwww..." Alam kong kinilig si Aisis at Jaira dun. Ang laki ng ngiti nila eh.

"Basta ito ang tandaan mo, Zethe." Bahagyang tumuwid sa pag-upo si Layne. "Oras na pinahirapan mo bestfriend ko, ako makakaharap mo." Is that a threat? Kasi ni hindi man lang natakot. Tssss.

"Ibig sabihin hindi na kita makakaharap ulit?" Tinitigan ko lang siya nang may pagtataka. Natahimik siya. Di yata niya na-gets. Ampuch* bobo nga. Haha.

"Hindi lang siya yung makakalaban mo! Pati kami! At marami pang iba!" Dagdag ni Jaira.

"Tommaaa!" Sabat ni Aisis. Wala na siguro silang masabi. Tumayo na rin sila. Aalis na yata. Di man lang kakain? O_o

"Ayos. Hindi naman ako sanay makipaglaban." Hindi ako ngumiti. Tumayo na rin ako. "Teka? Hindi man lang ba kayo kakain? Libre ko." Alok ko. 

"Hindi na, nakakahiya naman sa'yo! Saka na lang pag KAYO na." Ngumiti si Aisis. At least naman may isa sa kanilang halatang boto sa'kin. :)

"Kayo bahala." 

"Sige una na kami ha! May lakad pa kasi kami eh! It's nice meeting you!" Nagshake hands kami ni Aisis.

"It was nice having an interview with you, Zethe! See you!" Nagshake hands rin kami ni Jaira. Ang pormal masyado ah? 

"Sige, bro. Una na kami." Paalam ni Layne. Tinapik lang niya balikat ko at tumango naman ako.

"Ingat kayo."

"Ikaw din!" Jaira and Aisis waved goodbye bago sila tuluyang lumabas. Si Layne, alam ko astig yun. Pero alam ko rin, gusto lang niyang protektahan si Eve.

Di bale. Sa susunod, hindi na siya masyadong mahihirapan.

Kasi dalawa na kaming gagawa nun.

"Manang, ice cream nga, rocky road." Sabi ko kay manang, ang matandang waitress ng cafe. Ngumiti si manang sa'kin at umalis. Suki ako ng cafe na 'to pero minsan lang akong kumain ng ice cream. 

But now, kakain ako.

Ganito talaga ako, kumakain bigla ng ice cream.

Lalo na pag masaya ako. :)

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Where stories live. Discover now