Sandaling natahimik si Snow. Kung tutuusin, hindi talaga masayang mabuhay nang higit sa normal. Ilang siglo nang namamalagi ang Seven Deadly Sins sa mundo at hangga't may mga makasalanang mortal na namamatay, patuloy silang mabubuhay. That's the irony of it all.

Pinili niyang ibahin na lang ang itatanong, "Bakit parang hindi ko pa nakikita?" She'll admit it: gusto niyang makakita. 'Well, surely, it's not everyday that you'll have a chance to spot a mythical creature!' Kumento niya sa isip at sinundan si Envy sa mahabang columns ng mga lapida. The graveyard's pale gray light isn't enough to illuminate everything. She can barely see the outlines of several birch treets at a distance, hindi pa nakatulong ang makapal na hamog sa lugar.

It took a moment before Envy replied, "Leprechauns are shy. Madalas invisible sila at hindi umaalis ng silid." Tinanaw ng prinsipe ng pagkainggit ang distansya at malawak na napangiti. "We're here." Anunsyo nito. Nang sipatin ni Snow ang tinitingnan niya, halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makita ang bundok ng mga kabaong. Literally. The coffins of different materials and designs are carefully stacked ontop of one another to reach the gray heavens of the room. Halos hindi na matanaw ni Snow ng dulo nito. 'Hindi siya nagbibiro nang sinabi niyang may koleksyon siya ng mga kabaong!' Nang lapitan nila ang mga ito, halos manlata si Snow nang makita ang isang glass coffin na katulad ng nasa bakuran. Naalala niya bigla noong pagkamalan siyang buto ni Cerberus at walang awa siyang ibinaon sa lupa.

"Bakit ba hindi ako namatay doon? Shouldn't I die of suffocation?" Pang-uusisa niya kay Envy at pinapakintab ang isang kabaong na gawa sa leather.

"These are enchanted coffins, Chione. Don't expect anything here in the mansion to be normal."

She thought so. "Ano bang gagawin natin dito?" Tanong niya sabay katok ng ilang kabaong. Baka kasi mamaya may nakakulong rin pala doon. Lumawak ang ngiti ni Envy sabay labas ng isang notebook at fountain pen. Inihagis niya ito kay Snow sabay deklara, "Chione, you'll be spending the rest of the morning helping me with inventory!" Tuluyan nang napanganga si Snow, "I-Inventory.. Lahat ng 'to?!" Sabay tanaw niya sa hindi matanaw-tanaw na tuktok ng bundok ng mga kabaong.

"Yup! Isn't it awesome? HAHAHAHA!"

Minsan talaga napapaisip siya kung bakit parang nagkakasundo ang magkakapatid na gawing impyerno ang buhay niya. 'Bastards!'

Tiningnan niya ang ekspresyon ni Envy at baka naman nagbibiro lang ito, pero seryoso na nitong sinisipat ang ilang mga kabaong. Snow White sighed and started taking notes. Tutal naman, wala siyang training sa araw na ito (because of the brothers' stupid Drinking Day), might as well make the use of it...

Makalipas ang ilang oras ng paglilista ng libu-libong kabaong ni Envy (ang ilan ay yari sa makikintab na bato, diyamate, dahon at gintong kakorte ng kalansay), Snow finally found exhaustion taking its toll on her. 'Paano ba nagagawang i-inventory ni Envy ang lahat ng 'to mag-isa?!' Napapailing na lang siya sa naiisip.

"Chione, 2 pieces of Standard Hand-molded Marble and Ruby Coffins!"

Hinihingal na napatingin sa taas si Snow. Kumaway sa kanya si Envy na halos nasa tutok na ng bundok. Dahil sa dami ng koleksyon niya, napilitan sina Snow na akyatin ang taas nito. 'Climbing a mountain of coffins! Great.' Tumango na lang siya dito at hirap na kinuha ang listahan. Nanginginig na ang kanyang mga kamay habang sinusulat ito sa papel. She cursed under her breath when the pen fell down. Pinanood niya itong maglaho sa hamog na nasa ibaba, hanggang sa mahina nitong paglagapak sa sahig ng sementeryo. This side of the mountain looks like a canyon, an endless pit of despair. Tumulo ang kanyang pawis sa noo at umupo sa isang eggshell coffin.

"Envy! Nahulog 'yung ballpen!"

Pero wala na ang binata sa kanyang pwesto. Kumunot ang noo ni Snow. "Damn it.. Nasaan na ang isang 'yon?" Sumilip siya sa matarik na bahagi ng bundok, she's a hundred feet above ground, "and how am I suppose to get down from here?"

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें