Chapter Break (Another POV) Part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"Teka lang bro, hintayin mo ako may bibilhin lang ako sa cafeteria." Bilin ni Ven tsaka siya umalis kasama si Corby. Sumandal lang ako sa malaking haligi as I crossed my arms. Putek. Sobrang init na talaga ng mundo. Umaagos na yung sandamakmak na balde ng pawis ko mula sa katawan ko. Buti na lang at wala sa genes namin yung mabaho.

Again and as always, I scanned the area. Well, alam ko namang nakaupo na naman sa forum sina Eve (at nakatingin na naman ako sa kanya ngayon nang palihim), pero yung pinagtataka ko ay kung bakit kinakausap na naman siya ng gunggung na si Krestan. Silang dalawa lang talaga ha?? At nagkakangitian pa! Bagay pala sa'yo pag nakangiti ka Eve... Nasan na ba yung kaibigan ni Eve at nang maistorbo na silang dalawa! 

Dinidiskartehan na talaga siguro ni Krestan si Eve.

*Sigh*

Ikaw kasi Zethe, ang torpe mo. Kaibiganin mo na lang kasi yang si Eve at nang magkaalaman na. Nagpapadala kasi sa hiya at kaba eh. Yan tuloy, nauunahan ka na ng iba. Tsk.

Bahala na. Kung sila talaga yung dapat maging magkarelasyon, edi sila. Sa dinami-dami ba naman ng gwapo at astig na mga lalaki dito sa University, imposibleng AKO yung piliing magustuhan ni Eve. Sobrang IMPOSIBLE lang talaga.

Nagbuntung-hininga na lang ulit ako at tumungo na kina Ven. Ingatan mo si Eve Krestan, kung ayaw mong maglakad nang walang balat sa eskwelahang 'to.

"Oh, oh! Nandito kami, nandito!" Tawag ni Corby sa'kin. "Nak ng pagong para kang baliw na naglalakad bro! Lumilipad ba utak mo? Tara hulihin natin!" Natatawa niyang sabi. Si Ven nadala na rin sa tawa niya. Tsss. Sige pagtawanan niyo na lang ako. Bad trip na rin naman ako.

"Hoy! Ano ba para ka namang patay na nabuhay diyan! Ano problema?" Binunggo niya braso niya sa braso ko.

"Gusto ko lang bumalik sa kamatayan ko." Malamig kong sagot nang nakatungo.

"Tss. Di pwede. Lalandiin ka pa ni Monami."

"Landiin niya mukha niya ang cheap niya." Sagot ko. Pasensya sa mga salita ko, bad trip lang talaga ako ngayong araw. -___-

"Ayaw mo dun? Cute naman yun ah?" 

"Cute na mukhang asong ulol? Ayoko sa mga babaeng ganun."

"O ayaw mo lang talaga sa mga babae? HAHAHAHA!"

"Baka ikaw. Kaya nga iniiwasan mo siya diba? Kasi babae ka rin." I smirked. Haha. Talo ka, Ven.

"Lul! Kelan pa naging bakla yung mga MARCOS, bro? Tandaan mo, Lolo ko ang nagtatag ng Martial Law sa bansang 'to! Pag naging bakla ako, mas mabuti pang magpakamatay na lang ako! HAHAHAHAHA!" Natawa na naman sila ni Corby. HA-HA-HA. Sob-rang na-ka-ka-ta-wa. =|

~~~~~

"Wacey? May kilala ka bang merong akatsuki cape?" Tanong ko kay Wacey habang nagmemeryenda yung highschool batch namin sa isang kainan. Trip lang talaga naming magreunion lagi.

"Akatsuki cape..? Yun yung sa Naruto diba?" Napaisip siya...

"Yep." Ibinaling ko tingin ko sa phone ko. "May cosplay pictorial kasi kami bukas, mga 4 pm." Nakakainis nga eh bakit kasi cosplay pa? Ang lousy naman nun.  "Tapos i-eedit namin yung picture para maging magazine cover-like daw."

"Ahh ganun ba..." Napaisip siya habang busy sa pag-iingay yung iba naming kasama. "Ah!" She snapped. "Yes! Alam ko na! May kilala akong meron nun! Kaso babae siya eh... But I think the cape would fit you!" Nakangiti niyang sabi sabay kuha ng phone niya. Huh? 

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon