"Eastwood again? Psh. Sabi ko naman sa'yo sugurin na lang nating ang gagong 'yon sa shop niya!"

Napabuntong-hininga si Pride. "I'm not promoting the use of excessive violence, brother---"

"What the fuck? Unahan na natin ang mortal na 'yon! Isa lang naman ang solusyon eh. Either you kill him with an axe, or I chop his head off with my samurai!"

Tumalim ang tingin sa kanya ni Pride. Mukhang hindi nagustuhan ang suhestiyon nito.

"Tsk. Ako ang masusunod. Tigilan niyo na muna 'yang pakikipagpalitan ng laway at mukhang kailangan ng kambal ang tulong natin. I doubt those two idiots could handle it if anything went wrong. Hindi pa nila ako kino-contact!"

Bahagyang nanigas si Snow ang dumapo sa kanya ang mga mata ni Pride. His eyes trailed down to the wound on her neck before he avoided eye contact..

At naglaho na ito sa hangin.

Lumingon si Snow kay Wrath pero inunahan na siya nito. "Kami nang bahala dito. Samahan mo na lang ang tuta ko." At bigla na rin itong nawala sa kanyang harapan. Inis na napabuntong-hininga si Snow. 'Damn those sins and their teleportation!' Pero ganoon pa man, hindi maiwasan ng dalaga na mag-alala para sa kanila. Sigurado namang nasa maayos na lagay ang kambal, hindi ba?

*
"Greed, don't you think it's a little weird to find a corpse underground like this?" Ilang ulit nang tanong ni Envy sa kakambal. Muli nilang sinulyapan ang bangkay ng isang matandang babae, nakagapos ang mga kamay at may natuyong dugo sa parteng dibdib ng kanyang suot na damit. She was lying on a wooden structure that resembled a coffin. Napailing na lang din si Greed, para bang hirap rin paniwalaan ang sitwasyon.

"This is crazy. Bakit naman mapapadpad dito ang bangkay niya? At nasaan ang kaluluwa niya?"

Sinuri nila ang kweba sa ilalim ng lupa. Walang liwanag, maliban na lang sa katiting na ilaw na nagmumula sa bitak ng lupa. Malaki ang kweba at malalim ang kinalalagyan nila. The ceiling is about seven feet high and water even dripped in some areas. Nilapitan ni Envy ang bangkay na inuuod na at tinusok-tusok ng stick na hawak (na pinalitaw niya kanina mula sa kawalan).

"She's dead. That's for sure."

"What do we do know?" Greed asked. Wala namang ibinigay na eksaktong instruction si Pride kung ano ang gagawin kapag nahanap na nila ang bangkay. All he said said was to "investigate" on the matter.

Napasimangot si Envy at inihagis na lang kung saan ang stick na hawak. "Paano kung wala naman pala dito ang kaluluwa ng makasalanang ito?"

"That's impossible. Tayo rin naman ang responsable kapag ganun. We have our own records in the Library of Souls!"

"Oo nga pala."

Sabay na napaupo sa isang gilid ang kambal habang nag-iisip ng paliwanag sa mga nangyayari ngayon. Sumasakit na ang ulo nilang dalawa dahil sa problemang ito!

"Dapat si Pride ang nandito eh. Sanay naman siyang sumasakit ang ulo niya." Envy smirked.

Agad namang natawa si Greed, "Yeah. Dealing with us for several centuries is his superpower!"

"Pero alam mo kung sinong madalas rin sumakit ang ulo?"

"Sino?"

"Si Lust."

Panandalian silang nagpalitan ng makahulugan at nakakalokong tingin. Sabay silang natawa.

"Anyway, back to Pride. Paano kaya niya natatagalan ang kakulitan natin---?" Agad na naputol ang sasabihin ni Envy nang humirit si Greed, "Kakulitan? That's disgusting brother! Para naman ang immature natin."

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now