Noong hindi pa nangyayari ang tragedy na to, pinagiipunan ko na ang dream car kong ito. Halos magmakaawa na din ako kina mom and dad na hatian ako sa pagbili ng Hummer. Pumayag naman sila basta daw ako ang maghahandle ng ibang business ni dad.

Kahit ayaw na ayaw kong sumunod sa yapak ni dad, pumayag na din ako para sa dream car ko.

"Ako na magda-drive nito ha." Sabi ko na hinahaplos ang hood papunta sa pinto ng Hummer.

Pag bukas ko ng pinto chineck ko agad ang loob habang nakatutok ang baril ko sa loob. Baka kasi may bumungad na zombie eh. Mahirap na.

Nang ma confirm ko na free of zombies ang sasakyan, hinanap ko agad yung susi. At ayun! Bingo! Ang susi ay nakalagay na. Aha. Tinry ko i-start yung makina. Ayun. Gumana naman. And so far marami pang gas.

Niyaya ko na silang sumakay. Nagsiakyatan naman sila sa Hummer kasama ng mga gamit namin. Sakto lang kami. Atleast hindi na kami mapapagod. Salitan na lang kami sa pagda-drive.

Hindi mabilis ang takbo ko. Paano kasi maraming nakaharang na sasakyan sa EDSA. So nagse-swerving ako. Kung may pulis dito kanina pa ako nakuhanan ng license.

Nilingon ko sila sa rear mirror. Ayun. Tulog sila. Pwera kay Megan na napatingin din sa akin.

Nag smile sya sa akin. Nag smile din ako. Haaay. Napaka ganda nya talaga. Tapos nawala yun ngiti ko ng mapadpad ang mata ko sa katabi nya. Nalulungkot ako kasi gusto ko ako yung nakayakap sa kanya at hindi sya. Asarrr.

Makalipas ang maraming swervings at pailan ilang walkers sa kalsada, nagising na sila.

"Woah Ish hinto muna tayo." Sabi ni Jayvee na nags-stretch ng katawan.

Nag-nod naman ako at gumilid sa daan. Bumaba kami ng sasakyan at nag-stretch. Inaantok ako shems ano ba yan.

"Uhm. Guys?" Tawag sa amin ni Dylan.

Lumingon kami sa kanya. Pagkatapos ay itinuro nya sa amin ang isang napakalawak na building.

"Na-miss ko to." Sabi ko.

"Oo nga, ako din." Sabi ni Trina.

Madalas kasi kami dito ni Trina noon pag nagpupunta kami dito sa Manila.

"Pwede kaya tayong pumasok sa loob?" Tanong ni Dylan.

"Feeling ko delikado." Sabi ni Jayvee na nagsindi ulit ng yosi.

"Pero marami tayong makukuhang gamit jan. Sa grocery pa lang mapupuno na natin ang sasakyan." Pilit ni Dylan. May pagka makulit din to eh no. Pero may point sya.

"Pag napuno natin to, kailangan natin ng isa pang sasakyan." Sabi ni Megan.

"Walang problema yun. Then let's divide our group sa dalawang car. Hindi naman maliligaw ang isa kasi susunod lang naman sa unang car eh. Besides. We need new clothes. Hindi pa tayo nakakapaglaba." Sabi nya.

Napa sigh na lamang ako sa kakulitan nito. In the end pumayag din naman sila.

----------

Nandito kami ngayon sa isang entrance ng SM Megamall. Nakababa ang shutter pero kaya naman buksan.

Pagka-bukas namin ng shutter, alerto agad kami. Mahirap na baka puno pala ng walkers tong mall na to.

Gamit ang kanya kanyang flashlights at baril pumasok kami ng mall.

Kinakabahan kaming lahat. Ang dilim kasi dito sa mall at syempre malaki ito. Posibleng sugurin kami ng walkers from different directions.

Una namin tinungo ang clothing lines.

So far so good free of walkers ang dinadaanan namen.

Pumasok kami sa Guess. Ito kasi una namin nakita na trip nila ang mga damit. Ang mga boys excited, daig pa mga babae.

Ay joke lang pala. Pareho lang pala sila. Ayun na kasi sila excited kumuha ng mga damit.

At ako naman, naghanap na din ng damit. Di ko trip mga damit dito except sa mga pants. Kaya dun ako sa section nun dumirecho.

Nagsukat ako ng pants sa fitting room. Nagulat na lang ako ng may humablot sa akin.

"Shhh." Sabi nya habang nakatakip ang bibig ko gamit ang kanyang kamay. Shizzles! Sino to?!

"It's me Ish." Bulong nya sa akin.

"Megan?!" Whisper shout ko sa kanya. Bakit ba naman kasi ako bigla biglang hinahablot? Akala ko tuloy zombie na!

"Yea. I-I'm sorry I startled you." She said softly.

"Ugh. What do you want?" I said rather irritated.

She just stood there silently. Hindi naman awkward yung silence namin pero kahit na. Weird nya kasi ngayon.

"Mega-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi bigla nya akong sinunggaban ng halik!!

----------


My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now