'So much for beauty sleep..'

Ano na naman kayang parusa ang naghihintay sa kanya? Himala nga at nakalusot siya mula sa paglilitis ni Pride kagabi. Now, it will take another miracle to save her from delaying their breakfast again. Kahit pa bihira naman talaga sila kumain.

"If I'm gonna die today, I'd better be presentable.."

Nagmadali siya papunta sa banyo. Sa ilalim ng malamig na shower ay naririnig pa niyang sumisipol sa labas si Chandresh. Mahinang napamura si Snow nang maalalang naiwan pala niya ang kanyang pamalit na maid's costume at undergarments sa closet. "Damn it.." Wrapping a towel against her body, Snow White ran out the bathroom's door, hindi na niya alintana ang kung anuman ang magiging kumento ni Chandresh kapag nakita siyang naka-tuwalya lang. Kailanman, hindi naman siya nagkaroon ng pakialam sa kung ano ang ihuhusga sa kanya ng iba.

Dire-diretso siya sa luma at antigong kabinet sa kabilang sulok ng silid, at habang kinukuha niya ang susuoting damit, she heard a voice from behind her.

"You usually take cold showers near midnight or just before the sun rises in secrecy. Why the sudden change of routine?"

Hindi ito nilingon ni Snow, "Chandresh, nagmamadali na ako dito. Hindi mo naman kailangang ipaalala sa'kin ang personal schedule ko!"

Wala siyang panahon para ipaliwanag sa binata ang lahat. Hindi lahat ay kailangan pa ng paliwanag. Nang makuha na niya ang kanyang damit, agad na tumayo si Snow. Mabuti na lang at maayos ang bago niyang prosthetics, it almost feels like having a real leg! Snow was about to dash back to get changed when the person behind her spoke again..

"Who's Chandresh?"

Nanlaki ang mga mata ni Snow. Sa mga sandaling iyon, unti-unti nang napagtanto ng dalaga na hindi si Chandresh ang kausap niya. 'Shit! Bakit ba ngayon ko lang napansin?' Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang makilala ang boses ng lalaking kasama niya sa silid. Suddenly, the towel wrapped around her felt a tad bit thinner. Kinakabahang nilingon ni Snow ang binatang prenteng nakaupo sa gilid ng kanyang kama.

"P-Pride.. A-Anong ginagawa mo dito?"

Kung si Lust ang nandito, malamang hindi na magugulat si Snow. That sneaky little pervert has his ways.

But having Pride here is a different story.

Natigilan si Pride nang makita ang tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan. He immediately averted his eyes elsewhere, at inayos ang pagkakalagay ng kanyang eyeglasses. Tumikhim muna ito bago nagsalita, "You're late. Again."

Biglang nanlata si Snow sa narinig. 'Shit! Patay na talaga!' Naglaho ang pagkailang na nararamdaman niya at mabilis na nilapitan ang nakatatanda sa magkakapatid. Agad siyang yumukod sa harapan nito at humingi ng dispensa. Hindi na niya gugustuhin pang makadena na naman sa isang upuan at magkaroon ng paglilitis part two.

"I-I was about to head downstairs. Hayaan mo muna ako magpalit, mabilis lang 'to.."

Napalunok si Pride nang masulyapan ang dibdib nito. 'Is she even aware that she's only wearing a towel?!'. Napaubo ito at mabilis na iniiwas ang tingin kay Snow. "I wasn't talking about being late for breakfast. Sasama ka sa'min sa Tartarus kaya bilisan mo na."

Nag-angat ng tingin si Snow. Tama ba ang narinig niya?

"Para saan?"

Pride frowned at her at mabilis na hinila ang tuwalya paitaas nang bahagya itong bumaba sa katawan ni Snow. He snapped his fingers and handed her a silk robe. "May kailangan akong kausapin doon. Business matters. The twins insisted that we bring you with us, unless you want to be trapped in here for the rest of the day?"

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now