CINQUANTA-SETTE

15.8K 364 17
                                    

Sorry for the long wait. Enjoy! :)

DARK The Mafia Boss Chapter 57

NAALIMPUNGATAN AKO dahil sa sikat ng araw na tumatama sa napakaganda kong mukha. Napaungol naman ako at napaharap sa kabilang parte ng kama. Kinapa ko naman ang gilid ko at nang mahawakan ang isang malambot na bagay ay walang pag-alinlangan na niyakap ko ito ng mahigpit at inamoy-amoy pa.

Agad namang sumilay sa aking mga labi ang isang matamis na ngiti. Tila ay naamoy ko si Dark dito sa malambot na unan. Para namang akong kinikilig sa iniisi--- wala sa oras na napadilat ako ng maalala ang nangyari at napasinghap.

"Ugh!"

Bumalik sa alaala ko ang nangyari noong isang gabi at napatakip ng mukha dahil sa kahihiyan. Iyong ginawa namin nakakapagpawala ng ulirat at katinuan at hindi pa, hinda lang isang beses nangyri iyon kundi naulit pa hanggang sa ang baliw na iyon ang mismong mapagod.

Sa sandaling iyon ay doon ko lamang naramdaman ang pananakit ng buo kong katawan.

Napailing na lamang ako at may bahagi rin na kinikilig ang loka. Isang buwan rin ang nakakalipas na hindi man lamang namin nakikita ang isa't-isa, hindi pala, dahil sa malandi ang lalaking iyon ay walang araw na hindi namin nami-miss ang isa't-isa.

May lahi pa lang kabute ang isang iyon sumusulpot na lang sa kung saan-saan. Buti na nga lang at hindi iyon natsutsugi pag sa mansyon iyon nagpapakita at nakikipaglandian sa aking gandang taglay.

Napabuga naman ako ng malakas at maramdaman ang kinatatakutan ko ang magutom ng bonggang-bonga! Naririnig ko na rin ang mga alaga ko sa tiyan nagpo-protesta dahil guton na ang mga halimaw ko sa tiyan.

Dahil ayoko naman magutom at wala na akong oras para hanapin ang ang nawawalang lalaki na wala naman sa kahit saang sulok o ilalim ng kama nilagay ay napagpasyahan ko ng tumayo at mag-ayos na ng sarili.

Nang mapulupot ng maayos sa katwan ko ang kumot at pumasok na ako sa iisang pintuan na nasa gilid lamang. Pinihit ko ang seradura nito at hindi na ako nagulat pa sa makikita sa buong paligid kung gaano ka bongga or in a major-major way ang banyo nito.

Malaking bathtub at sa gilid nito isang shower na natatakpan lamang ng mamahaling glasswall at hindi ko alam kung saan makakadaan ang mahiwagang tubig nito kung nasa kesame ba o anu. Tila akong naiignorante sa banyo nito.

Hindi naman bago sa akin ito lahat, hindi lang talaga ako sanay sa ganitong karangyang pamumuhay. Nasanay kasi ako sa tabo at balde. 

Ilang minuto akong nagbabad sa bathtub at pagkatapos ay inayos ko na rin ang sarili ko.

Konektado pala ang walk-in closet nito na hindi ko na rin ikinagulat. Kumuha na lamang ako ng isang malaking itim na long sleeve nito at boxer short na rin para sa panloob. Wala kasi akong makitang pambabaeng damit kung meron man ay mapututulan talaga ang lalaking iyon kung sakali.

"Okay na siguro ito," ani ko habang hawak-hawak ang mga nakuha kong damit.

Pagkatapos mag-ayos ay lumabas na rin ako ng kwarto. Medyo may kalakihan rin pala ang bahay na ito ng makababa ako ng hagdan at mula rito ay natatanaw ko rin ang kumukutitap na karagatan sa kinatatayuan ko.

Pinagmamasdan ko ito ng buong paghanga. Marahan akong napapikit at napabuga ng haning ng maramdaman ko ang hampas ng hangin nito sa aking mukha. Napangiti naman ako, namimis ko rin ang mga tanawin sa syudad na ito kung saan ako lumaki at nagkaisip.

Nang mapagtanto kung gaano na ako katagal doon ay pinagpatuloy ko na ang pagbaba.

Mas lalo akong nagutom ng maamoy ang masarap na aromang aking naamoy.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now