VENTI

25.5K 489 3
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 20

"WE'RE not here to enjoy," asik ni Dark sa malamig at malalim na boses.

Inilibot ko ang mga mata ko sa boung paligid. Mga nagsisiyahang mga tao. Walang tigil na pagpatay-sindi ng iba't-ibang kulay na mga ilaw. Hiyawan at napakaingay ng boung paligid dahil sa malakas na tugtog na nagmumula sa speaker sa iba't-ibang bahagi ng lugar.

Hindi ko maiwasang mapangiwi ng mahagip ng mga mata ko ang dalawang taong naghahalikan sa gilid. Kulang na lang ay may bumulagtang kama ss harap nila dahil kung saan-saan na dumadapo ang mga kamay nila.

Unang beses kong makapunta sa lugar na katulad nito. Ganito pala ang nangyayare sa loob ng night club. May mga nagwawala na dahil sa kalasingan o di kaya ay hindi na alam ang ginagawa dahil sa lulong na ito ng alak.

Napahalukipkip ako sa tabi, hindi magawa ang gustonh gawin dahil sa mala-agila na mga mata ng katabi ko. Heto ako't nakabusangot. Gusto ko sanang uminom ng iniinom nila na kulay asul ngunit ayaw naman ng katabi ko. Kill joy kasi.

Pero, paano nga ako napunta sa lugar na ito? Dahil sa na-curious ako kaya ako sumama pero may iba pang dahilan.

Seven hours ealier...

Nasa huling hakbang na lang ako ng hagdan ng makita sina Dark na ang seryosong pinag-uusapan nila. Nasa pang-isahang sofa ito habang kaharap ang mga tauhan. Kaharap naman nito si Talianna at Psyche na pinagigitnaan naman nito si Zachary na nasa malaking couch. Sa likod naman nila ang nakatayong si Jaycob, Darrfyl at si Hypnos na humihikab pa dahil siguro ay inaantok pa ito.

Ganun naman talaga ito, hindi ko pa nga nakikitaan ito na hindi humihikab ng isang segundo man lang. At ang huli ay nasa magkabilang pang-isahang sofa ang dalawang kambal. Sa pagkakaalala ko ay si West itong nasa kaliwa dahil sa asul na buhok at si East ang nasa kanan dahil sa kulay berde ang buhok nito at naka-top knot pa ang buhok. Maliban sa kanilang lahat ay si Bebelabs sino pa ba? Edi si Kidd, nasa gilid ito ni Dark nakatayo. At higit sa lahat ay napakaseryoso ng mga mukha nito.

Para silang may pinaplanong karumaldumal na krimen sa mga mukha nila o kaya pinaplano nila kung paano nila patayin si majinbo. Hmm, makisali kaya ako sa mga trip nila. Mukhang magandang ideya iyon.

Atsaka, kanina ko pa hinahanap si Apollo. Hindi ko kasi maagilap ang batang iyon. Sabi naman ng mga tagawaksi rito ay nasa loob lang ito ng silid pero wala naman doon. Mukhang pinagtripan rin ako ng mga ito. Pero, di bale na, ang mahalaga ay maganda pa rin ako. Mamaya ko na ipagpapatuloy ang paghahanap sa batang iyon. Boring pa kung wala si Apollo.

Buti nga at may makakausap na ako dito kahit na puros Ingles na ang lumalabas sa bibig nito, kaya ko pa naman. Hindi pa naman ako nauubusan ng dugo sa katawan. Araw-araw may baon kaya akong Ingles sa batang iyon, mga isang tabo lang naman.

Isang linggo narin pala ang nakakalipas at ayun maganda pa naman ako. Kaya nga, eto ako ngayon, nilalapitan ang mga atong pinaglihi sa kamyas dahil sa mga mukha nito. Mukha ngang seryoso ang usapan nito.

Malapit na ako sa kinauupuan ni Dark ng marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Party drug is dangerous, lalong-lalo na sa mahihina ang loob," napakunot ang noo ko sa sinabi naman ni West.

Party drug? Ano iyon?

"They used hades into a drug that can use to everyone," pagpatuloy naman ni East.

"and that everyone is who?" Tanong naman ni Jaycob na nakakunot ang noo.

"Wala naman sigurong magtatangkang gumamit nito kung hindi lang baliw ang gagamit nito." Nakakunot narin ang noo ni Darrfyl.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now