CINQUANTA-CINQUE

14.8K 335 17
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 55

"COME ON. We don't have much time. Sigurado akong nasa mga boarders na sila ng lupaing ito at hinahanap ka." Nauna itong maglakad.

Imbes na pagdudahan ay sumunod ako rito. Nawala na rin sa aking isip ang pagod at sakit sa katawan makalayo lamang ako sa lugar na ito.

Habang sinusundan si Gabriel o Gab ay hindi ko mapigilan na makiramdam sa paligid at baka may bigla na lamang susulpot at pagbabarilin kami. At ito namang nasa harapan ko ay prente lang naglalakad habang nakasout ang hood jacket nito at nakasalampak ang headphone nito sa magkabilang tenga pagkuwan ay nasa bulsa ng jacket ang mga kamay.

Seryosohan na, hindi ba siya natatakot at baka bigla na lamang kaming atakihin a dito dahil, hello, nandito pa po kami sa teritoryo ng mga Alfonso's.

At naalala kong hindi man nita nabanggit ang pangalan ni Dark, palayaw pa lang niya rito ay alam ko na. Magkakampi ba sila o anu pa man? May alam ba sila na hindi ko nalalaman?

"I know you have many questions on that brains of yours," huminto ito at nilingonan ako saglit pagkatapos ay nagpatuloy muli sa paglalakad. "Ask away, because, we dont have much time, just a basic questions that I can answer in my freewill, 'kay?"

Hindi na ako nagpakatumpik-tumpik pa, chance ko na ito. "Sino ka ba talaga?"

"I am Gabriel Zachariel Luciano Ivanov, your highness..." napairap ako sa hangin.

"Ang ibig kong sabihin ay," pinag-iisipan ko muna ang tamang salita para rito. "Bakit mo ito ginagawa?" Tanong ko ulit habang patuloy kami sa paglalakad.

Segundo ang lumipas bago ito sumagot sa aking katanungan. "Let's just say...I am doing this because," bahagya itong humalakhak. "there is a big payment for this."

"Ano?" Konpyus kong tanong muli.

"It's me to know that you to find out, missy." Huminto ito na ikinahinto ko rin. "We're here." Sabi pa nito.

Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong paligid. Napakunot naman ako ng noo sa nakikita. "Ako ba ang niloloko mo? Nasa gitna tayo ng kawalan at walang dumadaan na kahit anong sasakyan rito sa kalsadang ito ngayon pa ay gabi na." Mahabang lintanya ko.

Parang ngayon ko na rin nararamdaman ang pagod ko. Nilingon ko pa ang likuran namin at baka nasundan kami. Ganoon na rin ang ikinahinga ko ng malalim ng wala naman.

"Be positive, gurl." Napangiwi naman ako sa isinagot niya. Pabago-bago naman ito ng ugali para lang si dark.

Ngumisi ito. Teka, "wala ka bang sasakyan papunta rito?"

"Nope." Mabilis na sagot nito na ikinanganga ko. Wag mong sabihin. "Oo, naglakad ako papunta rito, mabantayan ka lang gaya ng utos." Wala akong masabi sa trip ng isang ito. Nakatunganga lamang ako sa kabaliwang nito nang wala pang segundo na may makita akong ilaw mula sa malayo.

Papalapit ito ng palapit sa gawi namin. At doon ko lang napagtanto na isa itong truck na may dala-dala mga malalaking putol na kahoy sa likod nito.

At halos bumagsak ang panga ko ng itong kasama ko ay bigla na lang pumunta sa gitna ng kalsada. "Hoy! Baliw ka ba ha?! Magpapakamata ka ba diyan?!" Natataranta kong sigaw ito dahil ang baliw nakapamulsa lamang ito  na nakaharang sa gitna ng kalsada.

Panginoong mahabagin!

Ayoko pang makakakita ng taong baliw na magpapakamatay sa gitna ng kalsada na ako pa ang saksi! Baka gawin pa akong suspek nito na ako pa ang pumatay. Waah! Huhubels.

Mariin naman akong napapikit ng marinig ko ang malakas na ingay na nanggagaling sa truck at ang ingay nito sa paghinto.

"Diyos ko ginoo! Magpakamatay ba ka dong?!" Napamulat ako dahil sa sigaw ng drayber ng truck. Nakita ko itong dumungaw mula sa bintana nito. "Kung magpakamatay ka ayaw ko'g damayi sa imong kabuang!" Galit na galit pa rin na sigaw nito. Nako naman! 

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now