SEDICI

23.8K 544 16
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 16

VIVIANNO ang kanyang pakilala sa akin. So, ako naman ay nagpakilala rin. May pagkahawig din sila ni Dark. Kaso may kakaiba lang sa kanya na hindi ko alam kung ano.

Kanina pa kami palakad-lakad dito sa loob ng mall. At ang tahimik rin niya 'a katulad ni Dark. Argh! Bakit ba naiisip ko ang paasang itlog na iyon? Tsk. Tangalin mo nga siya sa isip mo Aileen.

Habang naglalakad ay nguya ako ng nguya ng nilibre niyang popcorn sa akin. Tapos hawak pa niya ang drinks ko. Hihi. Kakaiba nga kasi dapat ako ang nanglilibre sa kanya kasi may kasalan ako sa kanya. Pero heto at ako ang nilibre niya.

Pero okay na iyon. Wala kasi akong pera.

"Kuya Vivia---"

"Vianno," pagtatama nito.

"Sabi ko nga." Sabi ko at napanguso. Sorry naman.

Nasa bulsa nito ang mga kamay habang naglalakad kami. Buti pa siya sinamahan niya ako sa pamamasyal. Eh yung iba diyan napakapaasa. Itlog na nga, paasa pa masyado.

Halos malibot na namin ang buong mall. Kulang na lang ay pasukin namin ang pahingahan ng mga empleyado. 

"Saan na naman ba tayo ngayon? Kanina pa kasi tayo paikot-ikot dito." Napakamot ako sa batok. "Pang-limang beses na nating nadaanan 'to."

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako na may pagkamangha. "Is that so?"

Tumango ako sabay subo ng popcorn.

"Do you want to out?"

Kumunot ang noo ko. "Nasa labas na tayo, Vianno."

Ngumisi siya.

"What I mean is, do you want to leave here? Ahm, another places?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Paano kung makita ako ng mga bodyguard slash Men in Black ni Dark? "Don't worry, you can trust me if thats the problem."

"Hindi naman sa ganun...ano lang kasi..." nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi ko rin naman nakikita si Dark dito. "Ahm, sige na nga."

Ngumiti siya dahilan para maglaglagan ang lahat ng panty sa buong mundo. Diyoskopo!

"Let's go?"

Tumango lang ako.

Hanggang sa makalabas kami ay panay lang ang lingon ko sa paligid at baka bigla na lang susulpot ang mga MIB.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinatanaw ang magandang tanawin.

"Ang ganda..." usal ko na lang.

"Yeah, beautiful..." nilingon ko siya pero sa akin lang nakatingin ang pilak niyang mga mata.

Kumunot ang noo ko. Bulag ba ito? Sabi ko yung tanawin hindi kung saan-saan nakatingin. Baliw din ang isang ito 'e no?

Ngumiti na lang ako. Maganda lang ako pero hindi ako snob 'no. Umupo ako sa bench na malapit sa amin. "Vianno?"

"Hmm?"

"Saan ka nakatira? Para kasing hindi ka taga-rito. Na mata mo pa lang siguradong banyaga ka." Tanong ko na nakatingin lang sa malawak na karagatan.

Narinig ko pa ang buntong hininga niya. "I'm a full greek blood."

"Talaga?" Manghang ani ko. "Bakit nakaintindi ka ng tagalog?"

Nilingon ako nitong nakangisi at para bang may kahulugan ang mga ngiti nito.

"I have my ways, honey."

Sumulyap siya sa pambisig niyanh relo at tumayo. "I have to go."

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now