TRENTOTTO

16.4K 322 33
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 38

"ONE MORE!" kahit nahihirapan at napapagod ay binibigay ko parin ang lahat sa pagsuntok ng punching bag sa harapan ko.

Maghapon akong nag-eensayo. Physical and mentally. Hurt.

Maisip ko lang ang nangyari isang buwan na ang nakakalipas ay gusto kong magwala dahil sa poot at galit na aking nararamdaman. Matapos na nangyari ay ilang linggo akong umiiyak at nasasaktan.

Ang tanga-tanga mo kasi Aileen. Nagpapaniwala ka sa lalaking iyon! Tignan mo tuloy nauto ka. At higit sa lahat ay ginamiy ka pa.

"On more, Aileen!" nabalik ako sa ulirat ng malakas na sigaw ni Khaterryn ang pumailanlang sa buong silid.

Matapos kong umiyak na parang tanga ay napagtanto ko na hindi na maibabalik pa ang lahat. Ay, eto ako, nag-eensayo, inabala ang sarili upang kalimutan ng nangyari.

Dahil sa nangyaring iyon ay nagbago ang lahat. Ang kilala nilang Aileen noon ay may nagbago, pero konti lang naman. Maliban sa matagal na akong maganda ay naging matatag na ako. Matatag sa lahat ng bagay.

Hindi 'yong utong-uto sa lahat ng sasabihin niya.

"Binibigay ko na nga lahat diba?!" sigaw ko habang malakas na nakalapat ang kamao ko sa punching bag, nakakunot ang noo, "at hindi mo parin nakikita ang effort ko!" gaga 'to.

Oo nga pala, Khaterryn Aque, siya yung kasama ni Vianno noong may pagdiriwang ang nangyari dito noong nakaraang buwang. At isa pala siyang reaper ng pamilyang Alfonso. Isang combat expert.

Tinuruan rin nila akong humawak ng baril at matatalik na dagger. Akalain mo yun may iba't-iba palang uri ang mga ito. Nagkibit-balikat na lamang ako.

Seryoso parin ang ekspresyon nitong nakatuon sa akin, "Just think what you aim for!"

Bakit ba sigaw ng sigaw ang babaeng ito, magkalapit lang naman kami.

Sinasaisip ko lamang ang sinabi niya ay bigla na lamang sumiklab sa dibdib ko galit. Galit sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pinauto at ginamit. Nunkang, binigay ko pa ang sarili ko sa kanya dahil minahal ko siya pero, parang may kung anu ang bumara sa lalamunan ko maisip ko lang iyon.

Tangina niya! Sagad sa buto ang galit ko sa lalaking iyon.

Sa huling pagkakataon ay malakas kong sinuntok ang harapan dahilan upang mabutas ito. Ngayon ko lang napansin na masagana palang bumuhos ang luha ko.

Akala tapos na. Akala ko wala na. Akala ko ubos na ang mga luhang ito. Akala ko lang pala.

Ito ako ngayon, nakasalampak sa sahig, umiiyak at nasasaktan.

Ang sakit-sakit, bes'.

Many weeks before,

"DARK..." Naibulong ko na lamang sa aking sarili. Ilang oras o araw ba kaming nagkahiwalay?

Hindi ko alam.

Ang alam ko lang ay namiss ko ang lalaking ito. Sobra. Waaah!

Nalipat ang atensyon ko sa suot nitong damit. Malinis ito. White long sleeve na bakat ang maskels nito na nakakapanlaway sa yummyness. Idagdag pa ang aviator glass nitong nakasabit sa bandang itaas ng damit. Hapit na black slacks at black shoes.

Kahit anong sout niya ang nakapagwapo at yummyliciuos parin nito. Almost perfect bes'. Ay, hindi pala, perfect na perfect, na parang sa kanta ni Ed Sheeran.

Pero ang ngiting kaninang sumilay sa aking mukha ay unti-unting nawawala. Para kasing may kakaiba. Bigla naman akong binundol ng kaba.

Inilibot ko naman ang tingin ko sa buong paligid. Ngayon ko lang napansin na nandito pala sina Jaycob, Darrfyl, Zachary at nasa likurang bahagi naman ni Dark si bebe Kidd ko.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now