QUARANTUNO

16.6K 322 24
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 41

"ACHOOO!" magkakasakit ata ako dahil kanina pa hindi matapos-tapos ang pagbahing ko. Tulad din ngayon, hindi rin matapos-tapos ang paglalagay ng kung anu sa mukha ko.
Alam ko naman na maganda na ako pero mas lalo pa nila ako pagagandahin. Sabi nga, magtira rin ako para sa iba. Duh.

Sabi nga ni Vianno noong isang araw ay ngayon na gaganapin ang auction.

At kanina pa ako hindi mapakali. Dahilan para paulit-ulit akong sinisita ni Aris dahil masisira ang ginagawa niya sa akin. Napasimangot tuloy ako.

Pagkatapos akong ayusan ay ibinigay sa akin nito ang isang may kalakihang kahon. Iniabot ko ito at walang tanong-tanong na pumasok sa banyo. Mukhang magkakasakit ata ako. Huhubels.

Sampung minuto akong nagtagal dahil sa hindi ko alam kung paano ito susuotin at ang bagal pa ng kilos ko.

"Achooo!" waaaah! Suminghot-singhot pa ako.

"Hey, are you okay, Miss Aileen." bagot ko siyang tinitigan. Obvious ba?
Ngumuso ako na ikinasimangot niya. Kapagkuwan ay kumunot ang noo nito at nilapitan ako. Nang makalapit na si Aris ay sinipa nito ang noo ko. Ang walang emosyon nitong mukha at ay unti-unting nanlaki.

"The hell! You're hot." naibulalas na lamang nito.

Agad ko namang tinipik ang kamay niya. "Okay lang, kaya ko naman 'e." sabi ko pa.

Narinig ko itong bumuntong hininga. "Are you sure?" may himig na pag-alala sa boses nito.

"Hmm-hmm..." tumango ako at sinipat ang malaking salamin at tinitigan ang kabuoan.

Kahit may sakit ako, hindi ko parin maitatanggi na diyosa parin ako. Napangisi. Tinitiganan ang kasing kulay ng gabi kong sout ngayon.

Hindi aabot hanggang tuhod ang haba nito. A slash neck lace dress at mahaba rin ang manggas nito. Binagayan din ng light makeup at nakalugay ang may kahabaan kong itim na itim na buhok. Atsaka nilagyan din ito ng kaunting bangs ni Aris. Nagmumukha tuloy akong koreana slash dyosa.

Ininguso ang pinkish kong labi.

"Tapos ka na bang purihin ang sarili mo?" putol nito sa aking pagbubuhat bangko.

Sinamaan ko naman ko naman ito ng tingin. Kahit kailan talaga ay ang keyjey ng isang ito.

"Here," inabot naman nito sa akin ang isang gintong maskara. Ah, nasabi ko na bang isang masquerade birthday party slash auction ang pupuntahan namin. Pwes kung hindi, nasabi ko na.

For benefits daw ito. Duh. As if I know, nagpapalago lang sila ng pera. Mayor daw kasi ang may event. Birthday boy sa madaling salita. Sa pagkakatanda ko ay isa siya sa mga 'kaibigan' ni Vianno. Isang matandang mataba na panot.

"Are you ready?" tanong nito sa akin.

Katulad ko ay itim rin sout nitong damit. Isang kulay itim na suit, kamo.
Napatango. Habang nakatitig sa sarili sa salamin. Nakakapagtaka lang bakit ko pa kailangan na may makeup kung mahaharangan lang din naman ng sout kong maskara. Kakaiba talaga kung mag-isip ang mga tao.

Nang makababa ay nakita ko ang mga tauhan ni Vianno na nakahilera sa magkabilang gilid ang mga ito. Sa dulo ay naghihintay ang huling tao. Sout ang itim na amerikana at maayos na pagkakagawa sa buhok nito, ni langaw ay madudulas talaga sa pagkasinop nito.

Kibit ang balikat at nilipitan ko siya. Ang huli naman ay nakatitig lamang sa akin habang may ngiti sa mga labi.
Nakalahad ang isang palad nito na tinanggal ko naman.

"You know you're beautiful, right?" muntik ko ng mapaikot ang mga mata ko ng three hundred sixty degree. Duh, alam ko na iyon.

Ningitian ko siya bilang ganti. "Tara na?" yaya ko.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now