VENTUNO

22K 496 16
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 21

TAHIMIK kong sinundan ng tingin si Dark patungo sa harap ng dalawang tao na ngayon ay nakagapos. Kalmado ang mukhang umupo ito sa harap ng dalawang nakagapos.

Sa hindi ko malamang kadahilanan ay masama ang nararamdaman ko dito. Maliban sa masamang tingin sa akin ng dalawang ito ay may iba pa.

Oo, alam ko namang maganda ako pero wag namang ipahalata na ganun ako kaganda para tignan ng ganyan. Ngumuso ako.

Maiba ako. Iba kasi ang pinukol na titig sa akin. Para bang gusto nila akong patayin kung makawala lang sila sa pagkakagapos nila. Ganun na talaga ako kaganda para patayin nila ako.

Nasa magkabilang gilid ko naman sina Zach. Tahimik at naghihintay sa gagawin ni Dark. Bakit, ano ba ang gagawin niya? Nilingon ko sina Jaycob na seryoso ang mga mukha. At ibinalik ulit ang atensyon sa harap.

Tahimik lamang nakatitig si Dark sa harapan nito habang nakaupo sa upuan na para lamang sa kanya. Habang nakakrus ang mga kamay sa dibdib at nakadekwatro naman ang mga paa.

Hindi ko man makita ngayon ang mukha niya sa tansya ko ay walang anumang emosyon ang mga ito. Sabayan pa ang black dark orbs nito nunkang hindi ito matatakot sa kubg sino man ang makatitigan nito.

Ako nga natatakot sa mga matang kasing kulay ng dilim yung iba pa kaya. Palihim akong huminga ng malalim. Dahil hindi ko kinaya ang sobrang bigat na atmospera ng buong paligid.

"Lead her outside," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Dark.

Maliban sa walang emosyong pagkakasabi nito ay hindi ko matukoy ang kung sino ang sinabihan niya. "Ha?" Ako na mismo ang nagsalita dahil parang walang balak na magsilita sina Zack sa sinabi nito.

"I said, lead her outside." Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan ng magsalita ulit siya.

Sino ba ang tinutukoy niya ha? Hindi ako bobo okay? Pero pinagmukha niyang bobo---

Napahinto ako sa sanang sasalungatin ko ng may kamay ang tumapik sa balikat ko. Dahilan para lingunin at tingalain ko siya. Kumunot ang noo ko.

"Bakit? May kailangan ka ba, Zack?"

"Dark didn't want you to see him in this situation," sagot nito.

"Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan," inilibot ko naman ang paningin sa paligid at makikitang sa akin na ngayon nakatitig ang nasa kwartong ito. Maliban lang kay Dark na nasa harap ang boung atensyon.

Bakit, gaya ba ng sinasabi ko ay mag-ala super-sayan ito? Hala ka oy! Gusto kong makita yun.

Napabuntong hininga si Zack na ikinalingon ko. "Aileen, labas muna tayo."

Nabaling naman ang atensyon ko kay Jaycob. "Bakit naman tayo lalabas?" Nilibot ko ulit ang tingin sa paligid at nakakunot ang noo.

Napabuntong-hininga ang huli at napakamot ng ulo. "Ang hirap naman utuin nito," may binulong siya na hindi ko naman marinig.

"May sinabi ka ba, Jaycob?"

"Go outside, Aileen." Binalingan ko ng tingin si Dark na ngayon ay ang sama na ng titig nito sa akin.

"Ayoko nga! Ba't ba ninyo ako pinapalabas ha?" Naiirita na ako ha. Bakit ba nila ako pinapalabas e' sa ayoko ko.

Mariing napapikit si Dark siguro ay nagtitimpi lang ito. Napanguso ako. "Bakit niyo ba ako pinapapabas?" Ulit ko. Seryoso na talaga ako.

"I just..." napalayo siya ng tingin. "I don't want you to see me in this kind of situation," napatitig ako sa kanya. "I don't want you to see how monster I am." May pagsumamo sa boses nito.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora