QUARANTA-CINQUE

15.8K 372 27
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 45

HABANG nagmamasid sa boung paligid ay hindi ko mapigilan ang kabahan ng husto. Nunkang nasa bingit na ng kamatayan ang isang dyosang katulad ko. At wag naman sanang mangyare dahil wala na akong ipagkakalat sa boung mundo kong tanging ganda ang natatangi. Echos lang!

Seryoso na talaga. Kinakabahan na talaga ako ngayon. Mag-isa lang kaya ako. Paano kong balikan at gantihan ako ni kuyang kalbo kanina na nabaril ko. Hindi ko naman sinasadya 'e! Paano ba, naexcite lang naman akong gumamit ng baril. Huhubels.

Sa ngayon ay pinagtaaguan ko lang naman ang mga taong panay ang gantihan ng putok ng bawat isa sa kanila. Ayaw ko madamay okay? Tama na iyong isa kanina.

Wala paring tigil sila sa pakikipagbunk sa isa't-isa.

Napasinghap ako ng makakita ako ng ilang armadong lalake patungo sa akin dahilan para mabilis ang kilos ko sa pagtago ngunit bago ko pa iyon magawa ay may sumabog na pagkalakas-lakas upang yumanig ang boung palapag.

"Ay!!" tili ko ng matumba ako sa lapag at mabitawan ang baril na hawak sa kung saan. Nakow naman ow! Nauna pa ag puwet ko pagkabagsak. "Araㅡ ay! nanay ko po!" mabilis pa kay flash akong nagtago sa gitna kung saan may malapad na sementadong poste na pinagigitnaan ng magkabilaang hallway ng bigla lang naman akong paputukan sa gawi ko. Sunod-sunod iyon at walang tigil. Para talagang ma-dead ako ng maaga.

Napayuko ako upang hindi matamaan ng ligawbala ng kung sino. "Lumabas ka na diyan, miss!!" sigaw ng isang lalake nang bahagyang timigil ang pagpapaputok nito.

Ano ako bobo?! Kung lalabas naman ako e' tsutsugiin naman ako 'no.

Habang nagsasalita pa ito at abala sa pagdaldal ay kinuha ko ang pagkakataon na ito para tumakas. Palinga-linga sa paligid, naghahanap na pagtatakasan at hindi naman ako nabigo dahil aa kaliwa ko ay may daanan sa kung saan. Tiningala ang ang nakasulat na ngayon ay patay ang ilaw, sinasabi nito ang exit sign.

Malapad ang mga ngiti ay sinulyapan ko muna si kuyang madaldal na hindi pa pala tapos sa pagdada. "Ano na! Hindi ka ba talaga lalabas o kami na mismo ang maglalabas sa iyo dyan!"

Habang nakangisi ay hindi ko mapigilan ang matawa dahilan para tumigil si kuyang madaldal pa ang bibig kesa sa seatmate ko noon na sobrang tsimosa na halos alam na ang lakaran sa boung unibersidad. "Anong tinatawa-tawa mo diyan!?" feeling ko na naimbyerna na si kuya, pero, wala akong pake!

"Masaya lang ako kuya, masama na ba ang tumawa?" sagot ko na lang para maiba ang atensyon nito.

Naagaw ang atensyon ko sa baril na nabitawan ko kanina. Nasa kabilang hallway ito, magkaiba sa dapat kong daanan. Naman oh! Panapahirapan na naman ako nito 'e.

Napanguso tuloy ako at pinaglipat-lipat ang tingin sa kaliwa kung nasaan ang daang matuwid, actually ay ang exit at sa kanan kung saan ang pagbabago, kung nasaan ang baril na binigay sa akin. Waaaah!! Saan? Saan ako patutungo?! Nalilito na ako. Huhubels.

Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? O pinipikon lang talaga?

Nabalik lamang ako sa aking ulirat ng maramdamang may papalapit sa gawi ko. Agad ko naman itong sinilip at nanlaki ang mga mata ng patungo na sila sa akin dahilan para mabilis ulit akong nagtago. At aligagang pinalipat-lipat ang paningin sa kali wa at kanan. Kailangan ko ng magmadali.

"Ayaw mo ba talagang lumabas diyan, miss." naririnig ko na ang boses nitong papalapit kasama ang tatlo pa niyang kasama.

Napakagat ako sa aking mga daliri. Wala na akong choice pa. Mabilis akong tumungo kung nasaan ang baril dahilan para paputukan ulit ako nila kuyang may baril sa gawi pasunod kung saan ako patungo. Kinakabahan man ay walang takot kong pinulot ang baril at nagpadaosdos ako sa sementong sahig. Hindi alintana ang duming na sa aking damit.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now