QUATTORDICI

26K 596 5
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 14

AKO ang goblin's wife, ako rin ang the missing soul. Pero, joke lang 'yon. Ito ang epekto ng nanonuod ng goblin gabi-gabi. Ang totoo niyan ako ang Mafias wife. Nang isang walang emosyon, pogi ay, hindi pala, hot siya hindi pogi, isang hot na naglalakad na walang emosyong emoticon sa ibabaw ng lupa.

At hindi rin pala ako ang the missing soul, kasi noong isang linggo ako yung missing sa gitna ng lungsod.

Teka, bakit nga ba ako napunta sa usapan na iyan? Maliban sa kagandahan ko, bakit ako napunta sa usapan na ito? malala na talaga. Malala na ang kagandahan ko. Chos!

Pero, seryoso na, ang tanging nagagawa ko lang talaga ay naka-ngangang nakatingin sa screen ng laptop ni Hypnos. Paano ba naman kasi, hindi ba malaglag iyang panga ko sa napakalaking barko na iyan.

Kahit hindi ko masyadong makita ang kabouan ng barko ay alam kong napakalaki nito. Sa hitsura pa lang nito ay mukhang napakalaki ng nangyari dito.

Habang papalapit ng papalapit sila sa barkong ito ay mas lumilinaw ito sa screen.

"K'Q Oceano." Bulong ko.

Dahil yan ang nakikita ko sa malalaking pangalan na naka-inprenta sa gilid nito.

"The K'Q Oceano," nilingon ko si Hypnos ng bigla na lang itong magsalita. Nakakabigla lang kasi, ngayon ko lang ito narinig magsalita, kung tatanongin o kaya uutusan lang ito magsalita.

Tanongin ko kaya kung napanis na ang laway nito. Wag na nga. Atsaka inulit lang niya ang nasa isip ko. Duh.
"Alam ko, may nakasulat nga diba?" Pambabara ko sa kanya.

"Tsk,"

Narinig ko pang mahinang tunawa si Kidd na ikinakislap ng mga magaganda kong mata. Si Psyche naman ayun wala paring pakealam sa paligid basta may natsitsibog lang ang bigbig, okay na.

Binaling ko ulit ang mga mata ko screen. Nakahati ito sa Apat na palagay ko ay galing ito kina Dark. Hindi ko alam kung kani-kaninong mga video ang hawak nito na nangagaling sa kanila na nakikita namin dito sa itaas.

"Ngayon ko lang nakita ulit ang barkong ito," nalipat ang atensyon ko kay Zachary. Tamihik rin ito pero hindi katulad kay Hypnos na tahimik na nga sleeping beauty pa ang peg nito.

"Yeah, it's been a year?, i think." Gatol naman ni bebelabs kong si Kidd.

"Anong ibig niyong sabihin?" Nakakunot-noo kong tanong.

"It's a long story, basta pinasabog lang ito nina Drexel," sagot ni Zachary sa akin na parang wala lang.
Prenteng nakaupo lang kasi ito sa couch at dinakot ang isang stick ng yosi at sinindihan ito. Napangiwi ako at napatakip sa ilong. Ayaw ko talaga sa baho niyan.

Napansin siguro ako nito kaya lumayo ito ng konti sa akin. "Sorry not sorry,"

Ewan ko sayo.

"and this ship is one of the biggest in the world, pangalawa sa titanic ika nga nila," dugtong naman nito.

Waaah, ang galing pala nito. Naku, kung naabutan ko palang ito ay nunkang mag-ala jack and rose ang peg ko diyan. Siyempre si Dar--- si Kidd ang magiging Jack ko. Hihihi.

"Hypnos, lead the way." Boses iyon ni Dark. Kahit na dito ay abot ang napakalamig na boses niya.

"Copy, boss." Saad naman ng huli at may kung anong tinipa sa keyboard nito.

Lumabas naman sa kabilang screen ang blueprint ata ng barko. Blueprint pa lang napakalaki na, paano pa kaya kung nakikita ko talaga sa personal ang barkong ito. At sa gilid naman nito ay lumabas ulit ang kada palapag nito. Waaah, ang astig nito.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora