CINQUANTA

13.6K 341 6
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 50

HABANG TULALA lamang ako sa harapan niya. Hindi ko masaisip na ang taong nasa harap ko ang pumatay sa mga magulang ko. Wala man lang akong maibigkas na kahit anu. Wala akong maramdaman nakahit ano.

Tinitigan ko lamang siya sa mga mata niyang puno ng emosyon.

Pinoproseso ng utak ko ang salitang ng sinabi niya. Hindi matanggap ng isip at puso ko. Bakit, bakit ganoon? Wala akong matamdaman na kahit ano?

"Aileen..." sinapo nito ang magkabila kong pisngi, "please, speak."

Doon na ako natauhan at humagulhol ng iyak. Sapo ang aking mukha ay iyak lang ako ng iyak. Pakuwan ay pagitan ng aking paghagulhol ay ang aking di mawarang sinok.

Hindi ko matanggap. Bakit ang sakit-sakit? Ang taong pinagkatiwalaan ko ay ang siyang pumatay sa mga magulang ko?

"I'm so sorry..." paulit-ulit niya iyong sinabi sa akin habang nakayakap sa akin ng mahigpit.

Ako naman ay pilit na humihiwalay sa kanya ngunit malakas ito kumpara sa akin.

Pinangako ko sa aking sarili na hindi ko mapapatawad sa kung sino man ang pumatay sa kanila. Pero, bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko magawang magalit sa kanya?

"B-bakit mo iyon ginawa?!" Tumalim ang mga titig ko sa kanya. Gusto kong malaman kung bakit niya iyon ginawa sa mga magulang ko. Bakit ako pa? Bakit siya pa?!

Pilit akong kumakawala sa mga yakap niya ni pagsuntok ko sa dibdib nito ay hindi niya ininda pati kalmoy ko sa mukha niya ay hindi niya pinansin. Nakayakap lang siya sa akin. Ni pagbitaw ay hindi niya ginawa.

Ang hagulgol ko lamang ang maririnig sa buong silid. Ang sakit at pighati na binaon ko sa limot ay umusbong dahil sa ginawa niya.

Pero galit ako. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang magalit sa kanya. Gusto ko lang malaman kung bakit niya iyon ginawa. Ang sakit. Ang sakit-sakit!

"Bakit?!" Malakas ko siyang tinulak dahilan para malakas siyang sumalampak sa sahig na ikinatigil ko.
Nakayuko lamang ito. Ni matitigan ako ay hindi niya magawa. "Dark..." bulong ko. Gusto ko siyang tulungan ngunit may bahagi ng isip ko na pumipigil.

Sinok lang ako sinok habang hindi naman sa matigil ang mga pagluha.

"Bakit?" Mariing sumamo ko. Gusto ko lang naman malaman.

Pakiusap...

"I'm sorry..." aniya na hindi pa rin ako magawang tignan.

"Yun lang?" Hindi makapaniwala kong tanong.

Marahas na rin akong bumubuga ng hangin. Mapigilan lang ang kung anong emosyon ang lumalabas na kinikimkim ko.

"I'm sorry..." ulit niya.

"Yun lang?!?" Hindi ko na mapigilan pa na sigawan siya  Sumabog na ako.
Bakit ba paulit-ulit na lang niyang sinasabi ang mga salitang iyon?!

Buang na ba siya ha?

Paulit-ulit na parang sirang plaka.

Tumingaka ito dahilan upang pangilabutan ako. Ang ekspresyon ng mukha nito ay mukhang masaya pa siya sa sinabi niya. Kahit nakaupo ako ay nagawa kong umaatras dahil sa takot.

Ang walang emosyon nitong mga mata ay mas dumoble pa.

"I'm sorry, dahil hindi ako nagsisisi sa ginawa ko sa kanila," napasinghap ako. "Tama lang ang ginawa ko, kung hindi ko ginawa ang bagay na iyon wala ka na sana sa aking tabi. Mamamatay ako kapag nangyare ang bagay na iyon. Kaya inunahan ko na sila." Naging malikot ang mga mata nito habang sinasabi niya ang mga iyon. Panay rin ang sabunot niya sa buhok niya.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now