SEI

35.7K 759 30
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 6

MARIIN kong ipinikit ang aking mga mata dahil sa sinag ng araw na tumatama ang nakakasilaw na liwanag nito sa aking mukha mula sa bukas na malaking sliding glass door ng silid nasaan naruroon ang terasa. Bahagya pa itong nahahawi dahil sa hangin na nagmumula sa labas.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa malaking unan na sobrang bango. Amoy downy. 

Kahit dito ay rinig na rinig ko ang malakas na hampas ng alon ng dagat.
Nakapikit pa ang aking magagandang mata habang bumabangon. Gusto ko pa sanang matulog sa malambot na kama. At para akong hinihila nito para ipagpatuloy ang beauty sleep ko kaso nagugutom na ako. Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Napasimangot at nanguso ako.

Bahagya kong kinukusot ang maganda kong mata. Nilingon ko ang katabi ko. Blanko na ito. Kahit magkatabi kami ay may namamagitan parin sa aming malalaking unan.

Naku, baka manantsing pa ang lalaking iyon no'. Iba na ang panahon ngayon. Kaya tandaan handsome men are dangerous. Chos! Kung maka-english.

Bumaba na ako sa malaking kama at hinarap ang nakabukas napakalaking sliding door. Pumunta ako sa teresa at hindi ko parin mawala sa sarili ko ang pagkamangha sa aking nakikita.

Nilanghap ko ang sariwang hangin. Nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto kaya kaagad akong napalingon rito.

At doon ay niluwa ang naglalakad na pandeㅡay este si Dark pala. Feeling ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko mukha dahil mas maganda pa ang view mula dito kesa kanina.

Napaka-yummy talaga ng abs ng lalaking ito. Bakit ba kasi kahinaan ko pa ang mga abs? Bakit? Marami naman akong nakikitang ganyan, pero bakit sa kanya mas nakaka-nakaka-kaka-adik. Huhubels.

Pinagmasdan ko lang siya mula rito. Nakatapis ang ibabang bahagi ng katawan nito habang tinutuyo ang sariling buhok. Huminto siya at nilingon ako ng ikinatigas ko.

Agad ko namang inilayo ang tingin ko sa kanya. Kunwari sa likod ako nakatingin at sumisipol. Nilingon ko ulit siya pero mas namumula ata akk ngayon ng makita ko siyang nakangisi.

"Like the view?" May mapaglaro sa boses nito.

Nag-iwas ako ng tingin, "O--hindi ah," i cough. Kunwari hindi ko nagugustuhan. Pero, nakakapang-akit ang abs niya. Feeling ko rin kumakaway ito.

Nagulat ako ng maglakad ito papalapit sa akin na ikinaatras ko. Sheeet! Anong ginagawa niya?

Mas lumaki ang ngisi nito, "really, huh?"

"Diyan ka lang!" Babala ko. "H-hoy!"

Napasinghap ako ng napakalapit na ng katawan nito sa akin. At naamoy ko pa after shave niya. Waah, ang bango.

Naramdaman kong wala na akong ikakaatras pa at nilingon ang likod ko. Wala na nga kaya mabilis akong lumingon sa kaya ng maramdaman ko init na nagmumula sa kayang katawan. Inilagay niya ang mga palad sa barindilya ng teresa kaya na-trap na ako.

Napakagat ako sa ibabang-labi ko na sinundan naman niya ng tingin at ibinalik sa pagtitig sa aking mga mata. Nakakalunod at para akong nahihipnotismo sa hagod ng titig nito. Diyosko! Anyare sa akin?

Para akong mawawalan ng hangin ng mas inilapit pa niya ang mukha sa mukha ko. Hindi man lang ako makapagsalita.

"Where's my good morning kiss?" He said in husky bedroom voice.

"A-anong good morning kiss ka diyan?!"
Kung hindi lang ako nakakapit sa barindilya tsak ay dumaosdus na ako sa sahig dahil sa pangangatog ng mga tuhod ko. Aileen, mah hunos-dili ka. Tama na yang kaechosan mong pag-iisip.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon