QUINDICI

24.3K 539 16
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 15

"NAKITA KO na talaga ang bagay na iyon 'e." Bulong ko sa sarili ko. Nakakunot ang noo.

Hindi ko talaga mawari kung saan at kailan ko nakita ang bagay na iyon. Basta nakita ko na talaga iyon.

Maliban sa bagay na iyon na iniisip ko may isang bagay rin akong hindi ko talaga masulosyonan. Ang kagandahan ko.

Pero mabalik ako, habang malalim ang iniisip ay nagdidilig naman ako ng mga halaman. Bakit? Walang magawa.

Nagtaka nga ako kasi hindi na nila ako pinagbawalan na gawin ang gusto ko rito. Nagagaws ko ng aliwin ang sarili ko sa pamamagitan ng paglilinis dito. Ewan ko ba, basta gusto kong lang gumalaw-galaw dahil sa nababagot na ako rito.

Gusto ko ngang lumabas pero pinagbawalan pa rin ako. At maliban sa ginagawa ko bawal pa rin akong lumabas. Pero, dahil sa matalino at maganda ako, gagawa at gagawa ako ng paraan makalabas lang ako dito. Magho-hokage moves ako mamaya.

Dahil sa kausap ko ang sarili ko hindi ko na iniisip ang paligid ko. Yung mga masulyap-sulyap ng mga tauhan ni Dark sa akin na immune na immune na ako. Na akala nila ay mawawala na lang ako sa isang iglap.

Umiling ako at pinagpatuloy ang pagdidilig sa mga halaman. Nagdidilig ako sa tirik na tirik na araw dahil nga tanghali. Bakit ba, 'e sa gusto ko.

Yung Athena's eklavu na iyon, nakita ko na talaga. Nakalimutan ko lang. Hindi lang ordinaryong diyamante iyon. Asul na likido ang nasa loob ng bagay na iyon.

"What are you doing?"

"Aybilat!" Napatili ako sa gulat.

Agad akong napalingon sa nagasalita at kasabay 'non ang pagkabasa niya ng tubig sa hose.

"Shit!!"

"Ay!"

Mabilis kong sinara ang tubig at nilapitan siya. "Naku, sorry!"

Mahina siyang tumawa na ikinaangat ng tingin ko. Ang cute.

"No, it's okay..." wika nito habang pinapagpag ang nabasa nitong katawan. Ay, abs bes'. Bakat na bakat.

"Sigurado ka?" Kunwari nag-aalala ako sa kanya pero ang totoo ay nasa abs ang atensyon ko.

"Yeah," nilingon ako nito na nasa abs pa rin ang mga mata ko. Dahilan para mapatikhim ako ng mapansing nakatitig ako roon.

Umayos ako ng tayo, "anong ginagawa mo dito Kidd?"

Nakangiti itong nakatitig sa akin. Bakit ba siya ganyan makatitig sa akin? Napagtanto ba niya na gusto rin niya ako? Ohmegash!

Beautiful eyes, bes'.

"Nothing, napansin lang kita rito mula sa malayo na nagdidilig sa parteng iyan mahigit sampung minuto na at..." tumawa ito."...mukhang  purgang-purga na ang halaman na iyan sa tubig."

Nilingon ko ang sinabi niya at totoo nga kulang na lang lulubog na ito sa sobrang daming tubig na dinilig ko.

"Ah...eh...hehehe," nasabi ko na lang at napakamot sa noo. Ang pogi talaga ni bebelabs.

"Oo nga pala, ilang araw ko ng hindi nakikita si you know..." panimula ko na ikinakunot ng noo niya.

"Who?"

"Tsk..." nilingon ko ang paligid tinatantya kung may makakarinig ba sa akin. Lumapit ako sa kanya at bumulong. "...si Dark."

Tumango siya ng ilang beses at ngumiti. Sumenyas siya na lumapit ako kaya ginawa ko at lumapit sa kanya. Napahakbang pa ako dahil sa gulat ng bumulong din ito.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now