VENTOTTO

20.1K 512 51
                                    

DARK The Mafia Boss Chapter 28

NAKAHALUMBABA habang nakatanaw sa labas ng bintana. Habang malakas ang buhos ng ulan sa labas ay hindi pa rin mawala ang pagkabagot ko sa silid na ito. Bakit ba kasi umuulan, hindi tuloy ako makalabas.

Itong kasama ko naman ay nakaharap lang sa laptop nito kama. Pogi na nasa ito dahil naka-eyeglasses ito pero napakasungit pag-inisturbo. Si Apollo naman ay nasa lapag nagd-drawing ng kung ano. Napaka-busy nila promis.

At ako naman ay hindi pinansin ang ganda ko sa sulok. Kaya ang resulta ay nandito lang ako sa may bintana nakaupo sa hamba nito habang nakatanaw sa tanawing umuulan.

Napanguso ako. Nakakabagot na talaga. Nilingon ko ulit ang dalawa. Ano na ang dapat gawin sa taong nababagot? Yung tipong hindi malilimutan ninuman? Mariing nakatitig sa ulan at nag-iisip sa gagawin.

Napapitik ako sa naiisip. Aha, alam ko na.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan si Dark. Hindi naman na pigilan ni Apollo na sulyapan ako at itinuon ulit sa ginagawa.

Nang makalapit at nasa harap lang ako nito nakatayo at nakatitig sa kanya. Ilang segundo pa akong nakatunganga at ang hudyo ay hindi pinansin ang dyosa.

Sinulyapan ko naman ag sadya ko. Nasa bedside table lang ito. At ibinalik ulit ang tingin kay Dark. Subalit, napaatras at napasinghap ako ng masalubong ko ang walang emosyong mga mata nito. Napalunok ako.

Sa araw-araw ko sa pagtitig sa mata nito, bakit, hindi parin ako masanay-sanay rito? Kasi naman, nakakaintimidate ito kung makatitig. Para bang may scanner sa mga mata nito na ultimo ay para akong sinusuri.

"What?" Tanong nito na nakakunot ang noo.

Alinlangan akong ngumiti, "kasi, pwede bang mahiram ang selpon mo?"

Mas kumunot ang gatla sa noo nito. "Why are you asking me? You are free to touch anything, what is mine is also yours." Ngumisi ito.

Napangiwi ako para kasing double meaning iyon.

Hindi ko na siya pinansin at kinuha sa bedside table nito ang selpon. Bago ako bumalik sa pwesto ko ay narinig ko pa siyang mahinang tumawa dahilan para mapamulahan ako ng pisngi. Huhubels, ang sama niya!

Padabog akong umupo habang masama siyang tinitigan na hanggang ngayon ay tumatawa parin. Dahilan para lingunin kami ni Apollo na nakakunot ang noo. Ningitian ko lang ito at bumalik sa gagawin ko.

In-open ko at ti-naype ang password nito which is pangalan ko. Pumunta naman ako sa camera nito. Oo. Yun lang naman ang gagawin ko. Mags-selpi hanggang sa mapuno ang memory storage ng selpon niya na parang imposible naman mangyare iyom dahil brand pa lang makalaglag panga pa. Nahiya pa nga ang selpon kong di-keypad dito e'.

Yun lang ang ginawa ko isang na ang lumipas. Kung hindi mags-selpi at nagb-brows ako sa pesbok. Nunka, may account ako no'.

Ngayon ko lang alam na may waypay pala dito at ang lakas pa ng signal. Parang bagyo lang. Nasa signal number four.

Pagkabukas ko sa account ko ay napansinghap ako na ang dami na pala ng frieng request, unread message's at notification dito. Gosh, kailan ba ako huling binuksan ang account ko. Dahil sa tagal ay hindi ko na maalala.

Inuna kong buksan ang friend request at nasa unang list ay si Jaycob at Darrfyl. Kinon-firm ko naman sila at sunod naman ay ang notif na wala namang kwenta dahil puros mga pages lang naman iyon at nakaraang likes.

Sunod ko namang binuksan ay ang mga unread message's at doon ay bumungad sa akin ang limang daang messages. Scroll down lang ang ginawa ko hanggang sa matuon ang mga mata sa kaisa-isang pangalan doon. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita. Napatakip pa ako sa bibig ko pinipigilan ang kilig na kumawala.

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon