"This is the backyard.."

Muntik na niyang makalimutan na mayroon nga palang backyard ang mansyon. But unlike any other "ordinary" yards, ang bakurang ito ay patay ang paligid. Walang kulay ang damo at mga halaman, maging ang malaking puno ay matagal nang nalagasan ng mga dahon. The place looked like a scene from a horror movie, at hindi niya alam kung dapat pa siyang mapanatag sa impormasyong iyon.

'Wala na talagang normal na nangyari sa buhay ko!'

Snow stared up, just in time to see the sun fading in a distance. Sinubukan niya uling makakawala kay Cerberus ngunit sadyang mas malakas ito kaysa sa dalaga. Napasinghap siya nang marinig ang unti-unting pagpunit ng kanyang damit mula sa pagkakakagat ng aso rito. "Cerberus! Bakit ba tayo nandito?! Damn it! Put me down this instant!"

Gumalaw ang malalaking mga paa ng halimaw. Nanlaki ang mga mata ni Snow nang makita kung saan ito papunta.

Sa isang malaking hukay sa lupa.

Agad na nagwala si Snow, masama ang kutob niya sa mangyayari. "BITIWAN MO AKO!" Ngunit imbes na sa tuyong damuhan siya ibagsak ng dambuhalang halimaw, sa loob mismo ng hukay siya nito inihulog. Snow White screamed upon falling into the hole.

'SHIT!'

Hanggang sa mapadaing na lang siya sa sakit nang lumapat ang kanyang likod sa isang matigas na bagay. Nanghihina niyang sinipat ito, at napamura nang mapagtantong bumagsak pala siya sa isang kabaong. 'What the fuck is a coffin doing here?!' Pinilit niyang tumayo, ngunit dala na rin ng pagod sa pagtakas kay Mrs. Bones kanina sa anatomy room, pagod na napahiga na lang si Snow sa nakabukas na kabaong. Tumingin siya sa kanyang harapan, kasabay ng pagdilim ng maliit na langit na nakikita niya, ay ang paglitaw ng tatlong ulo ni Cerberus sa itaas ng hukay.

She glared at the dog.

"BAKIT MO NAMAN AKO HINULOG DITO?! AT MAY KABAONG PA TALAGA!" Ugh. Pareho sila ng amo nito---nakakairita at masarap ipatapon sa Saturn.

"Woof!" Malakas na pagtahol ni Cerberus bago naglaho sa kanyang paningin. Sinubukan ni Snow na mag-isip ng paraan para makalabas siya sa hukay na ito ngunit wala man lang kahit anong makakatulong sa kanya. She's trapped, and the lack of space is slowly suffocating her. Tila ba mas sumisikip ang paligid habang binabalot siya ng kadiliman sa loob ng malalim na hukay.

Pero bago pa man siya makahanap ng paraan, bigla na lang sumara ang glass case ng kabaong. Sinubukan niyang buksan ito ngunit tila ba kinakapos siya ng lakas. Through the glass, Snow White saw Cerberus throwing dirt inside the hole. Nanlaki ang mga mata niya at halos maghyperventilate na siya sa isiping ililibing na siya nang buhay ng demonyong aso.

Tinatabunan na ni Cerberus ang hukay na kinalalagyan niya.

Unti-unti, natakpan na ang tanawin ni Snow sa loob ng glass coffin. The starless night sky became smaller, until it vanished from view. Tanging ang lupa na lang na kumukubli kay Snow sa malamig na kabaong ang nakikita niya.

"Ganito pala ang pakiramdam ng mga patay," napabuntong-hininga siya at pilit na pinapakalma ang sarili. Mapait na ngumiti si Snow White, "pero atleast, mas tahimik dito sa ilalim ng lupa."

Being buried alive? Check.

*
Hatinggabi na, ngunit nakatanaw pa rin sa labas ng bintana si Envy. Nababagot siya at tinalo na naman siya ni Greed sa chess kanina. Hindi naman nalalayo ang tally nila sa nakalipas na mga siglo: 124, 307 times nang nanalo si Envy sa chess, samantalang 124, 308 times nang panalo ang kanyang kakambal. "Tsk. Lamang ka lang ng isa! I demand a rematch!" Envy blurted out earlier na ikinatawa naman ng isa, "HAHAHA! Being bitter, brother? Tanggapin mo na kasi na mas magaling ako sa'yo!" Mayabang na wika ni Greed bago lumabas ng Leisure Room. Naiwang mag-isa si Envy na nagmumukmok.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon