Against the cold wooden door, Snow pressed her ear and eavesdropped on the conversation...

*

"So, some mortal douchebag did that to you? Bloody hell! Akalain mo 'yon?"

"Shh! Tumigil ka na."

Marahas na siniko ni Envy ang kakambal na si Greed. Gusto niya itong patigilin sa pag-aasar at baka mamaya tustahin sila ni Wrath sa tindi ng galit nito. 'Palagi naman siyang galit eh!' Naaaliw na kumento ni Envy sa kanyang isip. Pero wala na sigurong mas nakakaaliw pa sa katotohanang natalo ng isang hamak na mortal ang prinsipe ng poot at paghihinagpis.

As of this moment, Wrath glared at the both of them. Tila ba nabasa nito ang kanilang iniisip na naging dahilan upang mapatayo ito.

"THAT FUCKING MORTAL DIDN'T EVEN SCRATCHED ME! NALINGAT LANG AKO!" Huminga nang malalim si Wrath at sinuntok ang pader (na nagkaroon ng butas at malalaking bitak) bago muling suminghal, "What ever sorcery that bastard did, I'll make sure to shove it up his sorry ass! Sisiguraduhin kong may espesyal na paglalagyan ang kanyang kaluluwa sa impyerno."

"Kung anumang salamangka ang ginamit niya, wala rin naman saysay dahil mga imortal tayo. Why waste our time tracking him down? Nakakatamad."

Binalibag ni Wrath ang kanyang upuan, "LAGI KA NAMANG TINATAMAD EH! KAPAG NAGUNAW ANG MUNDO, MALAMANG HUMIHILIK KA PA RIN!"

Ngumiti lang si Sloth bilang pagtugon. Alam niyang hindi dapat ginagalit ang kapatid niyang ito kung gusto niyang makatulog nang mahimbing sa gabi. 'Honestly, Wrath is a living nightmare!', he concluded.

"Sit down, Wrath. You're all giving me a headache!"

Naiinis man, agad na tumalima ang binata sa utos ni Pride. Kung may mas dapat silang katakutan sa pamamahay na ito, malamang ay si Pride iyon.

"Kailangan nating alamin kung sino ba ang Mr. Boswell na ito. I will assign you for that task. In the meantime, ipagpatuloy lang natin ang trabaho."

Gluttony raised his chocolate-syrup covered hand, "Pride, iniisip mo bang ang mortal na 'yon ang dahilan kung bakit nagkakaproblema tayo sa koleksyon?"

Napatingin ang lahat kay Gluttony at sandaling pinagnilayan ang sinabi niya. Lust was the first one to confront Pride, "Totoo ba ang hula ng matakaw na 'to? Are you suspecting Mr. Boswell for being reponsible with our crisis?"

"A mortal interfering with immortal affairs? Imposible!" Envy bursted.

"I can't agree with you more, brother. Baka naman nagkataon lang? At ano naman ang motibo ng gagong iyon?" Pagsang-ayon ng kakambal.

Mayamaya pa, nagkagulo na ang anim. The room erupted in uproars and opinions, halos hindi na magkarinigan sa dami ng nagsasalita. Sa nakalipas na mga siglo, ngayon lang sila nakapagtala ng kasong ganito. May batas na nangangalaga sa balanse ng mundo at kung tama ang hinala nila, kailangan nang iangat ang usapin sa Underworld Council.

Kalmado ngunit maawtoridad na tiningnan ni Pride isa-isa ang mga kapatid bago marahang tumango sa kanila. Behind his eyeglasses, his dark eyes showed nothing, "Shut up, all of you. Wala pa tayong sapat na ebidensya para rito kaya't hindi natin kailangang tawagin ang walang-kwentang council. Until we find out what is happening her, we'll deal with our own issues. Fair enough?"

Tulad ng nakasanayan, walang sumagot. Nanahimik ang lahat. They all have this untold rule that when Pride speaks, all is resolved. Wala nang pagtatalo. Wala nang aangal. That's how it works.

Pagkatapos ng pagpupulong, isa-isa nang bumalik sa kani-kanilang buhay ang pitong kasalanan na para bang walang nangyari. Greed and Envy went straight to the game room; Sloth to his bedroom; Lust to find a whore in some exclusive immortal club; Gluttony to his beloved Dessert Room and Pride to his private study. Tanging si Wrath na lang ang naiwang nakaupo sa malaking round table na mapapalamutian ang antigong display. It reminded him of "the knights of the round table" in the tale of King Arthur.

His dark eyes drifted off to the slightly opened door.

"I should cut off your ears for listening to our private conversation, you know."

*

Napalunok si Snow sa sinabi ni Wrath. Nagpalinga-linga sila paligid, ngunit wala siyang ibang makitang kasama. 'Shit, malamang ako nga ang kausap niya!' Nanginginig niyang binuksan ang pinto at sinalubong ang apoy sa mga mata ng binata. She noticed the blood stains on his shirt.

"Do you need medical ca----"

"Imortal ako."

Oo nga pala. Why would they need first aid? Mga kampon nga pala sila ng kadiliman na walang alam kung hindi magmukmok sa mga sulok ng mansyong ito. Napabuntong-hininga si Snow at bahagyang yumuko. Ayaw na niyang maulit pang muli ang nangyari kaninang umaga. Baka tuluyan na siyang ilibing nang buhay ng lalaking ito.

"I didn't mean to eavesdrop."

"Liar."

"Pero hindi nga---"

Mas tumalim ang titig sa kanya ni Wrath, "Hindi ka makakapagsinungaling sa'kin, Snow. I eat lies for breakfast."

Papalubog na ang araw, at nakapagbibigay kalma sa silid ang kulay kahel na mga sinag nito. Dusk reflected through the glass of the windows, leaving an eerie feel. Hindi na alam ni Snow kung ano ang gagawin, nakatuod lamang siya sa kinatatayuan. Mayamaya pa, humakbang papalapit sa kanya si Wrath. Napaatras siya at napapikit. 'Shit! Not again!' Nararamdaman pa rin niya ang hapdi ng sugat na nagmula sa blade nito. Kinakabahan siya sa maaari nitong gawin.

She knows that he could kill her on the spot.

Ngunit nilagpasan lamang siya nito at iniwan ang mga katagang, "As a punishment, you'll have to take care of my dog for a week. Good luck, Snow." At tuluyan nang naglaho si Wrath sa madilim na pasilyo.

Kumunot ang noo ni Snow sa sinabi niya.

"Kailan pa nagkaroon ng aso si Wrath?"

Hindi pa man siya nakakalabas ng Conference Room, umalingawngaw na sa buong mansyon ang alulong ng isang aso. Nagmamadaling tinahak ni Snow ang hagdan, ngunit bago man siya siya tuluyang makababa, halos takasan na siya ng ulirat sa nakita.

Oo, may alaga ngang aso si Wrath!

But he failed to mention that his dog is a ten-feet tall canine with three heads. Kuminang sa matamlay na liwanag ang kulay itim nitong balahibo at kapansin-pansin ang sout na dogtag nito sa leeg.

"C-Cerberus?!"

At sininghalan siya ng dambuhalang aso, all its three heads glaring down at her. Oo, ito nga ang asong aalagaan niya sa loob ng isang linggo---if she could last long enough to live.

'ANO BA NAMAN KLASENG PARUSA ANG NAISIP NI WRATH?!'

---

I was in the darkness;
I could not see my words
Nor the wishes of my heart.
Then suddenly there was a great light --

"Let me into the darkness again."

---I was in the darkness,
Stephen Crane

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora