She sighed, "This is madness."

Marahan niyang pinunasan ang isa pang estatwa na katabi ng baluti ng isang kabalyero. The knight's armor shined even with the lack of light, just like the rest of the armored figures. Hindi niya alam kung bakit ang daming estatwa ng mga mandirigma at imahen ng mga kabalyero sa pasilyong ito. 'It's like a collection of a hundred warrior figurines'. Napupuno nito ang kahabaan ng hallway at nakapagtataka talagang hindi niya ito agad napansin noon. Habang naglilinis dito si Snow, hindi niya maiwasang isipin na para bang gumagalaw ang mga ito. She swore that one of the knight's armor moved a little to the right! Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata. Para kasing lumingon sa direksyon niya ang estatwa ni Napoleon!

That's impossible. These are all lifeless figurines, no matter how ridiculously elegant they are.

"Nababaliw na talaga ako sa lugar na 'to."

Tumayo siya nang maayos at pinagpag ang bestida.

Sa pinakadulo ng pasilyong ito at matatagpuan ang private study ni Pride. Naaalala niya ang huling pasok niya sa lugar na 'yon, ang gabi ng pagpirma niya sa kontrata. 'Malamang nandoon na naman siya at nagbabasa', napangiti na lang si Snow sa naiisip. She then walked towards the window and glanced outside. Nakapukaw ng kanyang atensyon ang fountain sa gitna ng circular driveway.

Namalayan na lang si Snow na nasa tapat na siya ng nasabing fountain.

The clear blue sky did nothing to compete with the fountain's beauty. Tila ba kumikinang ang tubig dito at buhay na buhay. Pinagmasdang maigi ni Snow ang estatwa ng anghel sa gitna ng fountain. Kagaya ng una niyang kita rito, putol ang kanyang mga pakpak at para bang pinaglumaan na ng panahon. In daylight, she could clearly see the details of the poor angel. Gawa sa marble ang kabuuan nito, isang babaeng anghel na nakatingin sa kalangitan. Marumi na ang hitsura ng anghel pero hindi nito maitatago ang angking gandang taglay nito. Snow White's eyes darted to her feet, noticing the marble chains clung to the angel's feet.

"Mukhang hindi lang ako ang nakakadena sa lugar na 'to..." Mahina niyang bulong at naglakad palibot sa fountain. Nadaanan niya ang isang plakeng natabunan na ng dumi. She tenderly wiped away the dirt and read the words imprinted on the golden plate.

"The Fountain of Tears?"

Kumunot ang noo ng dalaga sa nabasa. Hindi naman siguro totoong luha ang narito, hindi ba? She leaned closer and gazed at her reflection in the water. Ilang sandali pa, parang may nahagip siyang paggalaw sa tubig. "What the heck?!" Napaatras siya sa gulat. 'Ano naman 'yon?!' Sinubukan niyang lapitan ulit ang tubig, pero sa pagkakataong ito, wala na siyang napansing kakaiba. Huminga nang malalim si Snow.

"Something moved in the water! I'm sure of it..."

Wala namang isda dito o kung ano. Malinaw naman ang tubig na nagtatapos sa madilim na ilalim ng fountain, the water's surface lazily rippling into small waves. Namamalik-mata lang ba siya kanina?

Lumipas ang ilang minutong tinitigan ni Snow ang kanyang repleksyon sa tubig, umaasang may magbabago at mahagip mismo ito ng kanyang mga mata, pero tanging pananawa lang sa nakikitang mukha ang napala niya. She suddenly became aware of how ghostly pale she looked like, her skin as fair as snow. Her ebony hair fell helplessly over her face, in tangles and messy waves. Huminga siya nang malalim at lumayo sa tubig, "Now I know why some women don't feel contented with their looks.."

Kaya ayaw niya ring tingnan ang kanyang repleksyon. The wicked girl staring back at her in those mirrors only reminded Snow White how imperfect she is. Matagal na niyang itinigil ang "insecurities" niya sa katawan magmula nang tinanggap niyang wala nang magbabago sa kanyang hitsura. She could hardly even care anymore.

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon