The Clockwork's Shop resembled a maze. Hindi niya alam kung saan siya nanggaling at kung saan siya papunta. Malamig ang kahoy na sahig sa kanyang talampakan at hanggang dito, naririnig niya pa rin ang tunog ng mga orasan mula sa tambakan.

Nababalot ng kadiliman ang lahat.

Lumiko siya, at naligaw. She turned left and right. Minsan, naiisip niya kung may katapusan ba ang mga pasilyong ito. Ni walang bintana. Walang liwanag at mas lalong walang sign board na magtuturo sa kanya kung saan ang daan palabas. Paano ba nakakalabas dito si Mr. Remi? Napahinto si Snow nang may marinig na tunog.

Footsteps.

At papalapit ang mga ito sa kanya.

Napalinga-linga siya. Shit! Wala na talaga siyang takas. Sinubukan niyang kumapit sa gilid ng pader, pero wala siyang maramdaman. Tanging ang malalakas na yabag ng mga paa ang umalingawngaw sa nakabibinging katahimikan. When she turned around, her breath hitched. She can feel his presence.

"Tick..tock. Tick..tock. Where do you think you're going, little Snow?"

The clockmaker smirked evilly at her. Hawak nito ang isa sa ipinagmamalaki nitong mga orasan. Napahakbang papaatras ang dalaga at lumunok. Mr. Remi laughed and the clock he was holding morphed into a knife. Mabilis itong lumapit sa kanya.

"Tatakas ka na naman? Kailan ka ba matututo ng leksyon mo?!"

Bago pa man makatakbo papalayo si Snow, hinablot siya nito sa damit at ginalusan sa braso. She cried out in pain as her blood dripped on the floor. Naramdaman niyang bumaon ang patalim sa balat niya. Marahas niyang tinulak ang lalaki at sinipa ito sa pribadong lugar. Mr. Remi grunted at the injury. Mabilis na tumakas si Snow at tumakbong muli sa madidilim na pasilyo. Hinihingal niyang tinahak ang mga ito. 'Where do I go?!' Her mind screamed at her. Walang sumagot. Tanging ang kapalaran na lang ang makakasagot sa mga tanong na umiikot sa ulo ni Snow White.

At sa pagkakataong ito, mukhang umaayon ang kapalaran sa kanya.

Habang dinadama niya ang gilid ng pader para sa light switch o kung anumang makakapagbigay-liwanag sa dinadaanan niya, Snow felt a cold metal slab sticking out horizontally from the wall. Nang marinig niyang muli ang mga yabag ni Mr. Remi, hindi na siya nagdalawang-isip at sinubukang pihitin pabukas ang bakal. To her surprise, it opened and light poured out from the outside world.

"HINDI MO AKO MATATAKASAN, SNOW!"

Nagmamadali siyang tumakbo papalabas ng shop patungo sa tahimik na kalye. The orage streetlights illuminated nothing. Natatakpan ng nagtataasang mga gusali ang madilim ka kalangitan, ni hindi makita ang buwan at mga bituin. Masakit sa talampakan niya ang sementadong daan at nangangamba siyang baka masira ang prosthetic leg niya. 'Wag naman sana!' Namuo ang pawis sa kanyang noo habang pilit siyang naghahanap ng mapagtataguan.

Tick-tock..tick-tock..

Halos mabaliw na siya sa takot nang marinig na naman ang tunog na iyon. Ang tunog ng mga orasang likha ni Mr. Remi. Naramdaman ni Snow na sumikip ang mundo, and for that matter, she knew he was out there, watching her every move. Naiiyak siyang tumigil sa pagtakbo, hingal at nanghihina.

"Saan na ako pupunta ngayon?"

Snow doesn't have a family anymore--kung meron man, malamang ayaw rin ng mga ito sa kanya---wala siyang kakilala na maaaring tuluyan at mas lalong hindi siya pwedeng bumalik sa puder ng nahihibang na clockmaker. Even the orphanage would surely think that she's too old for shelter. Napapikit siya at bumuntong-hininga. Mukhang ito na ang katapusan ng kwentong hindi niya pa sinisimulan.

"The Road Not Taken."

Napamulat siya nang biglang may magsalita sa gilid niya. She furrowed her eyebrows upon seeing a man standing next to her. Nakahalukipkip ito at nakatitig sa kanya. 'Where the heck did he came from?' Nang hindi siya nakasagot, ngumisi ang binata at inulit ang sinabi, "The Road Not Taken. It's a poem written by Robert Frost. Have you read it, princess?"

She hesitantly nodded, "Yes. Magmula noon, hilig ko nang magbasa ng mga tula, pero anong kinalaman nito sa'kin? Sino ka ba?"

Nagkibit ng balikat ang misteryosong binata at inayos ang suot na salamin, "Mukhang nahaharap ang kaluluwa mo sa parehong desisyon. I can see you only have two options left in life to get out of this situation.. You can just lay here and wait for your death, or..."

Nanigas sa kanyang kinatatayuan si Snow nang maglaho ang lalaki. Naramdaman na lang niya ang mainit nitong hininga sa kanyang likuran, his mouth dangerously close to her ear, "..you can sell your soul to me and my brothers."

Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kaba. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Napaisip si Snow, 'Is he making an offer to save me?' Kung ibebenta niya ang kaluluwa niya sa kanila para lang mabuhay, may magbabago ba sa kalagayan niya ngayon? Pagak siyang natawa sa naiisip. Malamang ang isang normal na dalaga, pipiliin pang mamatay kaysa makipagkasundo sa isang estranghero. This man might even be Satan himself.

Pero kailan pa ba siya naging normal? Definitely, Snow White is anything but normal. She was crazy and hopeless, yes. Yes, she is. Matapos ang lahat ng kalbaryong naranasan niya sa buhay, kahit ano paniniwalaan niya.

'I'm going to take the road less travelled by and see where it goes', she mused.

It's not like she has anything to lose. Bahala na. Tatahakin na lang niya ang landas na ito, wala man siyang kasiguraduhan kung saan ito patungo.

Sa mahinang boses, sumagot si Snow White, "It's a deal."

She chose to let them save her because nothing can possibly be more terrifying than death, right?

---

Two roads diverged in a yellow wood,
And sorry I could not travel both
And be one traveler, long I stood
And looked down one as far as I could
To where it bent in the undergrowth;

Then took the other, as just as fair,
And having perhaps the better claim,
Because it was grassy and wanted wear;
Though as for that the passing there
Had worn them really about the same,

And both that morning equally lay
In leaves no step had trodden black.
Oh, I kept the first for another day!
Yet knowing how way leads on to way
I doubted if I should ever come back.

I shall be telling this with a sigh
Somewhere ages and ages hence:
Two roads diverged in a yellow wood, and I---
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference.

----"The Road Not Taken",
Robert Frost (1874-1963)

✔Snow White and the Seven Deadly Sins [Books 1&2]Where stories live. Discover now