EPILOGUE PT.2

41 6 0
                                    

CHARLOTTE'S POV
"I have a plan." Sabi ko. Sa loob-looban ko talaga di ko alam ang gagawin ko pero kakayanin ko to para mabuhay lang sila.

"Kung nandito ka Charlotte, nasaan ate mo?" Nagaalalangin magtanong si Sky. I don't call him 'kuya' for nothing. Pero biglang nanlaki mata ko.

"Oh shit---kasama ko ba sya pagpasok, Josh?" Tanong ko kay Joshua na agad naman kumunot noo nya.

"Wait...Hindi. Hala ka balbon! Lagot na!" Shet nga ba naman talaga oh. Hays.

"Aish! Akin na bag ko dali! Lorenzo, Joshua, sumabay kayo sa akin at hahanapin natin si ate. Camille at Sky, ilabas nyo muna yung mga bata delikado sila dito---"

"Pero ate Charlotte, gusto namin makipaglaban din! Ang totoong dahilan kung bakit po talaga kami naandito, ay mga dating kaaway po namin ang kalahati sa mga sumisira ng school natin. Natatakot lang po kami kase wala po kaming mga armas. At buti na lang po at dumating kayong lahat!" Paliwanag ng isang babaeng naka-salamin na umano'y lider ng grupo.

Nagkatingin kami ni Camille na parang may sinasabi sya gamit mga mata. "Sige na. Sumama na kayo---PERO hindi lahat. Ang iba ay kailangan humingi ng tulobg sa mga pulis. Pero paano kayo makakapunta doon kung may magbabantay doon?" Sabi ko.

"Pito sila, lima naman tayo. Ang walo ang maghahanap at makikipaglaban. Ang apat ay hihingi na lang ng tulong." Pagsingit ni Sky sa usapan. Tumango na lang ako. "Maaari yun nga pero pare-pareho tayong mapapahamak. Sige papayag ako. Camille, Sky, ateng naka-braid, tsaka kuya chubby, kayo na bahala ah? Humingi kayo ng tulong. Isang baseball bat lang ang ibibigay ko at tatlong pocket knives. Anong gagawin nyo sa pocket knives? Kung ano ang maaari nilang gawin sa inyo, gamitin nyo yan. Yung natira sumama kayo saken. Sa ngayon, huwag muna tayo rumespunde. Kailangan pa natin ng panandaliang pahinga at mahabang pangyayari ang mangyayari mamaya." Paliwanag ko saka dumungaw sa bintana. Agad akong umupo at pumunta sa tabi ni Sky ng nakakita ako ng isang anino ng tao papunta dito.

"Sky, lock mo pinto!" Mahina kong sigaw sa tenga nya at agad nya naman iyon inilock. "Ligtas tayo dito. Matulog muna kayo. Gigisingin ko na lang kayo kapag handa na ang lahat." Bulong ko sa kanila at tumango naman sila at saka natulog.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina at nag-set ng alarm sa relo ko ng hanggang 11:00. Isa't kalahating oras na lang. Magaalas-dose na. This party is going to be cool.

"Chars, may tao ba sa labas? Kase may naririnig akong tunog sa labas." Mahinang tanong ni Sky at tumango na lang ako. Sumenyas ako na tumahimik ang lahat at matulog. Wala ni isang natulog sa aming lima kundi ang mga bata lang.

"Mamaya na kayo maghanap ng tao. Papahirapan muna natin ang mga nakakalat." Sabi ng isang lalaki sa labas at nagkatinginan kaming lima. "Maghintay muna tayo. Hangga't narinig na natin ang alarma nila na nagsasabing pasimula na ang labanan." Mahinang sabinko saka sumandal sa balikat ni Camille.

Makalipas ng trenta minutos...

"Ihanda nyo na ang gamit nyo. At kailangan nyo na umalis dito." Sabi ni Lorenzo sa mga bata na animo'y tatay nila. Tss kala mo talaga e. At naghanda na nga sila ng gamit nila.

"Tara na?" Tanong ko nung handa na silang lahat. Panandalian akong nagtali ng buhok ng pa-pony tail. Nilingon ko sila at saka sila tumango. Bumuntong hininga muna ako bago ko binuksan ang pinto.

Lumabas kami isa-isa saka nagpaalam at pumunta na sa aming destinasyon. "Joshua, magsama ka ng apat sa iyong paglalakbay papunta doon sa gym. Alam kong madaming dayuhan doon. Kayo na bahala sa kanila." Pagpapaliwanag ko at natira ang kanila lider. Umalis na sila agad.

Just The Way You AreWhere stories live. Discover now