Chapter 2: Unexpected

213 11 1
                                    

Hanggang sa may dumating na isang babaeng familiar saken.

SHET KILALA KO SYA!

Si Ate Carla.

Nanlaki yung mga mata ko dahil di ko akalain na siya ang magiging adviser namen!

"A-ate? Ikaw ang adviser namen?" Tanong ko sa kanya.

Lumingon sya saken at ngumiti. Ate naman e! Bat di ka nagsabi saken na dito ka na pala nagtatrabaho. Sumbong kita kay mama! Charot HAHAHAHAHA!

"Dito na ako ngayon HAHAHA. Sorry di ko sinabi agad." Sabay peace sign saken.

Huminga ng malalim si ate este si maam carla at nagsalita, "Goodmorning to all, I am Carla Alcantara. 23 years old. A Certified Army, Blink, Once, and EXO-L." Panimula niya.

Oo k-pop fan kami ni ate HAHAHAHA. Mas adik nga lang ako kesa pa sa kanya. But I believe na kahit nahihirapan siya ngayon di parin siya bumitaw sa pagiging k-pop fan.

Nag-introduce kami isa-isa at nag pakita ng talent namin.

Huli ako ofcourse. Ok lang yan.

Nung tumayo ako, huminga muna ako ng malalim at nagsalita, "My name is Charlotte Alcantara. 16 years old. And my talent is sleepi--singing." Panimula ko. Shet nasabi ko tuloy ang 'sleeping'.

MALAYA BY MOIRA DELA TORRE
"Pasensya na
Kung papatulugin na muna
Ang pusong napagod
Kakahintay.
Kaya sa natitirang segundong
Kayakap ka
Maaari bang mag-kunwaring akin ka pa.

Mangangarap hanggang sa pagbalik
Mangangarap parin

Kahit masakit baka sakaling makita kitang muli.
Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi.
Kundi pipilitin hindi pa para sakin
Baka sakaling maibalik.

Malaya ka na, Malaya."

Nagsipalakpakan silang lahat. Waaww, magic! Di ko akalain na magugustuhan pala nila ang kanta. Idol na idol ko talaga si Moira WAAAHHH!

"Yan ang kapatid ko. Alam nyo bang napaka-talented nyan." Masayang sabi ni ate.

Halos napatingin silang lahat saken at ngumiti. Tumungo ako at di ko alam kung dapat ba ako kiligin sa mga sinabi ni ate.

Ganyan ako kamahal ni ate. Kaya nyang isigaw sa buong mundo kung gaano nya ako kamahal. Di katulad ni papa, wala na syang pakialam samen. Umaasa pa kami na babalik pa siya sa amin pi a, rin ngpo mga kapatid ko. Ni isang araw wala siya dito sa tabi namin. Ni isang araw wala akong natanggap sa bibig nya na 'Anak, mahal kita.' Wala lang yon sa kanya. Binalewala nya kami ng limang taon.

Nag-recess na kaming lahat. Halos lahat ng mga kaklase ko nagsilabasan. Kaya kaming dalawa na lang ni ate ang natira.

Nakangiti lang sya lagi saken kapag lumilingon ako sa kanya. Parang baliw noh? Mga tao talaga, dinadaan sa ngiti para lang mapansin.

Kinausap ko si ate para malaman ko kung ano ang kailangan nya.

"Ate, akala ko ba doon ka na talaga sa isang school na gustong gusto mong pasukan. Bat nandito ka?" Nagtatakang tanong ko.

Napakamot na lang sa ulo si ate at sinabi ang mga dahilan.

Just The Way You AreWhere stories live. Discover now