EPILOGUE PT.1

53 5 0
                                    

*3 MONTHS LATER*

KIM'S POV

"May plano na ako kung pano natin patayin ang mga estudyante sa school HAHAHAHA!" Nakangiting sambit ko.

"E, ano naman yun? Baka maging palpak na naman tayo Kim ah." Maarteng sambit ni Leigh habang nagkukutkot ng kuko. Yuck. Tinignan ko na lang sya ng masama at saka nagsalita ulit.

"This will work, bitch. Just listen. Don't act that you're great than me."

"E kung mas magaling ka pala samin, ano pa ang kailangan mo samin, aber?!" Sabi ni Jane.

"You dummies help me to destroy Charlotte." Seryosong sabi ko. Tumawa silang lahat ng malakas. Malakas pa sa baliw. Nakaramdam ako ng galit kaya pinalo ko ang table na nasa harapan ko. Pero di sila natinag agad.

"Kaya mo na yun, Kim. Uso 1on1 ngayon. Kaya go! Shoo! Fight her! You don't need us, bitch." Sabi ulit ni Jane.

Useless creatures. Mas malakas nga ako sa kanila pero ha! Hindi ko kaya si Charlotte. Lakas maka-martial arts kala mo talaga master pft!

Oo mas magaling nga sakin si Charlotte oo na! Sa kanya naman kayo kampi diba? Diba?! DIBA?!

"ANAK NG---PWEDE BA MANAHIMIK MUNA KAYO?!" Inis kong tanong sa kanila kaya umayos naman sila agad.

"To naman parang meron ngayon e. Dang init ng ulo. Tss kahit anong gawin mo kase di mapapasayo si LORENZO, OKAY?! Wag mo nang ipilit pa! You're too useless. Tingin mo magugustuhan ka nun kung ganyan na ugali mo? Tanga ka ba?!" Sabi naman ni Leigh habang naka-crossed arms pa!

"Oo tanga ako! Sige! Sabihan nyo lang akong tanga pero magiging akin din si Lorenzo!" Sabi ko sabay walkout palabas ng kwartong yun. Aba! Andaming alam ng mga to ah!

Di ko namalayan na nasa kalsada na pala ako at nakita ko ang sasakyan na papunta sakin sa may bandang kaliwa ko.

Di ko man lang magalaw ang katawan ko. Parang nakadikit ang mga paa ko sa sahig shet. PANIC ATTACK!

"HOY! NAGPAPAKAMATAY KA BA?! KUNG MAGPAPAKAMATAY KA DUN KA SA MAY TULAY!" Sigaw ng driver saken habang nakatanaw sa bintana. Natauhan at nakaramdam ako ng hiya kaya agad nakong kumilos kahit di ko talaga magalaw ang katawan ko.

"Hays." Napasambit na lang ako ng ganun pagkatapos kong dumaan doon sa kalsada.

Para akong tangang naglalakad sa kalsada. Busangot na busangot ang mukha ko. Don't judge me. I'm still beautiful than that stupid Charlotte.

Umuwi na lang ako agad sa apartment ko at natulog. May surprise party ako bukas HAHAHAHAHAHA!

CHARLOTTE'S POV

Heto na pasukan na naman. Hulaan ko mamaya may World War Z na magaganap. Yun naman laging ganap e.

Pano pa yun naging school kung magiging espanyol vs filipino ang ganap doon. May sari-sariling lahi kase masyado e. May mga sarili naman silang teritoryo, aagawin pa teritoryo namin. Pinagloloko nyo ba ako?! Oh ano?! Gusto nyo yun?! Ayoko nun!

Pagdating ko sa school, here we go again. The World War Z has began. Nakasinghot ako ng parang ewan na amoy. Great, sumasakit na naman ulo ko.

Shet, as in talaga ang sakit ng ulo ko kaya napaupo na lang ako at napahawak sa ulo ko. Ano ba naman yan!

Feeling kong gumuguho mundo ko. "T-tulong!" Mahinang sambit ko. Di ko to kinaya ah. Di na napigilan ng tuhod kong ma-out of balance.

Nagulat na lang ako na may bumuhat sakin bridal style papunta sa isang lugar na pamilyar saken.

Just The Way You AreWhere stories live. Discover now