Chapter 36: LQ

34 5 0
                                    

LORENZO'S POV

Naghanap ako ng paraan kung pano buksan ang pinto. Napatingin akakooo sa bintana. Nilapitan ko agad yun. Nagtagumpay ako dahil nabuksan ko yun.

"Girls, dito na kayo lumabas." Sabe ko sa kanila. Kinuha agad nila ang isang upuan para makaakyat sila at makalabas agad.

Naunang makalabas si Camille. Muntik na sya madulas dahil sa dugong kumalat. Sinalo naman sya agad ni Joshua, nung sinalo nya ito nagkatinginan sila. Halos sa sobrang lapit ng mga mukha nila ay parang maghahalikan na sila.

"Huy!" Panggugulat ko sa kanila. Natawa agad si Charlotte. Natauhan ang dalawa at humiwalay na. Napakamot na lang sa ulo si Joshua. Si Camille naman ay nag-blush. Yieee, bagay talaga tong dalawang to.

Nagulat ako nung hinagis sakin ni Charlotte ang bag nya saka sya lumabas galing doon sa bintana. Buti hinawakan ko ang kamay nya dahil halos madulas din sya doon.

Pumunta na kame agad sa fourth floor. "Balita ko kase doon ang pinakamadaming namatay. Kaya mag-ingat na tayo for know." Sabe ko.

Wala pang huling pagakyat namin ramdam na ang kakaibang feeling. Dahan-dahan kaming naglakad.

Sa unang room pa lang, tagaktak na kami ng pawis. Mainit pa man din ngayon. Napansin naming walang upuan doon sa room na yun. Parang normal na classroom lang na walang laman.

Sa pangalawang room ay ubod ng dugo ang paligid. Parang nagkaroon pa ng party dito sa pangatlong room ng dugo. Nagulat kami dahil may isang flashlight dito napagulong-gulong. Kinuha ko yun at tinapat sa malayuan kung nagana pa. Swerte dahil malinaw na malinaw pa.

"Guys, I think wag na tayo tumuloy sa last room. Kakaiba ang feeling ko doon." Sabe ni Camille. Kapit na kapit sya kay Charlotte. Matapang si Charlotte pero kung makikita mo ngayon matapang sa panlabas pero takot sa panloob.

"Keri natin to." Sabe ni Charlotte. Dahan dahan kaming naglakad papasok doon sa room na yun. Mukhang wala kaming makukuhang sulat doon.Nagulat na lang kami dahil may nagpakita doon na isa ng babaeng naka-school uniform. Duguan sya.

"Hi." Sambit ng babae. Nagkatinginan kaming apat. Tumakbo na kame agad dahil iba na ang pakiramdam namin dito.

"AHHHH!" Sigaw namin nung hinabol nya kami. Grabe nakakagulat yun ah.

Pumunta kami agad sa main gate. Shaks! Naalala ko bawal mag-cutting kapag monday! Kaso naalala kong mamaya pa ang klase namin.

"Mga bata, pwede ngayon mag-cutting. Mabuti nga at naisip nyong mag-cutting kase kakaiba na ang lugar na to ngayon." Sabe ng guard samin. Napangiti kami agad dahil pwede kaming mag-cutting.

"Thank you po manong." Sabe namin. Paglabas namin, agad namang bumuhos ang malakas na ulan.

"Sakay na kayo dito, guys!" Sigaw ni Joshua habang nasa sasakyan na sya. Mabuti nga na sumigaw sya kung hindi, waaww majik, grabe narinig namin! With matching palakpak pa yun ah.

CHARLOTTE'S POV

Sumakay na kame agad sa sasakyan nya. Sa front seat umupo si Lorenzo tapos kami ni Camille umupo naman sa backseat.

"Grabe yun ah!" Sabe ni Joshua. Habang nasa byahe na kami.

"Kaloka yung babaeng yun ah!" Sabe naman ni Camille. Nagtaka lang ako sa mukha ng babaeng yun. Parang nakita ko na sya e.

"Ang lalim ata ng iniisip mo, Chars. Anyare?" Tanong saken ni Camille at hinawakan nya ang kamay ko. Nakatingin lang ako sa bintana.

"Mamaya ko na sabihin. Tsaka san ba tayo pupunta?" Tanong ko habang may kinukuha sa bulsa. Hinahanap ko yung panyo ko kase di pa pala ako nakapagpunas ng pawis.

Just The Way You AreWhere stories live. Discover now