Chapter 34: Mysterious Room

33 5 0
                                    

SKY'S POV

Naisipan kong pumunta sa ospital. Isasama ko naman din si Lorenzo. Alam kong miss na miss nya na si Charlotte as in that much.

Bumili kame ng mga kailangan at mga pagkain para kay Charlotte pati na rin sa pamilya nya. I'm sure gising na yun si Charlotte.

"Kuya, may bibilhin lang ako para kay ano, kilala mo na hehe!" Paalam nya saken. Tumango na lang ako habang naghahanap ng paboritong kape ni Carla at ni Charlotte.

Aaminin ko, mahal ko pa sya. Pero di nya na ako mahal. Wala na akong pag-asa para maging kami pa. Sad.

Sya talaga yung babaeng sineryoso ko. Sya yung tipong babaeng hindi makapag-hintay dahil minsan mainitin ang ulo nito, daig pa ang may regla hays. Sya yung abaeng madaling magselos kapag may kumausap saken na babae ana hindi nya kilala. Pero kahit ganun sya, mahal na mahal ko yun. Siguro nga ngayon na ang tamang panahon para mag-move on. Dahil alam kong malabo na ang tingin nya saken simula pa nung nag-break kame. Nainis nga ako doon sa babaeng nabuntis ko, pinalaglag nya daw ang bata. Isa syang malaking pagkakamali sa buhay ko. Kaya di na ako nagpakita sa kanya kahit gustong-gusto nya pa akong makita.

Nung nabayaran ko na ang mga binili namen, sakto bumalik na si Lorenzo na may dalang teddy bear sa isang paper bag. Hanubayan, bat puro teddy bear na lang ang binibigay nyan sa mga nililigawan nya. Masasapak ko ata tong lalaking to e.

Una sa lahat, wala syang alam sa pagligaw ng isang babae. Ganyan yan e. Minding his own business. Second sa lahat, nagpapaka-sweet lang yan para mapangiti ang isang babaeng nililigawan.

"Tara na. Ba magreklamo ka pa na ang bagal naten kumilos." Sabe ko habang kinukuha ang mga pinamili namen saka pumasok na sa sasakyan ko.

CHARLOTTE'S POV

Matutulog pa ba ako or what? Tutal andito na si mama matutulog na lang ako. Dahil nakaramdam nanaman ako ng antok.

"Mamaya ka na matulog. Inom muna tayo kape." Aya sakin ni mama. Yown oh! Paynale! Makakainom na din ng kape. Namiss ko tuloy mag-kape.

Ininom ko na ang kapeng inihanda saken ni mama. Pa-unti-unti lang ang pag-inom ko dahil alam kong clumsy at nanginginig ako ngayon.

Ok na din yung mag-kape kesa pa sa mag-cellphone. Tapos with matching T.V. pa.

CARLA'S POV

Naglagay ako ng headset at nagpatugtog ng mga kanta ng EXO habang tumitingin sa kada rooms na nadadaanan ko.

Umakyat ako sa sixth floor gamit ang elevator. May kasabay akong pumunta doon. Couple sila. Ang gusto ko lang masabe, wala pong forever. Nung malapit na kame sa sixth floor, nagkiss sila sa harapan ko mismo.

Aba'y bastos tong dalawang to ah? Sa harap ko pa. Hays. Bitter lang ang peg ko hehe.

Nang dumating na ako sa sixth floor, kumaliwa agad ako habang tinanggal ko ang headset ko. Tinago ko agad yun sa bulsa ko.

Nagulat ako nung time na kakaliwa ako, may nakita akong isang babaeng mahaba ang buhok tsaka isang lalaking mahaba din ang buhok nakabantay sa isang room na sobrang dilim. Magkabilaan pa silang nakasandal sa wall habang nagbabantay doon. Pareho silang naka-black as in lahat black. Nagulat ako nung bigla nila akong nilingon. Sobrang seryoso ng tingin nila saken nung dumaan ako sa kinatatayuan nila. Nang makalayo ako ng konti, nilingon ko sila sapagkat nakatingin paren sila saken. Parang may balak silang gawin, tingin pa lang natatakot nako e.

Pinapatuloy ko ng aking paglalakbay, nakita ko yung ibang rooms na bukas, sinilip ko yun. Naiwan lang pala na bukas ang mga yun. Nakikita ko yung mga students na nadamay sa ganap nung isang araw. Ok pa naman yung ibang patients. Yung ibang patient na nakikita ko puro patay na. Naaawa ako kapag ganun tapos yung feeling na parang magkakaroon na lang ako ng bangungot tuwing gabi sa kakaisip sa kanila.

Just The Way You AreWhere stories live. Discover now