Chapter 26: Fight.

44 6 0
                                    

CHARLOTTE'S POV

Pagkaalis ko ng elevator, narinig ko na may nagaaway at nakita ko agad si Joshua.

"Ano ang kailangan kong malaman?" Seryosong tanong ni Joshua. Nagtago ako agad para di nila ako makita.

"Joshua?" Sabe nilang dalawa at nagkatinginan sila.

Naglakad si Joshua para maharap silang dalawa. Naglakad ako ng tahimik. Andito ako sa pwedeng mataguan pero nakikita ko sila.

"Ano ang kailangan kong malaman ah? Ikaw, Katie, what the hell are you doing here? Akala ko di mo ako susundan dito? I trusted you!" Sigaw ni Joshua. Tumingin ang lahat ng tao na nasa paligid nila.

"I'm sorry. I can explain everything." Pagsusumamo ni Katie. Sows, pabebe. Sapak want mo?

"I don't need your explanation. Si Camille ang mag-eexplain." Seryosong sabe ni Joshua saka humarap kay Camille. Nanlaki ang mga mata ni Camille dahil ang lapit nila sa isa't isa. Poker face featuring crossed arms naman si Katie. HAHA SELOS HAHAHA.

"Joshua, step sister ko si Katie." Deretsong sabe ni Camille. Confirmed nga.

Nanlaki ang mga mata ni Joshua sa kanyang nalalaman. So, di nya pala alam? Omayghaaad. Tahimik kase nun e.

"Tama nga ba? Pero ako naman ang magtatanong ngayon. Minahal mo talaga ako,Camille." Tanong ni Joshua. Tumungo na lang si Camille dahil sa kahihiyan.

"Oo. Minahal nga kita. Nang sobra sobra!" Sabe ni Camille. Nanlaki ang mga mata nila Joshua at Katie. Wala silang nasabi agad.

Nagulat ako nung may taong humawak sa bewang ko. Hinawakan ko yun ng mahigpit at pinaikot. Ganon. Pero agad syang nakaiwas.

"Neoneun naegeoya, jagiya."(you're mine, baby) sabe nya sabay hinila ang bewang ko papalapit sa kanya. Agad ko syang tinulak at sinuntok sya ng dalawang beses.

"Amkae."(bitch.) Sabe ko sabay sampal ng malakas sa mukha nya. Manyaaak.

Kinabahan ako dun. Akala ko si Lorenzo, ibang tao pala. Sumakit yung kamay ko sa sobrang lakas ng sampal ko sa kanya.

Bumalik ako sa pwesto na hanggang ngayon wala parin silang sinasabe sa isa't isa.

CAMILLE'S POV

Umalis agad si Joshua sa harap ko at lumipat ang attention nya kay Katie.

Ilang minuto silang nagtitigan pero di ko akalain na sasampalin ni Joshua si Katie. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nakikita ko.

"That's why I don't trust you anymore! Let's break up. I don't want to see your face again!" Sabe ni Joshua sabay walk-out papunta sa kwarto nila.

Lumuha si Katie saka humarap saken. Sinampal nya ako.

"Mangaagaw ka! Kasalanan mo ito!" Sigaw ni Katie.

"Kahit kelan hindi ako naging mangaagaw. Nauna ka lang saken na mamahalin mo sya!" Depensa ko.

"Alam mo? Di kase araw-araw pasko. Kaya di araw-araw mahal ka nya." Seryosong sabe ko.

"Walang hiya kang babae ka!" Sabe nya at sinabunutan ako.

Gumanti ako sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa buhok nya. Hanggang sa tumigil sya sa kakasabunot saken. Kung gaganti pa sya, pwes, di ako magpapatalo.

Sinampal ko sya ng malakas. Napa-upo sya sa sobrang lakas nun. Nilapitan ko sya at umupo.

"Wag ka kaseng umasa na babalik at babalik pa sya sayo. Did he ever need you? Hinde! Di ka naman nandyan para sa kanya diba? Ang sabihin mo, mahal mo sya pero di mo ginamit yang utak mo! Di ka naging responsableng girlfriend!" Sabe ko at tumayo na.

At sa huling pagkakataon, tumingin ako sa kanya sabay hairflip.

"Wag ka nang umasa kase. Di ka na mahal nun, ok? You're just being stupid. Sige na makakaalis ka na. Ayoko nang makita yang pagmumukha mo." Patuloy ko pa sabay alis.

CHARLOTTE'S POV

Grabe yun ah! Tagos sa puso yung mga sinabe ni Camille. Tama nga naman. Kaya naisipan ko na bumaba na lamg ulit to enjoy the view.

Just The Way You AreМесто, где живут истории. Откройте их для себя