Chapter 40: Seryoso?

40 6 0
                                    

"Ano yun, ma?"

Huminga muna ng malalim si mama bago sya nagsalita. "Wala na ang papa nyo." Deretsong sambit ni mama na ikinagulat namin ni ate.

Di ko alam kung ano ang pakiramdam ko ngayon. Parang kanina talon ng talon ang puso ko sa tuwa pero ngayon parang sinaksak na ng mga patalim.

Tumulo ang luha ko. Di ko naman ginusto na mamatay sya e. Di ko rin naman ginusto na mawala sya samin. At lalo nang di ko talaga ginusto ang mawalan ng ama.

"M-ma? S-saan mo nakuha yang balitang yan?" Nauutal kong sabe. Tumingin saken si mama.

"Sinabe saken ng mga kapatid mo. Umuwi sila kanina. Nasa probinsya ang bangkay ng papa nyo. K-kase doon talaga sya pinatay." Panimula ni mama.

"Umuwi kase sila sa Iloilo. Nung isang gabi daw may pumasok na magnanakaw sa bahay naten doon. Pero laking gulat ng lola at ng mga tito't tita nyo kase wala namang nakuha doon. Pero ang hindi nila alam, pinatay nila,ang papa nyo. Makikita mong may mga laslas ang mga braso nya pati sa part ng wrisk kung saan may pulso. Tapos tuluyan nang sinaksak ang dibdib nya. Kaya agad na umuwi ang dalawa nyong kapatid dito." Paliwanag ni mama. T-teka ang gulo. Ang gulo ng damdamin ko. Ewan ko ba na natutuwa ako o naaawa ako. Pero ang namayani sa aking damdamin ay ang naaawa.

Walang puso ang gumawa nun sa kanya. Sana ako na lang. Sana ako na lang ang pinatay at hindi si papa. Kahit masama ang loob ko sa kanya, di ko magawang talikuran ang papa ko.

"Alam nyo, sana ako na lang. Sana ako na lang ang pinatay at hindi ang papa nyo." Sabe ni mama. Kumunot ang noo ni ate.

"Ma, ano ba! Wag ka nga magsalita ng ganyan!" Sabe ni ate sabay ang pagyakap namin kay mama.

"Pano na kami kung nawala ka samen?" Sabe ko naman.

"Salamat sa inyong dalawa dahil pinapagaan nyo ang pakiramdam ko." Nakangiting sambit ni mama.

"Syempre congrats sa queen namin si Charlotte! Yieee~~~." San pa ng mama saka sinuot sakin ang koronang nilapag ko kanina sa lamesa.

Napangiti ako nung time na inabot nila saken ang mga awards ko. Pinicturan ako agad ni mama at ni ate. Pang-profile picture ko daw. Huwaw.

"Suot mo pati yung heels!" Excited na sambit ni ate sabay abot saken ng heels ko kanina. Shaks, ayoko na.

Di na ako nagdalawang isip kaya sinuot ko na agad yun. Nag-pose ako ng parang beauty queen talaga.

*click*

"Thank you ma tsaka ate sa support ninyo saken. Kung wala kayo sa tabi ko, di ako magiging ganito ngayon." Nakangiti kong sambit pagkatapos nila akong picturan.

"Sige na maligo ka na at matulog." Paalala saken ni mama. Di ako agad sumunod dahil nagseselfie pa ako HAHAHAHA!

"Yeh, later na lang hihi." Sambit ko habang magcacapture na sana ng nakapout ako.

Napailing na lang sila mama dahil sa kaartehang ginagawa ko. Minsan lang naman ako aarte e.

Pagkatapos kong magselfie pumunta na ako sa powder room sabay tanggal ng mga fake eyelashes ko saka tumingin sa salamin at ngumiti.

"Ok, goodbye makeup." Sabe ko saka naghilamos.

Pagkatapos kong maghilamos, pumasok nako sa cr at naligo na sa malamiiig na tubig.

Kinanta ko yung buong song na kinover ni Gameboy doon sa King of Masked Singer. Ang ganda ng boses nya huhu. Nakakapangilabot ang dating.

Shaks, sana all. Sana lahat ganon ka ganda ang boses.

Just The Way You AreWhere stories live. Discover now