Chapter 19: Between me and her.

43 6 0
                                    

CAMILLE'S POV

Hinintay kong makatulog si Charlotte. Ilamg minutong lumipas, nakatulog na sya at agad akong bumangon.

Tanga ba talaga ako? Tanga ba ako nung sinabe ko ang totoo kay Charlotte?

Naalala ko ang lahat ng mga bagay na ginawa nya saken.

-flashback-
Masaya akong sumama kay papa dahil may pupuntahan daw sya na ikatutuwa ko.

Pagdating namen sa isang bahay na parang mansyon tignan.

"DADDY!" Sigaw ng babaeng mukhang mas matanda pa ako ng konti. Yinakap nya si papa.

"Dad? Who is she? I don't like her! Take her out of my house! Now!" Sabe nya. Napacrossed arms sya at tinarayan ako. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Katie, this is your older step sister, Camille. So you should respect her like you respect me." Mahinahong sabe ni papa. Nakaramdam naman ako ng lungkot.

Kaya pala laging wala si papa sa bahay. Ito pala ang pinagkakaabalahan nya. Mas pinili nya paren ang bago nyang asawa kesa pa samen.

"Uwi nako dad. Bye." Tipid kong sinabe at umalis nang luhaan. Tanggap ko naman ayaw saken ng step sister ko. Do I need even need her?

All I need is my dad.

I don't deserve to live without my family. My life will be complicated without him. Without my dad, I'm just a piece of shit to mom.

She's almost dead in America. All I'm waiting for, is that she will die right in front of me. Saying the words that I don't receive in her mouth.

Wala na ba talaga akong kwenta sa mundong ito?

Hanggang sa dinala ako ng paa ko sa lugar na hindi ko alam. Kalsada.

Hindi ko alam kung bakit ako naglalakad sa kalsada na madaming sasakyan na dumadaan. Ang mga mata ko ay namamaga na sa dami na ng luha ko. Ang mga tuhod ko ay napapagod na kakalakad sa lugar na hindi ko naman alam.

Nawala sa isip ko na tumakbo dahil may paparating na sasakyan sa harap ko. Nagulat ako nung may tumulak saken para di ako masagasaan.

Niyakap nya ako nang mahigpit na mahigpit. Hanggang sa kumawala sya sa kayap. Tinignan ko sya.

Si papa...

" I thought I lost my baby girl." Sabe nya at niyakap ulit ako. Kumalas ako sa pagkakayakap nya.

"Akala ko ba doon ka sa isa mong anak? Mas mahal mo naman sya kesa sakin diba? It's not my fault kung bakit mo ako pinagpalit sa isa mong anak. Wala naman akong halaga sa buhay nyo ni mama e. Kahit sinasabi nyo na mahal nyo ako, di ko parin nararamdaman na totoo ang mga sinasabe nyo."

"Anak, listen. I don't want you to be like this. It was just an accident."

"An accident? Are you sure dad? KUNG ACCIDENTE YUN, SANA PINALAGLAG NYO! Oh, pa? Sino ang pipiliin mo sa aming dalawa? Sya na may ina na nagmamahal pa sa kanya hanggang ngayon o ako, na walang nanay at hindi kailanman na minahal bilang isang anak?"

Yumuko si papa. Umiiwas sya ng tingin saken.

"Sana nga pa hindi mo na ako naging anak e. Sayang lang yung pagkakataon na binuntis mo si mama." Umalis na ako at umuwi na sa bahay.

Nagkulong ako roon. Lahat ng gamit ko, wasak na. Lahat ng damit ko, punit na. Sobrang putla ko na dahil di ako kumain at nagpahinga buong araw.

Hanggang sa kinalimutan ko na ang lahat at lumipat na ng apartment.

-End of Flashback-

Yan ang nangyare bakit nahiwalay ako sa pamilya ko. Patay na ang mama ko. Sumama ang papa ko sa isa nya pang anak.

Nakapagmove on na ako. Ayoko na rin balikan ang nakaraan baka masaktan pa ako ng tuluyan.

Lahat ng mga problema ko ay hindi ko muna iniisip. Natulog na lang ako para mamaya masaya ako. Masaya akong wala si papa sa paningin ko...

Just The Way You AreWhere stories live. Discover now