Chapter 7: Friends?

95 8 0
                                    

CARLA'S POV

Nagulat ako nung biglang sa harap ko si Sky...

May kahawakan sya ng kamay. Kahit kelan pakboi talaga sya. Binilisan ko ang kilos ko para di ko na sya makita pa.

Pag-uwi ko, agad akong nag-marcha na papunta sa kwarto ko, pero bago yun, nakita ko si Charlotte, natutulog. Sabagay lagi naman syang tulog HAHAHA.

Pagdating ko sa kwarto ko, agad akong nagbihis at natulog. Tinatry ko talagang kalimutan ang mga nakita ko kanina...

Hanggang sa nakatulog na ako.

CHARLOTTE'S POV

At dahil di ako makatulog, lumabas ulit ako para magpalamig. Tri ko lang naman magpahangin HAHAHA. Nakasanayan ko na kase maging ganito gabi-gabi.

Mahilig lang kase ako lumabas para tanggal muna ng stress. Ayoko kase magpadala lagi sa stress, pagod, lungkot, tsaka galit.

Pagkalabas ko ng bahay, may sumalubong saken na isang pamilyar na lalaki saken.

Yung pilosopong lalake kanina...

Nanlaki bigla ang mata ko nung nakota ko syang palapit sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya. Syempre bahay ko ito, bakit ba? Masama bang lumabas?

"Bahay ko 'to, bakit ba? Do you have a problem with that? Btch." Sarcastic kong sabe. Barahan pala ah.

"Nagtatanong lang. Anyways, bakit ka nasa labas? It's cold out here. You should be inside and sleeping." Alala nyang sabe. Waaww magic! Pake nya ba sa buhay ko. Buhay ko 'to bakit ba?

"Bakit ba pa-iba iba ang anyo mo? Kanina sa school napaka-cold mo tapos ngayon nagaalala ka para saken? Waaww...magic!
Himala palang nagiiba na ang mga btch na katulad mo." Bigla naman napataas ang kilay nya at ngumisi.

Ano bang problema nitong lalaking to? Nakakapanira na ng moment e. Kabwiset.

"Nagaalala na nga e!" Pagiinarte nya. Sus, di bagay sakanya mag-inarte. Sobrang gwapo nya naman para mag-inarte. Tekaaa, gwapo? Sinong gwapo? Walang gwapo.

"Pasalamat ka gusto kita." Mahina nyang sambit. Di ko narinig. Ano daw? Gusto nya ako? Or mahina lang pandinig ko.

"Ano sabe mo? Pakiulit nga." Nakangisi kong sabe. Parang tanga noh? Nakangisi sa harap ng stranger na kanina mo lang nakilala.

"Wala sabe ko, ako si Lorenzo William." ahh ok. Share mo lang. Nagulat ako nung bigla nyang inabot nya ang kamay ko.

"Charlotte Alcantara. Nice to meet you." Sabay abot sa kanya ng kamay ko.

"Friends?"

"Friends."

Di naman sa sobrang tanga pero gusto ko naman din magkaibigan ng lalaki. HAHAHA. Pero di ako tibo ah. Sadyang gusto ko lang magkaroon ng kaibigang lalaki.

Kinwento ko yung about kay papa. So yun habang tumatagal ang usapin namen, di namen napansin na 1:30 am na pala. So agad akong nagpaalam sa kanya.

Sobrang gaan ng loob ko kapag nakausap ko sya ng ganun. Parang nawawala ang pagka-bitter ko. Sana naging kaklase ko sya para may kasama ako lagi sa kalokohan HAHAHAHA.

Pagbalik ko sa kwarto ko, agad akong nalatulog dahil sa sobrang dami naming kinwento.

Nagiwan ako ng note sa harap ng pinto ko na di ako papasok. Tinatamad ako. Sobrang antok talaga ako.

Kinabukasan...

"DI KA BA TALAGA PAPASOK?" Sigaw ni ate.
Nag-yes na lang ako natulog. Hinayaan nya na lang ako na matulog. Sabagay wala namang gagawin mamaya.

Bumangon muna ako panandalian. Kinusot kusot ko muna mata ko at humikab.

Naisip ko nanaman yung mga pinagusapan namen ni Lorenzo kanina. Sana maulit yun.
Ang gaan pala sa pakiramdam yung dalawa lang kayo. Walang manggugulo sa inyo. Tapos sya lang yung nagpapangiti sayo nung time na yun. Buti pa sya, nakakaintindi saken. Di katulad ng iba kong mga kaklase binabalewala lang ako. Caring friend sya siguro noh?

"Ang lalim ata ng iniisp mo ngayon, kapatid ah." Sabe ni ate habang nakasandal sa pinto ko. Napatalon tuloy ako sa gulat, andyan pa pala sya.

"Wala 'to.Alis na, ma-late ka pa sa school." Nakangiti kong sabe at humiga na ulit.

Natulog ulit ako. Nagalarm ako ng 10:30.

Just The Way You AreWhere stories live. Discover now