Chapter 13: Confession.

52 6 0
                                    

"LORENZOOOOO!" Sigaw ko. Agad naman nya ako nilingon.

"Oh? Bakit? May nangyari ba?"

"Baliw! Sasabay ako sayo pauwiii,pwedeee?" Parang tanga akong yinuyugyog sya para pumayag sya.

"Ok fine." Tipid nyang sagot. Tumatalon- talon ako sa saya. Parang tanga talaga noh?

"Bukas pala ang awarding ng poetry contest. Sana manalo ka, Charlotte! Ang galing mo kaya!" Dagdag pa nya.

"Pwede naman. Pero mas naganda sayo noh! HAHAHA! Nga pala sino yung binabanggit mong babae doon sa poetry mooo?"

"Secret." Sagot nya.

"WAAAWWW...MAGIC! Si secret pala ang pangalan ng babaeng yun. Siguro naman pwede mo syang ipakilala saken, dibaaaa?" Pagmamaka-awa ko sa kanya. Malapit na pala kame sa bahay.

"Sino kaseeeeee?"

"Pano kung sinabe kong ikaw? Anong reaksyon mo?" Ramdam kong namumula ako ngayon. Oo Lorenzo, sana ako na laaaaang.

"Syempre..." shet Charlotte ano pwede mong sabihin sheeeeems.

"Syempre magpapa alam muna ako kila mama kung pwede kang manligaw saken oh diba? Talino ko." Puri ko sa sarili ko.

Tumawa sya ng mahina at umiwas ng tingin.

"Sana nga pumayag ka na ligawan kita e." Oo nga e.. HAHAHA wait what? Ano? Papayag ako na ligawan mo ako? Pwede. Ang tagal ko na kaseng nakaramdam sa iyo ng kakaiba.

"Pwede. Tagal ko na talaga nakaramdam ng kakaiba sayo e. Yung parang masaya ako lagi kapag kasama kita. Yung parang masaya ako kapag nakikita kitang nakangiti." Sabe ko. Napangiti naman sya agad.

"Ako rin. Napapangiti ako dahil lagi kitang kasama. Kaso binago na kita diba?"

"Oo binago mo ako. Pero di ibig sabihin nun magbabago ang nararamdaman ko sayo."

"Minahal kita noon pa man, Charlotte. Mahal mo ba ako?"

"Uhmmm....oo. Pero, ang pagmamahal na iyon ay hindi pa sapat."

Hinawakan nya ang kamay ko. Parang nanlamig ako agad nung hinawakan nya ang kamay kooo. Shems.

"Charlotte, maghihintay ako. Maghihintay akong sasagutin mo na ako." Napangiti ako doon.

"Sure ka? Hihintayin moko?"

"Ofcourse! Sige na andito na pala tayo sa bahay nyo. Nakakahiya kay tita." Napansin ko ngang nandito na kame sa bahay ko. At ang worst, nakatingin at nakangiti  saken si mama.

"Payag naman ako, Lorenzo e. Pero aral muna ah." Sabe ni mama.

"Sige po tita, thank you poooo!" Masayang sabe ni Lorenzo. Nagpaalam na sya at umalis na. Ang laki parin ng ngiti nya nung nakauwi na sya sa kanila. Natawa naman ako doon HAHAHA.

Pumasok na ako sa bahay at pumunta sa ref. Kinuha ko yung chocolates na dala kagabi ni ate. Crunch, mah favorite.

Habang kumakain ako, napapatingin saken si mama. Naiilang tuloy akong kumain dahil tinitignan nya akong kumain.

"Ma, bakit mo ba ako tinitignan? May dumi ba sa mukha ko?"

"Wala anak. Ang ganda mo kase e." Binitawan ko ang chocolates ko at humarap sa kanya.

"Ma, gwapo ako noh. Charot."

"Sus, pakipot ka pa. Gusto mo lang si Lorenzo e." Biro ni mama. Agad ko syang binigyan ng what-the-hell face.

"Ma, crush ko lang yun noh. Sya yung may gusto saken." Totoo naman e.

"Suuuuss, haba kase ng hair mo e, teka kunin ko yung gunting nang magupit nga yan HAHAHAHA." Nag-evil laugh si mama. Oo mahilig yan sa evil laugh like meh. Mas malala ang evil laugh nya saken.

"Ang gwapo ko kase e. Kaya ganun. Sige na ma, mananahimik na lang ako. Imma going to calligraphy upstairs. Bye." Paalam ko sa kanya at umakyat na sa kwarto ko.

Habang nag-cacalligraphy ako, naalala ko tuloy yung mga memories namen nila papa sa paggawa ng calligraphy. 10 years na ang nakaraan simula nung matuto ako mag-calligraphy.

Naalala ko tuloy na puro papel ang kwarto ko noon dahil laging mali ang mga letters ko nun. It was a failure until papa told me how to make it perfect.

Binibilhan nya ako lagi ng mga sign pens para maganda ang kalabasan ng mga calligraphies ko.

Papa also told me na kahit mahirap gumawa ng ganito, try and try again. Mas lalo kang mahihirapan kung hindi mo susubukin.

Natigilan ako sa paggawa ng calligraphy dahil biglang nag-text saken si mama.

From:Mama ku<3
Nak, bumaba ka. May kailangan kang makita dito sa baba.

Bigla akong kinabahan kung ano man yun. Hinanda ko ang sarili ko sa anumang bagay na yun. Lord, kayo na bahala saken kung mahihimatay ako. Sana wag nyo muna akong kunin.

Bumaba na ako at natigilan ako nung makita ko na sya...

Bumalik na ba talaga sya?

Just The Way You AreWhere stories live. Discover now