Chapter 1: First Day

385 13 2
                                    

CHARLOTTE'S POV

Heto nanaman ang araw na ito.

FIRST DAY OF SCHOOL.

Nag-iingay na ngayon ang bibig ni mama nito. Sana di na lang ako pina-enroll sa school na papasukan ko ngayon.

Bumangon na ako at naligo. Yung feeling tamad na tamad ka pang pumasok dahil sa lintek na school na yan.

Unang pag-buhos ko pa lang ng tubig, shet ang lamig pala. Dahil sa katangahan ko, binuhos ko na pala lahat ng tubig.

Tanga ko noh?

Binilisan kong maligo para makakain na ako ng almusal.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng uniform at inayos ko na ang gamit ko.

Bumaba na ako para pumunta sa hapag kainan.

Nagulat ako dahil biglang nag-salita si mama, "CHARLOTTE! BAT ANG BAGAL MONG KUMILOS?! BAKA MAHULI KA PA SA KLASE NYAN!"Sigaw ni mama.

"Ma,easy ka lang ah. Umagang-umaga high blood ka." Sabi ko habang kumukuha ng pagkain.

Pagkatapos kong kumain, sakto andito na ang service.

Humalik muna ako kay mama. Si mama tsaka yung isa kong kapatid na si ate Carla lang naman ngayon ang kasama ko sa bahay. Yung dalawa ko namang kapatid sumama sa papa ko sa Korea.

Hindi maalis sa isip ko kung bakit ang bilis ng panahon. Ang bilis din mag bago ng isip si papa. Ang mahirap sa kanya yung hindi niya iniintindi si mama. Kaya yun nauwi sila sa hiwalayan.

Mabilis ang byahe namin papunta sa school kaya pwede pa ako matulog sa school.

Bago ako dito sa school dahil kay ate Carla, she's actually the one who pays my tuition fee. So I'm very happy na kahit mahirap ang buhay, gagawa at gagawa parin ng paraan si ate.

Pagpasok sa room, dama ko na ngayon yung kaba ko.

Umupo ako sa last row. Ayoko naman yung parang akward ako dito.

Di ko man maipaliwanag ng maayos pero puro mayayaman pala ang nandito sa room na ito.

Ako lang siguro ang loner at panget sa room na ito.

Oo aminin ko, dati pa akong loner at panget. Matagal na akong tinutukso ng mga dati kong kaklase dahil sa mukha ko. Ang panget ko kase e. Makapal at buhaghag ang buhok, payat, puro pimples ang mukha, in short PANGET.

Hanggang sa...

Just The Way You AreWhere stories live. Discover now