2nd Chapter of Destiny

Magsimula sa umpisa
                                    

Natahimik ako, nakatitig lang sa mga mata niya... Nakatitig lang din siya sa'kin... 

"Tsk." Binasag na naman niya yung katahimikan. "Ikaw? Wala ka namang boyfriend diba..? Pwede ba... Ako na lang?" 

O__O

*O___O*

Sh3t. Bakit parang ang init ng pisngi ko? Ang puso ko... Nagbi-beatbox na naman... 

"O-Oo... Akala din naman ng lahat, tayo na..." Tensed na tensed akong ngumiti sa kanya tsaka ko siya bahagyang tinulak. 

"Yeeee! I love you forever labs! Muaaahhh!" Kinurot niya nang mahina yung magkabilang pisngi ko. :D *^_____^*

Ang sweet diba? Ang ganda ng relasyon namin. Hindi naman materialistic pero sobrang realistic. Wala kaming pakialam sa sinasabi ng iba-- in a positive way naman. Napagsabihan kami ng isang teacher namin na PDA daw kami kasi nakita niya kaming nagho-holding hands. Hindi naman namin pinansin yun pero syempre no body contacts na kami ni Cendone lalo na sa school. :) Marami ring masaya na naging kami. Syempre may mga inggetera pa rin talagang bitter! Gwapo boyfriend ko eh, kaya inggit na inggit sila! Ahahaha! Mamatay sila!

"Aray naman. Wag ka ngang mangagat! Ang sakit..." Reklamo ni Cendone matapos kong kagatin yung braso niya.

"Ang OA mo naman!" Tumalikod ako. "Hindi naman ako nagagalit kapag kinakagat mo'ko ah! Tsk!" I walked out.

"Uy! Teka!" BAHALA ka! Bwiset! -___- Ang ganda ng mood ko eh!

Recess nun at hindi ko na talaga siya pinansin. Nakakainis eh! Ang ganda ng modo ko sinira niya! Narinig pa naman yun ng mga kaklase namin! Hindi kami nagpansinan hanggang sa nagring na yung bell.

"Pssst." Wala akong naririnig.

*Snob*

"Uyy?" Nabibingi ako.

*Snob*

"Labs!" Bahala ka dyan.

*Snob*

"Wag na ikaw tampo, labs... Ako na nga itong nasugatan sa braso oh..." Malungkot boses niya. Nasugatan..? 

O___O Oh Sh*t! Nasobrahan yata kagat ko! 

Lumingon ako sa kanya. Kunwari galit pa rin ako.

"Bakit ba?" Masungit kong sagot.

"Sorry na... Hindi ko naman sinasadyang saktan ka sa sinabi ko eh... Sorry na labs... Please..." Naiiyak na naman siya. Awww... Nakakaawa naman itong labs ko. 

"Ngeee... Ikaw talaga. Wag na ikaw iyak labs... Tsk... Hindi naman kita matitiis eh..." Ngumiti ako sa kanya at kinurot ko yung matangos niyang ilong. Ngumiti na rin siya at pinisil niya yung kamay ko. ^__^

"Thank you labs! I love you!" Awww... Ang sweet talaga!

"I love you din. Teka... Nasugatan ka?? Patingin!"

"Hindi, wag na. Okay lang 'to. Basta ikaw. Lakas mo kaya sa'kin!" Hinalikan niya yung kamay ko. Waaaaahhhh!!! *^O^*  "Kahit ano, titiisin ko, para sa'yo. Essss." Natawa na lang kaming dalawa. Haha!

Ganun kami. Parang mga baliw lang pero masaya. Type na type ko talaga siyang awayin kasi kahit ako yung may kasalanan, siya yung nagso-sorry. Iniiyakan pa nga niya ako para lang patawarin ko siya. Minsan nga nagi-guilty ako kasi kapag tumatawag siya sa'kin at umiiyak habang humihingi ng tawad, napapatawa ako (syempre di ko pinaparinig sa kanya). But then, hindi ko naman siya natitiis. Minsan hindi ko na siya pinapahirapan. :D Kapag ako naman yung may kasalanan sa kanya at tinanggap kong kasalanan ko yun, syempre nagso-sorry din ako... Pero wala eh. Isang sorry ko lang, okay na agad. Tanggap na agad niya-- with I love you pa! 

Sanay na sanay akong magtampu-tampuhan kasi kilig na kilig ako pag sinusuyo niya ako. Minsan nga naghahanap na lang ako ng rason para magtampo. Haha. Ang cute2 kasi niyang sumuyo sa'kin tsaka todo effort talaga! Mahal na mahal ko na talaga boyfriend ko! :D

"Pano pag nagbreak tayo?" Tanong nya. Vacant kami ngayon. Absent kasi si teacher.

"Break? Magkakabalikan din tayo." Sagot ko habang nagdro-drawing.

"Sabagay. Hindi ko naman kakayanin pag nawala ka. Kaya I'm sure, babalikan pa rin kita."

"Talaga?"

"Oo naman. Lakas mo kaya sa'kin!" He gave me a wide smile.

"Lakas tama! Hahaha!"

"Wag mo'kong iiwan labs ha..?" Pinipisil-pisil niya kamay ko.

"Basta wag kang susuko sa'kin..."

"Hinding-hindi... Mahal kita eh."

"Corny. Hahaha!"

"Corny ba yung nagsasabi ng totoo? Waaah!" Kinurot niya pisngi ko. "Ang cute naman ng asawa ko!"

"ASAWA?!" Sigaw ko. Hahaha!

"Huy ano yan? Kelan pa kayo kinasal?" Sabat pa ni Iasha.

"Yeeee! Ninang ako ha!" Sabi ni Aisis, isa ko pang bestfriend (hindi ko siya kaklase kaya minsan2 lang kami nagkakasama).

"Heee!! Ano ba pinagsasabi niyo!" Natatawa kong saway sa kanila. Hinawakan naman ni Cendone yung kamay ko at itinaas niya ito. "Huy--"

"Guys! Itong babaeng 'to!" Itinuro niya ako. "Magiging VIADO na apelyido nito someday! Tandaan niyo yan! Mrs. Ryen Eve Viado! Maganda diba??" Nakangiti niyang sabi nang malakas! *O__O*

"Oo tatandaan namin yan!" Natatawang sagot ng mga kaklase ko. Loko talaga itong asawa ko--este, boypren! :D

Loving a Weirdo [Shuyin Trilogy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon