"Uhh. Pero may boyfriend na ako." Sabi nyang nakayuko.

Aish! Yung ugok nga pala sa baba boyfriend nya, nabanggit nun kanina. Anu ba yan. Parang naguho ulit yun mundo ko.

"Okay." Yun lang nasabi ko tapos naglakad na ako pababa. Pero bigla nya akong hinawakan sa dulo ng shirt ko. Napahinto naman ako.

"Ish, hindi mo alam kung gaano ako kasaya na nakita kita ngaun. Na buhay ka." Mahinang sabi nya habang nakatalikod pa rin ako sakanya at hawak pa rin nya ang dulo ng shirt ko.

"Ako din Meg. Masaya ako. Sige na, baba na tayo. Baka hinahanap ka na ng boyfriend mo." Ouch lang!

Tapos bumaba na ako. Kasunod ko sya. Tinawag sya ng boyfriend nya at naupo naman sya sa tabi nun. Ako naman pumunta na sa pwesto ko kung saan ako magpapahinga.

Yung totoo masaya ako talaga nung nakita ko sya at nayakap. Hindi ko naman talaga ineexpect na makikita ko pa sya dahil sa mga nangyari.

After nun incident sa bahay, yung napatay ko si Mang Ramon, nakiusap ako kina Trina at Shawn kung pwedeng daanan namin si Megan sa kanila para maisama namin sya. Syempre mahal ko pa sya at nagaalala ako para sakanya. Unfortunately, pag dating namin sa bahay nila, wala na sya. Yung parents nya nakagat na ng walkers. Hinalughog namin yung buong bahay pati sa surrounding area nun kaso wala talaga sya. Hindi naman ako nawalan ng pag-asa baka kasi nakatakas sya at sana safe na kasi wala yung katawan nya dun eh.

Pero weeks na ang nakalipas at di ko pa din sya nakita. Akala ko wala na talaga sya. Buti at buhay sya. Kaso, may boyfriend na pala sya. Awtz lang!

Nilingon ko sila sa huling pagkakataon, ang sweet nila. Aish! Makatulog na nga!

----------

Nagising ako pasado alas...aish wala nga pala kong relo!

Nilingon ko yung mga kasamahan ko pero tulog pa sila. Bumangon na ako at umakyat sa comfort room para alam nyo na, morning rituals. Fck! Ligong ligo na talaga ako oh!

After ko mag cr, naupo ako sa upuan na kadikit ng glass window dito sa taas. Ang tahimik. Sobra. Puro kalat lang ang nasa daan. Wala kang makikitang buhay na nilalang.

Naalala ko dati bago pa magkagulo, ang daming tao sa kalsada, and daming bata. Lahat busy. Parang ang dami laging ginagawa. Tapos ngaun, ganito na katahimik ang lahat. Ghost town, ganun.

"Morning." Lumingon ako sa likod, si Trina pala. Naupo sya sa tapat kong upuan at tumingin din sa labas.

"Morning couz." Bati ko. Ngumiti naman sya.

"Akalain mo yun." Sabi nya habang nakatingin pa rin sa labas.

Natawa naman ako. Oo nga naman. Akalain mo talaga.

"Oo nga eh. Akala ko wala na. Kaso nandito nga, may sabit naman." Sabay buntong hininga ko na tinawanan naman nya. Ay tawanan ba ako!

"Atleast buhay sya Ish." Sabi nya sabay yakap sakin.

Napayakap na lang din ako sa kanya at napaluha. Eh sa fresh pa kasi eh. Parang dalawang buwan pa lang nang maghiwalay kami. Oy di lahat mabilis mag move on ah. Wag kayong ano jan. May three month rule nga eh. Aha.

"Babe, Ish, kain na tayo." Si Shawn. Tapos tumayo na kami at bumaba. Syempre ayos ayos din ng sarili bago humarap kay ex. Aha.

"Dito muna tayo hanggang sa makahanap tayo ng magiging camp. Mag scavenge na rin tayo habang may araw." Sabi ni Jayvee.

"Sige, by group ulit. Bawal magkulitan guys ah." Si Shawn sabay tingin sa kambal.

"Oye di kami makulit ahh. Ene be nemen yen!" Si Kylie sabay roll pa ng eyes nya. Nagtawanan tuloy kami. Ang kulit kasi talaga nitong kambal na to eh. Yung isa nga lang makulit na, paano pa pag magkasama. Kaya nga pag nagsca-scavenge kami hindi namin sila pinagsasama. Alam nyo na, baka mapahamak kasi sila.

"Pahinga lang tayo tapos scavenge na ha. Mag groupings tayo ulit since nadagdagan tayo." Sabi ni Jayvee at nag agree naman kaming lahat. Di naman umangal yung dalawa eh.

After kumain at magpahinga. Nag ayos na kami ng mga gamit at weapons. Yung handgun ko nakasukbit sa bewang ko, tapos yung maliit kong knife nakasabit sa bandang hita ko. Ang primary weapon ko is yun samurai na nahanap namin sa isang shop. Actually tatlo yun. Yun isa na kay Shawn tapos yung isa na kay Kyle. Si Kylie and Trina baril at knife din at si Jayvee may baril pero ang primary weapon nya is metal baseball bat. Malakas kasi yung arms nya kaya kayang kaya nya yun ipang hampas sa ulo ng mga walkers.

"Babalik tayo dito bago mag dilim guys. Please lang mag ingat tayong lahat. Huwag kayong maghihiwalay. Understood?" Sabi ni Jayvee na may awtoridad. Sabay sabay naman kami nag nod.

Pag kabukas ng shutter, alerto kami agad kung meron walker. Eh clear naman kaya labas na kami. Naghiwa-hiwalay na kami.

Si Trina at si Shawn ang magkasama. Si Jayvee at si Kylie naman ang magkasama. Para kasing kuya na talaga ng kambal tong si Jayvee kaya ayos lang. Naalala daw kasi ni Jayvee yung mga kapatid nya sa kambal. Tapos ayun, si Kyle at si Dylan (pangalan ng boyfriend ni ex) ang magkasama. Okay na din yun kasi para hindi magkulit si Kyle.

Ayun awkward tuloy. Kasi ba naman ang kasama ko ay walang iba kundi si Megan. Aish! Baliw kasi tong si Trina, talagang pinagpilitan na kami ang magkasama. Muntanga lang.

My Zombie Girl (girlxgirl)Where stories live. Discover now