Family Affair

522 24 5
                                    

Jaki's POV

Mabuti na lang nagtraining ako ng lahat ng klase ng self defense at ilan dun ay kasama pa si Jack kaya hindi ako kinakabahan sa gagawin ko.

"Do you know how to shoot?"

Tanong saakin ni PSG 2 na tinutulungan ako sa mga tactical gears na suot ko. Kanina pa nakaalis sila Vice sakay sakay ng Atlas. Bago sila umalis ay tinignan muna namin yung path nila Jack at tsaka sila umalis. Kinakabahan ako mas para sakaniya kesa para sa sarili ko.

"Yes. I even have a pro license."

Sabi ko habang sinisipat yung hawak kong baril.

Sig Sauer P226

Napansin kong Sig lahat ng handgun sa loob ng security room. Iba talaga ang kalidad ng security team ni Vice.

"Good. Gusto mo ba humawak ng Uzi?"

Sabi niya saakin sabay nguso sa Uzi na nasa loob ng display cabinet na gawa sa salamin. Umiling ako. Bumalik sa isip ko na kapatid ko ang kalaban namin at hindi kung sino lang.

"I don't wanna kill Jack. Kapatid ko siya. My goal is to hit his head so hard para mabalik sa katinuan ang utak niya."

Sabi ko habang pinapanood yung red na dot sa hologram na palapit ng palapit sa kinaroroonan namin.

"Any visuals?"

Narinig kong tanong ni PSG 2 sa head set niya habang tila pinapamilyar ang sarili niya sa hawak na riffle. Tumango siya nung tila may sumagot na sa kabilang linya.

"May visual na daw sila. Naka-ready na sila sa baba."

Baling saakin ni PSG 2. Tumingin ako sakaniya sabay huminga ng malalim at tumango sakaniya. Naka-full tactical gear ako in black and moose green. Sumenyas saakin si PSG 2 na lumabas na ng security room. Nagpatiuna siya at nasa likod niya ako habang mahigpit na hawak yung baril sa kamay ko. I was silently praying na sana hindi magkaroon ng encourter between sa team namin at team nila kuya.

Huminto sa may dulo ng pasilyo si PSG2 at sumenyas saakin na huminto. Sumandal ako sa kabilang side at inantay ko na sumenyas siya ulit saakin.

"Kailangan nasa labas tayo bago sila makapasok dito."

Bulong saaking ni PSG 2. Hindi maalis sa isip ko si Vice. Wala pa kaming balita sakanila mula nung umalis sila. Sinadya din talaga nila yun para walang trace na makita just in case maunahan kami nila Jack.

Malapit na kami sa pintuan nung mapansin ko na may taong nakaupo sa sofa. Kinilabutan ako.

"Sis. Don't do this."

A cold and distant voice boomed inside the room. Napalingon si PSG2 sa pinanggalingan ng boses. A tall man stood up from the sofa at naglakad palapit saakin. Tinutukan siya si PSG ng baril pero pinigil ko ito.

"No, Jack. Please, don't do this."

Sabi ko sakaniya habang mahigpit na hawak ko sa kamay ko yung baril na binigay ni PSG2 saakin kanina. Madilim pero nakita kong nagsmirk si Jack bago siya tumalikod saamin.

"You don't understand. Wala akong choice. I have to do this."

Sabi niya. Naglakad ako palapit sakaniya pero pinigil ako ni PSG2 at sumenyas sa kung ano sa kaliwang side ng kwarto. Tinapunan ko yun ng tingin kasunod ng biglang panlalamig ng buong katawan ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Vice yun. Nakatayo sa likod ng pintuan na nakabukas ng bahagya. Nagtama saglit ang mga mata namin bago niya idinikit sa mga labi niya yung hintuturo niya. Napalunok ako.

"What do you mean?"

Nanginginig ang boses na tanong ko kay Jack na nakatayo sa harap ng salamin at bahagyang sumilip mula doon.

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now