The Festival Of Lights

656 30 0
                                    

Vice's POV

Huwebes.

Wala kaming nakaschedule sa araw na ito tapos sakto naman na ngayon din yung Loi Krathong Festival. Maaga pa naman kaya nagsearch muna ako kung saan pinakamagandang pumunta pag ganitong time.

"Chiang Mai? Parang...."

Sabi ko sabay dali daling tumayo para tignan yung note na nakasobre. Tama nga ako. Dun nga ako pinapapunta nitong mysterious na loyal servant ko. Sino man to.

Naligo ako bago nagbihis. Mejo mainit kaya nag puting tshirt lang ako tapos khaki na shorts at topsider na binili ko kagabi sa boutique sa baba.

May nakita akong pink na polo kaya isinuot ko yun pero hindi ko isinara yung buttons. Tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin bago ko kinuha yung leatherette na sling bad ko at maayos na inilagay dun yung mga notes at yung sobre ng pera.

Lalabas na sana akong pintuan nung biglang may pumasok sa connecting door. Napalingon ako. Si Jaki yun.

Nakataas ang kilay niya saakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa bago nakapamewang na nagsalita.

"Saan punta mo?? Iiwan mo akong mag-isa? After nung sinabi mo sakin kagabi? Na hindi na ako ulit magiisa."

Mahabang litanya niya saakin. Mukhang kanina pa siya nakaready. Nakasuot na kasi siya ng puting blouse na mejo loose tapos itim na short shorts at puting rubber shoes at may dala na ding maliit na bag. Nakatali ng maayos yung buhok niya.

"Mukha namang may lakad ka din oh. Kasama mo si Tom?"

Sabi ko. Hindi ko na pinigilan pa na marinig niyang naiinis ako. Tumawa siya ng mejo bitter.

"Akala ko ba naintindihan mo na yung samin ni Tom? I though nagets mo na business partner ko siya at hindi life partner."

Sabi niya habang nakataas pa talaga yung kilay. Ako din ang sumuko eh. Sa ganda ba naman nitong malditang babaeng nasa harap ko.

Napangiti na lang ako.

"Oh? Bat galit ka? Halika na. Madami tayong gagawin."

Sabi ko sakaniya sabay hila sa kamay niya. Hindi naman siya kumontra at hinayaan na lang niyang hawakan ko yung kamay niya. Hindi namin ginamit yung kotse sa hotel kasi mas masaya pag maeexperience namin yung tunay na kultura dito.

"Tara! Sakay tayo sa Elephant."

Aya ko sakaniya nung nasa isang temple kami kung saan may mga Elephants na pwede kang sakyan. Umiling siya na parang nalulungkot.

"Bakit?"

Sabi ko. Tinuro nuya yung mga elepante bago nagsalita.

"Ayoko. Tignan mo sila, kawawa naman. Ayoko. Dito na lang tayo magpicture."

Sabi niya habang nakapout. Napangiti naman ako. Maldita nga pero maawain din.

Magkahawak kamay kaming namasyal sa mga temples tapos nag-paturo pa kami ss mga monks dun kung paano sila nagdadasal dun. Tinuruan naman nila kami.

After namin dun ay kumain naman kami ng streetfoods.

"Hala!! Eww! Ayoko yan. Tipaklong yan eh. Tapos uod."

Sabi niya habang binibiro ko siya na itry yu g mga exotic na food dun. Sinamaan niya pa ako ng tingin sabay takbo palayo. Tawang tawa naman akong humabol sakaniya.

"Alam mo may gusto akong ipakita sayo. Tara!"

Sabi ko sabay hila sakaniya. Sumakay kami sa tuktok at nagtanong kung paano kami makakarating sa Chiang Mai. Mejo malayo pala yun kaya umalis na kami kaagad habang maaga pa.

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now