Karylle

616 25 9
                                    

Vice's POV

"Paanong... Ha??"

Gulong gulo kong tanong kay PSG habang nakaupo kami sa loob ng isang hotel room malapit sa Gonzaga Co. Nagpaalam muna si Jaki na uuwi dahil may mga kailangan pa siyang asikasuhin.

"Si Ms. Tatlong-hari ang nagiisang anak ng pinakamatalik na kaibigan ng tatay mo at mula nung ipinanganak kayo eh ipinagkasundo na kayo."

Sabi niya saakin habang pasilip silip sa bintana na parang may inaabangan. Napatayo ako mula sa kinatatayuan ko at naglakad paroon at parito para makapag-isip.

"Bakit ako magpapakasala sa taong di ko kakilala. Isa pa, si Jaki. Siya ang gusto ko."

Maktol kong parang bata. Napabuntong hininga lang si PSG bago hunalukipkip at tumingin saakin.

"Pwede mo naman siyang magging 2nd wife. Kahit nga magkaroon ka pa ng anim o sampung asawa."

Parang wala lang sakaniya yun. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"No! Isa lang ang gusto kong magging asawa. Si Jaki yun."

Halos pasigaw na akong nagsasalita. Nasapo ko yung ulo ko nung biglang tumunog yung phone ni PSG. Akalain mo, mas maganda pa yung cellphone niya kesa saakin.

"Okay. Bababa na kami."

Narinig kong sabi niya bago niya ibinaba yung tawag. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Sir, baka gusto mong magbihis."

Sabi niya saakin habang hinihimas pa ang baba niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero ginawa ko pa din ang suggestion niya. Nagsuot lang ako ng short sleeved na puting polo na mejo maluwag tapos itim na pants at puting sneakers. Hindi ko alam kung saan galing tong mga to pero hindi na ako nagtanong kau PSG. Lumabas ako ng kwarto at nakita kong nagsusuot na din siya ng coat niya.

"Tara na po Sir. Nasa baba na sila."

Sabi niya saakin. Tumango lang ako at sumunod sakaniya palabas. Walang kibuan habang naglalakad kami sa hallway hanggang makababa kami ng elevator. Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant sa baba lang ng hotel tapos kami inassist ng waiter papunta sa isang private na booth. Inabutan ko ang isang babaeng nakaupo patalikod saamin. Naka-itim na dress at kulot ang itim na itim nitong buhok.

"Ms. Tatlong-hari? This is Jose Mari."

Pakilala ni PSG. Tumayo yung babaw bago humarap saamin. Napanganga nalang ako sa nakita ko. Mala-porcelana ang kutis niya. Napakaganda ng hubog ng katawan niya at yung mga mata niyang nangungusap hindi ko maiwasang wag titigan. Napalunok pa ako nung mapadako sa labi niyang naka-red lipstick yung mga mata ko.

"Hi. I'm Karylle. Just call me K or Honey or Baby."

Pabiro niyang sabi sabay lahad ng kamay niya saakin. Tinignan ko yun na parang di ko malaman kung anong gagawin ko dun. May naramdaman akong nudge sa likod ko, si PSG at dun lang ako bumalik sa katinuan.

"Hi, I'm Vice."

Sabi ko sabay kuha ng kamay niya. Ang lambot nun. Natulala pa din ako.

"Sir. Ahhh. Upo ka na."

Bulong sakin ni PSG at dun lang ako nagising sa trance ko. Napatikhim ako ng kaunti nung makaupo na ako sa harap ni Karylle. Nakangiti pa din siya saakin.

"Salamat naman at nakilala na kita."

Sabi niya saakin. Napakunot ako ng noo sakaniya.

"Pinay ka?"

Tanong ko. Nagsmile lang siya ulit ng tipid.

"Half. My mom is a Filipina pero si dad, siguro naman nasabi na sayo nitong Widwido na Thai siya."

Sabi niya. Napatango lang ako. Kaya naman pala marunong siya magtagalog. Nagorder kami ng pagkain at tahimik na kumain. Paminsan minsan ay nagtatanong siya at minsan naman ay ako.

"So tell me, kelan ang kasal?"

Muntik na akong mabilaukan sa tanong niya. Naubo ako ng kaunti pero mukha namang hindi siya naoffend.

"Kasal kaagad? Well, una sa lahat gusto kong malaman mo na may babae akong gusto ngayon."

Sabi ko without even blinking an eye. Nagsmile lang siya saakin na parang wala lang naman sakaniya yun.

"Well, okay lang naman saakin. I'll be the first wife and she'll be the second. Saatin naman eh walang problema yan."

Sabi niya sabay subo ng piraso ng steak. Napamaang lang ako sa sinabi niya.

"No. Dito saamin isa lang ang pwede. Sorry, Karylle. Napakaganda mo pero iba talaga ang gusto ko."

Sabi ko sabay inom ng wine. Ngumiti ulit siya saakin. Parang hindi naman siya affected sa sinabi ko.

"Well, you better discuss this with your lawyers then. Tsaka na tayo ulit magusap after."

Sabi niya saakin sabay lapag ng table napkin sa lamesa at tumayo.

"I'll see you soon, hon. I'm pretty sure I'll see you soon."

She smirked and then left. Naiwan naman akong nakatulala sa kawalan at in shock. Umupo si PSG sa upuang binakante ni Karylle tapos humalukipkip sabay titig saakin.

"Sir, bukas kailangan mong lumipad papuntang Dubai. Dun na tayo magsimula muna."

Sabi niya. Wala sa sarili akong tumango. Ang hirap naman isiksik sa utak ng mga nangyayari saakin. Mas lalo yung bilis ng turn of events. Nung isang linggo lang baklang jobless ako, ngayon mayamang prinsipeng malapit ng ikasal.


Pero pano to? Si Jaki ang gusto kong makasama habang buhay.



Bahala na nga. Kung kailangan kong igive up yung kayamanan para sakaniya...



Siya lang ang pipiliin ko.






Umakyat ako sa kwarto ko at magdamag nagmuni-muni...



Jaki: Pst! Namiss na kita. 😊

Napangiti ako sa message na nabasa ko. Ako din naman eh, namiss  ko siya, pero sa ngayon....


Aayusin ko muna lahat para sakaniya.

------------

Sarreeeehhhh na.

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now