A Thousand Wish

824 33 3
                                    

3rd Person's POV

Pinapagod din talaga ako ng nagsulat eh.

Anyway,

Nakaupo si Vice sa tabi ni Jaki na busy pa din sa pagcecellphone. Hindi pa nagtake off ang eroplano kaya pwede pa siya magsend ng emails. May private jet ang Gonzaga Co pero mas pinili ni Jaki na wag gamiting yun. Naka Business Class sila kaya kumportable si Vice sa upuan kahit halatang kinakahabahan siya. First time kasi niyang sumakay sa eroplano.

"Mam Jaki. Baka gusto mong isend saakin yung itinerary ng travel natin para naman maassist kita."

Sabi ni Vice na halatang binabaling lang ang atensyon sa ibang bagay para hindi siya magpanic. Tapos nadin kasi niyang itext yung dalawang kaibigan niya.

"Check your inbox. I sent it a while ago. Tapusin ko lang tong mga last minute na work ko."

Sabi niya. Seryosong seryoso ito sa ginagawa niya. Chineck naman ni Vice yung company phone niya at true enough andun na yung itinerary.

"Non-stop meetings ka pala starting tomorrow. Okay."

Sabi niya habang dinodouble check yung itinerary.

3 hrs and 24 minutes ang tinagal nila sa himpapawid bago sila nagland sa Phuket International Airport. Meron na kaagad nagaantay sakanila na itim na BMW pagbaba palang nila sa tarmac.

"Miss Gonzaga, welcome to Thailand!"

Bati ng driver na nakauniform ng navy blue. Kinamayan niya si Ms. Jaki at si Vice bago binuksan yung pintuan sa likod ng kotse para makasakay sila. Pagpasok nila sa loob ay agad namang inayos nung driver yung mga gamit nila sa trunk at hinatid na sila sa hotel.

As expected sa isang mamahaling hotel sila hinatid nung driver.

Magkatabi ang mga kwarto nila pero merong connecting door sa pagitan nila. Pinahatid ni Jaki yung isang maleta sa kwarto ni Vice ay nagulat naman siya.

Binuksan niya yun at tinignan yung mga laman. Iba din talaga tong boss niya. Kumpleto yung laman ng maleta, from underwears, sleep wear, casual and semi formal wear.

Humiga muna siya sa kama tapos nagsend ng message kay Jaki, nakaroaming yung company phone nila kaya wala siyang problema sa mga yun.

Vice: Miss Jaki, thanks ha. Pinagpack mo pa ako. Patay na patay ka talaga saakin din eh no? Hehe. De joke lang. Thanks ulit. :)

Sabi niya. Binaba niya yung telepono sa ibabaw ng kama tapos bumangon siya at naghubad ng suot bago pumasok sa CR para magshower.

Paglabas niya ay nakarobe na lang siya. Kumuha muna siya ng maiisuot mula sa maleta at nagpalit. Simpleng white vneck shirt lang tapos dark blue na shorts. May slippers din naman sa kwarto at yun ang sinuot niya.

Kinuha niya yung phone sa ibabaw ng kama. May message naman si Jaki, agad niyang binasa.

Jaki: Assuming ha. Gutom lang yan eh. May time pa naman, magdinner muna tayo?

Nagreply naman agad si bakla na kinikilig kilig pa.

Vice: Sure, Mam. Saan ba? Kaso wala pala akong ibang dalang sapatos, yung leather lang. Jologs naman kung nakashorts ako tapos naka-balat na sapatos. Hehe.

Jaki: Magpadeliver na lang ako, punta ka nalang dito sa kwarto. May connecting door naman.

Pilyong napangiti naman si Vice.

Vice: Mam Jaki, ikaw ha. Gusto mo nanaman ako ikwarto. Hehe. Joke lang po. Papunta na po ako diyan.

Reply niya sabay lakad papunta sa connecting door. Kumatok muna siya bago tuluyang pumasok. Bumungad naman sakaniya yung malawak na kwarto ni Jaki. May sariling receving area kasi yun tapos may dining table pa na good for 4 at nakahiwalay yung kwarto.

Maldita Kong BossOnde histórias criam vida. Descubra agora