Royal Rumble

464 20 3
                                    

3rd Person's POV

Hello. I miss you all. I mean...

Fine.

Papalapit si Jaki at si Vice nang magkahawak ng kamay kina Bella at Jasmine na busy naman sa pagkekwentuhan about sa modelling nila.

"Uy! Ms. Jaki! Hi."

Sabi ni Bella sabay tayo at beso sa bagong dating nagaalangang ngumiti si Jaki at sinulyapan si Jasmine na nakatingin lang sakaniya. Nung maka-upo si Bella ay si Jasmine naman amg tumayo para bumeso.

"Hi Jackque Gyl. I missed you."

Makahulugang ngumiti siya kay Jaki na halatang hindi na kumportable sa nangyayari. Hinila ni Vice yung upuan sa tabi niya at inalalayang umupo si Jaki bago umupo sa tabi ni Jasmine na katapat ni Jaki.

"J-Jasmine. Kelan ka pa dumating?"

Pamaang na sabi ni Jaki. Napansin ni Vice na hindi na kumportable si Jaki kaya naman pinukaw na lang niya ang atensyon nila.

"Oo nga pala Jasmine. Are you a full time model? Kasi nabanggit ni Bella na nagkasama kayo sa isang event noon?"

Tanong niya kay Jasmine na tumingin sakaniya habang nakataas ang isang kilay. Tila chinachallenge si Vice sa kung ano.

"Hmmm. Hindi ba sinabi sayo ni Jaki? I model, yes. Pero part time lang yun. May US counterpart ang Gonzaga Co. It was established by me and Jack."

Sabi niya. Napamaang naman si Viceral sa narinig at napatingin muna kay Jaki as if asking for confirmation. Jaki nodded slightly and smiled at Jasmine.

"Kamusta na pala yun? What was the name again? GnC?"

Tanong niya dito na parang nakarecover na sa kaba. Ngimiti naman ng paglaganda ganda si Jasmine sakaniya habang nagpapalitan naman ng tingin si Vice at Bella.

"Okay naman. Kaya ako andito actually, I was hoping to schedule a meeting with you, kasi we are looking into expanding our market. Ano pa ba ang pwede kong maka-tie up kundi Gonzaga Co."

Sabi ni Jasmine sabay seryosong tumingin kay Jaki. Nagtaas naman ng kilay si Jaki sakaniya. Palaban din eh. Napatikhim naman si Vice na mukhang hindi na din kumportable.

"Well, I can accomodate you. Jaki is very busy. You can draft a contract and we can talk about it. Tomorrow?"

Sabi ni Vice. Lakas maka-knight in shining armor eh. Napatingin si Jasmine sakaniya at nagsmirk lang bago tinapunan ng sulyap si Jaki na nakapangalumbaba looking amused.

"Sure. Around 4pm? I am so not a morning person kasi."

Sabi ni Jasmine bago nagsimulang magayos ng gamit.

"Okay. See you tomorrow. We should probably go, kasi may meeting pa din kami."

Sabi ni Vice sabay tayo at alalay kay Jaki para makatayo ganun din ang ginawa niya kay Bella na nagpaalam na din kay Jasmine.

"I will see you tomorrow then?"

Sabi ni Jasmine bago sila naghiwahiwalay sa may parking. Tumango lang si Vice bago ko pinagbuksan ng pinto si Jaki.

"Thanks for the save."

Bulong ni Jaki kay Vice habang pabalik sila ng opisina. Napatikhim naman sa back seat si Bella kaya napatingin sakaniya si Vice.

"No big deal."

Simpleng sagot lang ni Vice. Tumingin lang ulit si Vice kay Bella na nasa likod. Sinenyasan siya nito na tanungin na si Jaki kaya napailing siya ng kaunti na hindi naman nakalampas sa mga mata ni Jaki.

"Huh? What was that all about?"

Kunot noong tanong ni Jaki sakanila. Sinulyapan niya si Bella mula sa rearview mirror.

"Hmm? What?"

Pamaang na sagot ni Vice na akala mo eh walang kaalamalam sa sinasabi ng dalaga. Nakita niya naman na nagroll ng mata si Bella kaya napalunok siya. Kilalang kilala na kasi niya si Bella at alam niya na mejo impatient na ito.

"Actually, Jaki, gusto ko lang malaman. Nabanggit kasi ni Jasmine kanina na.... Nag change preference ka daw? Nung sinabi kong jowa mo tong si Viceral."

Nanlaki yung mga mata ni Vice sa narinig mabuti na lang at nasa loob na sila ng parking dahil napaapak siya sa preno. Napalingon agad si Vice kay Jaki pagkahinto ng sasakyan.

Walanh emosyong mabass si Vice sa mukha nito. Katulad nung una niya itong nakilala. Nakakatakot. Her face was blank.

"Sorry, Jaki. Don't mind Bella...."

Sabi ni Vice pero hindi niya na natapos yun dahil tinaas ni Jaki yung kamay niya tanda na ayaw niyang marinig yung sasabihin nito. Bumuntong hininga siya bago nagsalita.

"Hindi porket lumalabas ako kasama ninyo at nakikipagkaibigan ako eh pwede niyo nang ungkatin yung mga bagay na yan. Hindi ko alam kung anong mga sinabi ni Jamine sainyo but then again, It's my life."

Cold na sabi nito bago bumaba ng kotse. Naiwang nakatulala si Bella at si Vice sa loob ng sasakyan.

"What the hell? That escalated quickly."

Sabi ni Bella nung makarecover. Nilingon naman siya ni Vice na nakakunot ang noo.

"Thanks Bells. Ang galing nung ginawa mo."

Sabi niya sabay inis na bumaba ng kotse. Sumunod naman agad sakaniya si Bella. Mabilis ang lakad ni Vice kaya halos magkanda patid patid si Bella to try and keep up with him. Naks english yun.

"Vice! Sorry na. Huy! Hindi ko naman alam na sensitive pala yung topic na yun sakaniya."

Sigaw ni Bella. Napahinto si Vice sa paglalakad at hinarap ang kaibigan. Namulsa siya bago nagsalita.

"Bells, alam mo namang sensitive ang gender issue di ba? Lalo na kung hindi pa nakakapagout yung tao. Alam mo yan. Dahil sayo ako unang nagsabi. Di ba!?"

May diin na sabi ni Vice. Dahan dahan namang kinuha ni Bella yung braso ng kaibigan (kaibigan lang kaya?) bago nagsalita.

"Sorry na. Hindi na mauulit. If it's any consolation, tutulungan nalang kita na magsorry sakaniya."

Sabi nito kay Vice sabay pout na parang bata. Bumuntong hininga naman si Vice at tumango na lang. Hindi din naman niya talaga kayang tiisin tong kaibigan niyang to.

"Thanks pero galit pa yun. Ayokong magpakain sa dragon. Palamigin muna natin ulo niya."

Sabi ni Vice habang naglalakad sila papasok sa opisina ni Vice. Inabutan niya sa loob si Anton at si Karylle. Nagtinginan sila ni Bella.

"Great!"

Bulong nito sakaniya sabay roll ng eyes kay Vice. Natawa naman si Vice bago bumulong din.

"Ang gwapo ko no? Grabe. Pumila ka na din kaya sakanila."

Biro nito kay Bella na nagaward ng pinong kurot sa tagiliran niya. Napangiwi naman siya sa sakit nun.

"Vice! Hi. We have to discuss the wedding!"

Bati ni Karylle nung mapansin na pumasok na sila. Siya naman ang napa roll ng eyes. Kumaway si Bella sakaniya at nag mouth pa ng 'good luck' bago lumabas ng opisina. Dumeretso naman siya sa upuan niya bago humarap kay Karylle.

" Yeah. About that, my mom showed me my dad's last will and testament at may nabanggit dun about yhe wedding. We should discuss it."

Sabi ni Vice kay Karylle. Sumenyas si Karylle kay Anton na lumabas na agad namang sinunod nito.

"Yeah. I've heard pero alam mo naman na hindi magpapakasal si Jaki sayo di ba? You only have what? A week and a half? Jaki is... Let's say... Not into men."

Sabi niya. Napamaang si Vice sa sinabi ni Karylle at napangiti naman yung huli na parang nanunudyo.

"Di mo alam? My gosh."

Pang aasar pa nito. Napayuko si Vice na parang hindi makahinga at biglang nagwalk out.

---------

Start na kasi yung movie so mamaya na ulit or baka bukas na ulit. Hahahaha.





Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now