Vice Pogi

817 31 2
                                    

3rd Person's POV

Patakbong pumasok si Vice sa office building nila dahil late na siya. As in late na siya ng isang oras.

Papasok na sana siya ng elevator nung may nakabangga siyang tao.

Tinignan ni Vice kung sino yun at nakita niya si Tom na naka itim na suit at maayos ang pagkaka brush up ng buhok.

"Sorry, Sir."

Sabi niya. Tumango naman si Tom sakaniya at tatalikod na sana nung parang biglang namukhaan siya.

"Vice?"

Sabi nito sakaniya. Tumango lang siya at ngumiti at sinara na yung pinto ng elevator dahil sa sobrang pagmamadali niya.

"Mr. Rax! Andiyan na ba si Ms. Jaki?"

Hingal na hingal na tanong ni Vice kay Ms. Rax na abala ng nagtatype ng mga minutes of the meeting at schedule. Hindi siya nito nilingon pero sumagot naman ito.

"Kadarating lang. As in. Kasabay si Sir Tom."

Sabi nito. Hindi naman maipinta ang mukha ni Vice sa narinig.

"Okay. Schedule nalang ni Ms. Jaki."

Sabi niya ulit. Inabot naman yun agad ni Ms. Rax bago siya tinignan. Parang namalikmata si Ms. Rax sa nakita kaya tinignan ulit niya si Vice.

"Sino ka? Asan si Vice?"

Kunot noo niyang tanong kay Vice. Natawa naman si Vice sa sinabi ni Ms. Rax.

"Baliw to. Funny ka girl!"

Sabi lang nito sabay pasok na sa opisina niya. Ibinaba niya muna yung mga gamit niya bago kumatok sa pinto ni Ms. Jaki tapos pumasok.

"You're late."

Sabi nito. Halatang mejo hindi maganda ang gising kaninang umaga. Subsob na agad ito sa paper works. Nakasuot nanaman ito ng itim na dress tapos nakapusod yung buhok nito.

Saglit naman na natigilan si Vice na para bang nakakita ng artista. Tumikhim muna siya bago sinabi kay Ms. Jaki yung schedule niya for the day.

"Paki-cancel yung 4pm ko. Aalis ako ng maaga, susunduin ako ni Tom."

Sabi niya na hindi pa din nagtataas ng tingin.

"Okay MAM. Noted. Anything else po?"

Mejo sarkastikong sabi ni Vice dala siguro ng inis o selos, hindi ko masabi dahil nga narrator lang ako. Mukhang napansin naman ni Jaki yung tono ni Vice kaya sinara niya yung binabasa niya tapos niya tinignan ng masama si Vice.

Pero nagulat siya sa nakita ng mata niya.

"V-Vice?"

------------------

Jaki's POV

Asar na asar akong pumasok sa opisina dahil ang aga aga akong binuwisit ni Tom. Mula kahapon eh ayaw na niya akong tigilan sa merger tapos ngayon nauna pa ako sa secretary ko.

Pag upo ko palang ng upuan ko eh nagsimula na agad ako sa trabaho. Pero sa totoo lang ay wala ako halos maintindihan sa binabasa ko dahil hinihintay kong dumating yung taong nagpapaganda ng araw ko.

Maya maya pa ay may kumatok tapos pumasok. Alam kong si Vice yun kaya hindi ko na siya kailangang tignan.

"You're late."

Inis na sabi ko na lang sakaniya. Habang iniscab pa din yung mga papeles sa harap ko. Hindi siya sumagot agad nung nagsalita siya eh isa isa niyang sinabi sakin yung mga kailangan kong gawin sa araw na ito. Nung marinig ko na may pang 4pm ako eh sinabi ko sakaniya na icancel yun dahil susunduin ako ni Tom. May inspection kaming gagawin sa isang site.

Maldita Kong BossWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu