Beg For Honesty

454 22 7
                                    

Jaki's POV

It's been days since nagusap kami ni Vice and I will not deny it, namimiss ko yung baklang yun. Namimiss ko yung kakulitan niya, yung thoughtfulness at lalo na yung sweetness niya.

"Haaayyy. Nakakainis naman!"

Inis na inis na sabi ko sa sarili ko habang umiinom ng kape sa kusina ng penthouse ko. Dito na lang ako palagi nagistay mula nung nag-away kami. I tried to be as cold as I can to him and mukhang effective yung dahil unti unti kong nararamdaman na nagislip na siya sa mga kamay ko.

"Jaki!!! Knock knock!!"

Sigaw ni Tom mula sa labas ng pintuan. Napabuntong hininga na lang ako. Ito nanaman tong makulit na to. Tumayo ako para pagbuksan siya, dahil ang totoo niyan eh siya na lang ang kaibigan ko.

"What??"

Matamlay na sabi ko sakaniya havang binubuksan ng maluwag ang pintuan. Nakangiti siyang pumasok sa loob at itinaas ang dalawang paper bag na hawak niya.

"Breakfast! Lika na, gutom na ako."

Sabi niya sabay nagpatiunang pumunta sa kusina. Bagsak ang balikat na sumunod ako sakaniya at umupo sa may kitchen island habang nangangalumbaba at pinapanood si Tom na nagaayos ng mga pagkain.

"Bakit ba ganyan itsura mo? Dahil ba yan sa engagedment ni Vice at Bella? Akala ko ba kay Karylle yun engaged?"

Sabi niya habang naglalabas ng mga pagkain mula sa paper bags na dala niya. Napanganga ako sa sinabi niya.

"Huh?? San mo naman napulot yan? Last time I checked, kay Karylle siya engaged. Baliw."

Sabi ko. Alam ko naman na magkaibigan silang matalik ni Bella pero minsan napapansin kong may iba sa treatment ni Bella sakaniya. Pero imposibleng engaged sila out of love. Dahil last time we spoke, he said he loves me. Kunot noo kong drinum ng mga daliri ko yung kitchen island.

"Did you hear me?? Jaki!"

Sabi ni Tom habang pinapadaan sa mga mata ko yung palad niya. I snapped out of my trance and looked at him. Nakahanda na yung food sa harap ko at nakaupo na din siya sa tapat ko habang pailing iling.

"Naku, iba na yan. In love ka ba kay Vice?"

Seryosong tanong niya saakin. Nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi niya. Alam kong alam niya yung pagkatao ko dahil may minsan na sobrang wasted ko at siya ang sumundo saakin. Yung time na biglang nawala si Jasmine. He never asked me about it though. Hindi niya binanggit saakin kahit minsan.

"I... No. No."

Sabi ko lang sabay abot ng baso na may lamang tubig. Uminom ako dun dahil biglang nanuyo yung lalamunan ko. Hindi siya nagsalita pero hindi niya din inalis yung tingin niya saakin kaya nailang ako at yumuko na lang.

"Will you stop staring at me. Sisipain kita palabas pag hindi ka tumigil."

Sabi ko sabay tusok ng ham na nasa plato ko. Umiling ng siya at nagsimula na ding kumain. I never really liked Tom. Mayabang kasi at may ugali siya na pag may gusto siya eh dapat makuha niya. I hate that about him.

"Sabi ko kanina nasa newspaper yung announcement ng egagedment ni Vice."

Sabi niya bago uminom ng kape mula sa mug. Napatingin nanaman ako sakaniya habang nakakunot ang noo.

"Imposible yun. Baka gim..."

Hindi ko naituloy yung sasabihin ko nung maalala yung mga nasabi niya saakin. Kailangan niyang magasawa before siya mag birthday para ma-nullify yung kasunduan ng mga tatay nila ni Karylle. Natutop ko yung bunganga ko. If that's the case, baka magkanda leche leche siya pag sinabi ko kay Tom yung tungkol dun. Uminom ako ng tubig at nagisip.

Maldita Kong Bossحيث تعيش القصص. اكتشف الآن