The Proposal

595 22 5
                                    

Jaki's POV

Kanina pa ako nakatulala sa phone ko. Paulit ulit kong binabasa yung thread ng usapan namin ni Vice.

"Did I just say love you too to a man I barely even know?"

Natatawang sabi ko. Pibakiramdaman ko yung sarili ko, no regrets at all. For the first time in a very long time, I felt happy. Genuinely happy.

"Mahalaga ba kung gano katagal ko na siyang kakilala?"

I asked myself habang patayo mula sa kama. Nakangiting naglakad ako papunta sa CR to take a shower. Mamaya ko na iisipin si Vice, I'm sure susulpot yung later. For now, imemeet ko muna yung bagong face ng Gonzaga Co.

I settled for a little black dress and red stilettos. Pinatunga ko ng 3/4 na coat na kulay pula yun at pinaresan ko ng itim din na clutch bag. Nagmemake up na ako nung biglang nagring yung phone ko. Hindi ko na tinignan kung sino, basta sinagot ko na lang.

"Yes?"

Sabi ko. Niloud speaker ko yun bago pinatong sa harap ng vanity mirror at nagpatuloy sa pag-aayos. Wala naman akong kasama kaya kahit personal pa to alam kong safe.

"Mam, nagrerequest po ng board meeting yung BOD. Regarding sa paglalagay ng President."

Sabi ni Rax. Napakunot naman ako ng noo, bakit bigla silang nakaisip na maglagay ng President? Kaya ko naman ah.

"What time? Sige, isunod mo sa meeting ko with Bella."

Sabi ko habang tinatapos ang pag-aayos. Rax amswered in the affirmative and ended the call. Tumayo naman ako at tinignan ang sarili ko sa full body mirror.

Lalabas na sana ako ng pintuan nung biglang may nagdoorbell. Nagtataka naman ako dahil sobrang aga pa para magkabisita.

Binuksan ko ng bahagya yung pinto at sumilip.

"Good morning M'Lady!"

I rolled my eyes at him bago tuluyang lumabas ng pintuan.

"Tom, ang aga mo naman atang mambwisit."

Biro ko sakaniya. Napa-pout naman siya sa sinabi ko kaya natawa lang ako. Naka-steel gray siya sa suit at itim na tie.

"I heard about the BODs request. Do you have someone in mind?"

Sabi niya. Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sakaniya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Who did you bribe to get that information? Paano mo nalaman yan?"

I smirked. Napakamot naman siya ng batok bago nakangiting tumingin saakin.

"Tsk. Grabe ka naman. Nakalimutan mo na ata na may share din ako sa company mo kahit papano."

Sabi niya. Huminga ako ng malalim bago naglakad ulit. Sumabay naman siya saakin. Sino nga ba ang pwede kong magging President? I need someone I can trust.

Only one person popped in my head.

"I know someone worthy of the position."

Sabi ko habang nakangiti. He looked at me quizzically. I just smiled at him. He accompanied me hanggang makarating kami sa conference room kung saan namin imemeet si Bella. Andun na yung manager niya at si Rax.

"Ms. Buern, this is Ms. Jaki Gonzaga, CEO of the company. Ms. Jaki, this is Mr. Buern, manager ni Bella."

Sabi ni Rax saakin. Nagsmile naman ako sa babaeng... Lalake ata? Na nakatayo sa harap ko at inilahad ang kamay ko sakaniya. Kinamayan niya naman yun. Umupo kami pareho.

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now